Kabanata 47 - Pagkairita

32 0 0
                                    

Dinala ni Klyde ang dalaga sa kaniyang silid at doon ito pinaligaya. Makakapaghintay naman ang trabaho niya. Mel clung to him as he made love to her. Sa tuwing mapapansin niya na hindi ito komportable, ginagawa niyang malumanay ang kaniyang paggalaw. Ayan na naman, pakiramdam ni Mel ay parang nalulunod siya sa labis na kasiyahang tinatamasa mula sa binata.

Nakatulog ang babae pagkatapos at nagpasya si Klyde na magtrabaho na. May ilang mga issues na kailangan niyang solusyunan at iba pang mga bagay na nangangailangan ng kanyang pansin. Kinumutan niya ang dalaga at nag-iwan ng instructions sa maid upang bantayan itong mabuti.

Hindi na hinintay ni Klyde na makipag-appointment ito sa doktor, inutusan na lang niya ang kanyang assistant na gawin iyon. He pursed his lips. Wala siyang masyadong alam tungkol sa mga buntis at bata. Mas makakabuti siguro kung magtanong siya sa eksperto. He asked the appointment to be for an hour or so. He needs a lecture.

Natulog si Mel hanggang tanghali, nang hindi na niya maitanggi ang kanyang gutom. Mabilis na inihanda ng isang maid ang mesa para makakain siya. Naisip niya ang tanong ni Klyde kagabi tungkol sa trabaho. Papasok pa ba siya o hindi na?

Gusto pa ba niya? O magsisimula na lang ba siyang magplano para sa kanyang café? Mas naaakit siya sa ideya ng isang cute-looking café. Hindi nagtagal at nagkaroon na siya ng desisyon tungkol doon.

Tumambay lang siya hanggang sa makauwi si Klyde. Ipinaalam nito sa kanya ang tungkol sa kanilang appointment sa isang doktor.

"Ah, oo. Nakalimutan ko. Alam kong may nakalimutan ako pero hindi ko maalala kanina."

"It's already set. Sasamahan kita sa Friday."

"Ah, sige. Siya nga pala, nagpasya akong huminto na sa pagtatrabaho. Magsisimula na lang akong bumuo ng isang business plan para sa isang maliit na cafe. Hindi ako sigurado kung pwede ba kitang maaabala para doon. Kailangan ko lang ng tulong sa paghahanap ng pinakamagandang lokasyon. Iyong hindi masyadong masikip. Basta... iyong hindi masyadong matao, ayaw kong dagsain. Iyon bang sapat lang ang mga tao sa paligid para kumita ng disente. Ayaw kong mahirapan masyado..." She wiggled her eyebrows at him. Kinausap agad siya ng dalaga bago pa man siya makapagpalit ng damit na pambahay.

Well, ito ang sumunod sa kaniya papunta sa kaniyang kwarto. Napalunok si Mel nang magsimulang maghubad ang lalaki. She inwardly cursed bago umiwas ng tingin. Pero... ang hot niya talaga. Hindi niya maiwasang mapatingin.

"Sasabihan ko ang aking assistant na igawa ka ng shortlist." Ni minsan ay hindi ito lumingon sa kanya habang nagbibihis kaya naman tinitigan niya ito nang husto. Bakit kasi napakakisig pa rin niyang tingnan?

"What's the catch?" Dahan-dahan niyang tanong. Lagi na ang kasing may ganoon kapag may hinihiling siya.

Hinarap siya nito na nakasuot ng cotton shirt at cotton shorts. Sensitive ba ang balat nito? Hindi niya alam.

Nakakunot ang noo ni Klyde habang papalapit sa kaniya. Tumayo ito sa harapan niya habang siya ay nakaupo sa gilid ng kama. Nakatingala siya sa pigura nito.

"Consider it as my wedding gift."

Naningkit ang mga mata ni Mel at sinipat siya. "Oh? Eh ano naman ang ireregalo ko sa iyo?"

"Pumayag ka sa kasal, though you didn't make it easy. Sapat na dahilan na iyon para bigyan kita ng regalo."

Napaawang ang labi ni Mel sa paraan ng pagsasalita nito. Nagrereklamo ito sa kanya, hindi ba?

Napaurong siya nang bigla itong mas lumapit pa sa kaniya.

"Ano?" Tanong niya sa pagalit na tono.

Makalipas lamang ang ilang segundo, hinahalikan na siya nito at itinulak siya pahiga sa malawak na kama.

Pag-akitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon