Kabanata 4 - Ang Kanyang Plano

83 0 0
                                    

"Wait, sure ka? Wala pa siyang asawa at anak?" Manghang tanong ni Melissa sa kanyang matalik na kaibigan, si Lily.

How could that guy still be single?

"Mahigit isang oras na akong naghahanap dito, bes. Itong isang article from last month, named him one of the most eligible bachelors at the moment. Rich, hot and sexy. Damn, ganito ba talaga ang hitsura niya noong nakita mo? Mapang-akit, Mel." Biro pa ni Lily.

Inikutan niya lang ng mata ang kaibigan. Sure, she also noticed, pero hindi iyon ang focus niya sa ngayon. Her inheritance, iyon ang habol niya sa lalaki.

She was thinking of blackmailing him, pero hindi niya akalaing walang butas siyang makikita.

Balak niya sanang akitin ang lalaki pagkatapos ay isusumbong niya sa asawa nito kapag hindi ito pumayag na bigyan siya ng allowance buwan-buwan.

Nakakainis. Bakit wala ka pang asawa? Iyang tanda mong iyan?

Damn. Pero he looks young pa rin naman. Melissa shook her head. That's not important right now.

Medyo nakakaloka ang mga kaganapan sa buhay niya sa kasalukuyan, but she's glad to have a friend like Lily. Mapagkakatiwalan niya at hindi siya huhusgahan. May pagkamaldita din minsan pero nasa lugar naman. Lily listened to all her rants.

Nagkusa pa nga itong pahiramin siya ng pera, pero tinanggihan niya. Never siyang nangutang before and she's not starting now.

"Hindi kita gets. Ayaw mong magtrabaho, paano ka magkakapera? Ayaw mo ring mangutang? Akala mo ba habangbuhay na mayroong magbibigay sayo ng pera? Mel, that's unrealistic. You're not living a reality. Itong nararanasan mo ngayon, iyan ang nararanasan ng mga karaniwang tao. This is what reality is like. Kailangang mong magtrabaho if you want to earn a living. Mahirap magkapera."

"Yeah, napansin ko nga." Gayunpaman, hindi madali para sa kanya ang mag-adjust bigla-bigla. Nakasanayan na niya ang ganoong lifestyle sa loob ng maraming taon. For her to suddenly work a job... ugh. Hindi niya alam kung paano sisimulan. Anong gagawin niya sa opisina? How could she work for a boss? Hindi madali para sa kanya ang maging sunud-sunuran. She does what she wants.

Si Lily, realistic. Minsan, rebellious din. She may be a wild child, but she knows her limits. Hindi naman siya ipinanganak na kasing yaman ni Melissa. Alam niya kung hanggang saan lang ang pwede niyang gawin. This is how and why she became friends with Melissa in the first place. Medyo magkatulad sila ng ugali, pero mas matigas ang ulo ni Melissa.

"So, anong plano mo ngayon? Ang gwapo ni Klyde, ha? Is he as fit as he looks in the pictures? He doesn't look his age. Mukhang bata pa, probably mid-thirties, ganyan. He looks hot as well." Nagtaas-baba ang mga kilay ni Lily, inaasar si Melissa.

"Hot, sure. Pero walang puso. Ni hindi man lang nahabag sa kalagayan ko. Ang kuripot. Ilang libo lang, hindi pa ako mabigyan." Naupo si Melissa sa kama, tapos bigla ring nahiga. She's sleeping over at Lily's place.

Napaawang ang labi ni Lily. "Nahabag talaga? Girl, hindi naman nakakaawa ang sitwasyon mo. You can work your ass off."

Melissa groaned. May mga panahon na ayaw niyang makarinig ng lecture mula sa kaibigan. She could sound like her mom.

Lily changed tact, alam niyang nagsisimula nang mainis sa kanya si Mel.

"Anyway, hindi ikaw iyong tipong sumusuko agad. Pahirapan mo siya, alam kong maparaan ka. Expert ka diyan, di ba? Minsan, nakakalimutan mo lang gamitin iyang utak mo." Pang-aasar nito in a sweet way.

Napatigil si Melissa bago napatitig kay Lily. Then, she grinned. Hindi pa nakuntento ay tumawa pa ito.

"Oh, baliw na yan?" Sabay tapon ni Lily ng unan sa kaniya.

Pag-akitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon