"I'll be away on a business trip. Kung hindi pa rin maganda ang pakiramdam mo, pumunta ka na sa ospital. Magsama ka ng maid."
Napaungol na lang si Mel sa paalala ng lalaki. Buti na lang hindi ito uuwi ng ilang araw. Sana ay makakapag-isip siya ng mas maayos at bago ito bumalik ay may plano na siyang maiisip. Maaga itong umalis at bumangon na din siya mula sa kama. Halos kalahating oras niyang tinitigan ang kaniyang haggard na repleksyon bago naligo. Pakiramdam niya ay mas tinatamad siya kumpara noon. Gusto niya na lang mahiga at matulog. Ayaw niyang magtrabaho pero gusto niyang umalis sa bahay na iyon. Pagsapit ng tanghali ay lumabas siya gamit ang sariling sasakyan.
Ugh. Bakit nang malaman niyang buntis siya ay tila iniuugnay niya ang kaniyang bawat kilos at pakiramdam doon? Normal para sa kanya ang mag-crave ng pagkain na medyo matagal na niyang hindi natitikman ulit, kaya hindi niya mawari kung ganoon din ba ang cravings dahil sa pagbubuntis. Kung tungkol naman sa pagiging pagod, iniisip na lang niya na dahil iyon sa trabaho at sa demands ni Klyde tuwing gabi. Napabuntung hininga siya habang naglalakad papasok sa isang restaurant. It was high-end. Ang tagal na rin mula nung huli siyang kumain sa ganoong klase ng lugar. Ilang minuto pa lang mula ng magbukas sila kaya wala pang katao-tao sa loob. Siya yata ang unang customer. Naupo siya sa isang gilid, iyong may katabing bintana. Pagkaraan ng ilang minuto, may lumapit na server sa kanya na may dalang menu.
Hmm... Binigyan siya ng pamplet ng isang staff sa clinic kahapon. Puno iyon ng mga paalala tungkol sa mga pagbabagong maaaring maranasan dahil sa pagbubuntis. May nakasulat doon tungkol sa mga uri ng pagkain na dapat munang iwasan. Inilapag niya ang menu sa kaliwang bahagi at ang kaniyang smart phone sa kanan. Naghanap siya ng mas extensive na listahan ng mga pagkaing dapat niyang iwasan. Nakita ng server kung ano ang nasa screen niya at naunawaan agad ang kaniyang kalagayan. Well, dahil siya ang kanilang unang customer at wala pa namang iba sa ngayon, matiyaga siyang naghintay. Sinisigurado lang ni Mel na ma-eenjoy niya ang mga pagkain na oorderin niya. Actually, she's craving something sweet and sour.
Sinenyasan niya ang server na lumapit habang tinuturo ang mga pagkaing gusto niya. Meat, seafood and plenty of vegetables.
"Ahm, medyo maanghang po ang isang ito. Kukunin niyo pa rin po ba?" Ang babae ay may dalawang anak na pero tanda niya pa rin ang ilang mga bagay na madalas ipaalala sa kaniya noong buntis pa siya.
"Ah, pwede bang gawin na lang na hindi maanghang?" Gusto pa rin niya iyong kainin.
Napaubo ang babae. Oo nga naman, nakalimutan niya na pwede namang irequest iyon.
"Ay, opo. Pwede naman po. Sasabihan ko po ang magluluto."
"Kukuha rin ako ng mango shake. At itong cake para panghimagas."
"Sige po."
Ipinagpatuloy ni Mel ang pag-browse sa kanyang smartphone nang makaalis ang server. Maya-maya ay nagbago ang ekspresyon niya at sumandal sa upuan. Pumikit siya saglit. Keeping this unborn child is the right thing to do, but it would certainly affect her current situation. Tumingin siya sa labas at sinubukang manatiling kalmado, pinapanood lang ang mga dumadaang sasakyan at ang mga taong naglalakad.
Tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata ngunit hindi niya alam kung bakit. Hindi siya umiiyak. Mabilis niyang pinunasan ang mga luhang iyon at inayos ang sarili. Anong pwede niyang gawin? Ano ang dapat niyang gawin?
Ang kanyang mga iniisip ay patuloy na naghalo-halo sa kanyang utak. Nakakalito at hindi siya makapag-isip ng maayos. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. Kamakailan lang, pakiwari niya ay parang mas nakilala niya si Klyde. Mabuting tao naman ito. Sa totoo lang, bihira niya itong makitang galit. Madaling mainis, ngunit hindi ito nagtataas ng boses, hindi rin nananakit. He could be rough in bed, pero hanggang doon lang iyon.
BINABASA MO ANG
Pag-akit
Romance"Kung inaakala mong hindi kita papatulan, think again." Naramdaman niya ang hininga ng binata sa kanyang mukha habang unti-unti siyang umaatras, hanggang sa lumapat ang kanyang likuran sa isang bookshelf. Ano kayang naisip niya para akalaing magpipi...