Umiwas siya ng tingin at huminga ng malalim. Here comes the storm.
Ngunit nang umupo ito sa tapat niya, natigilan siya nang makita itong nakangiti. Uh, anong nangyari?
Ang kanyang panandaliang galit ay ganoon lamang. Panandalian. Hindi niya gusto ang posibilidad na magkakaroon si Klyde ng ibang ka-relasyon. Pero sa ngayon, nakikita niyang nakatutok ito sa kanya. Kailangan niyang tiyakin na hindi ito magkakaroon ng pagkakataong makakilala ang mga malalanding babae. Umuuwi siya ng maaga, as usual. Ngunit paminsan-minsan ay may pinupuntahan itong business trips. Isa o dalawang beses sa isang buwan, dumadalo rin ito ng social events. Iyon lamang ang mga pagkakataon nito na maagaw ng iba. Watching her as she pursed her lips, his expression changed to one of inquiry.
"Anong iniisip mo? Bakit pakiramdam ko ay nakikita mo ako bilang isang manloloko sa isipan mo?"
Oh, hindi siya nagkakamali. Nagulat siya sa sinabi nito.
"Sinasabi ko lang, kasal na tayo. Gusto kong ipaalala sa iyo na bawal kang magkaroon ng ibang ka-relasyon. Kung ganoon ang gagawin mo, maghiwalay na tayo."
Hindi natuwa si Klyde sa pagbanggit niya ng salitang iyon. "Right back at you."
Hindi naman iyon nagustuhan ni Mel at sinamaan niya ito ng tingin.
"Kumain na lang tayo. Lumalamig na ang mga pagkain." Nagsimula siyang maglagay ng pagkain sa plato ng asawa at dinampot naman ni Mel ang kutsara.
Paminsan-minsan ay tinitigan niya ito. She managed to seduce him before, it shouldn't be too hard to do again. Nandoon din ang katotohanang may pisikal na pangangailangan ito at mukhang nagnanasa pa rin ito sa kaniya. Sosorpresahin natin siya mamaya.
Tahimik silang kumain. Sinubukan ni Klyde na magtanong sa kanya upang makausap ito ngunit tila hindi siya interesado at abala sa ibang mga iniisip. Sumuko na siya noon at iniisip kung ano ang mangyayari sa gabing iyon. Mukhang ang paglabas ng maaga ay walang pinagkaiba sa kanilang paglabas tuwing gabi.
Bumalik siya sa kanyang study at sinikap na ayusin ang pagbabago ng isang kontrata. Hindi pa siya nagtatagal doon nang biglang sumulpot si Melissa at tanging ulo lang nito ang nakapasok sa pinto.
"Nagtatrabaho ka pa rin?"
Napakunot ang noo ni Klyde ng marinig ang boses niya. Ang tono na iyon... iyon ay matamis at mapang-akit. Dahan-dahan siyang pumasok at tumayo sa tabi lamang ng pinto; nananatili ang isa niyang kamay sa door knob. Nakasuot siya ng isang pink na night dress, halos hindi noon natatakpan nang maayos ang kanyang katawan.
Matamis itong ngumiti sa kanya bago kumindat, "I'm not wearing undies."
Pagkatapos sabihin iyon ay dahan-dahan siyang lumabas. Pagkasara niya ng pinto ay tumakbo na siya patungo sa kwarto niya. What did she just do? Natawa siya sa sarili.
Natigilan si Klyde at nanatili sa kanyang upuan ng ilang sandali bago naproseso ng kanyang utak ang mga sinabi nito. Damn that woman. Halos hindi niya mapigilan ang sarili at ngayon ay pilit na namang gustong kumawala ng kaniyang alaga. Umungol siya bago tumayo at sumunod sa asawa. He would surely flip if she's just playing with him. Gusto niya ito ng sobra. Hindi siya nakikipagbiruan sa oras na iyon. Akala niya ay pumunta ito sa sariling kwarto pero wala ito doon. On the opposite side, pumunta naman siya sa kaniyang kwarto.
Napalunok siya ng mariin bago binuksan ang pinto. Ano na kaya ang ginagawa nito? Malinaw na nasa ilalim ito ng kumot, nakahiga na sa kanyang kama.
"Anong ginagawa mo?" Hindi niya maiwasang magtanong, naging husky na rin ang boses niya.
Sumulpot ang ulo nito mula sa ilalim ng kumot, pati isang kamay. Sinenyasan siya nitong lumapit gamit ang pagbaluktot sa kanyang daliri.
Damn it. Her hip cramped just now when she jumped on the bed. Namimilipit siya sa sakit kanina pa bago ito nagpakita. Muli siyang nagtago bago pa siya malapitan nito. Naguguluhan si Klyde sa mga kinikilos niya. Natuto na siyang huwag umasa.
BINABASA MO ANG
Pag-akit
Romance"Kung inaakala mong hindi kita papatulan, think again." Naramdaman niya ang hininga ng binata sa kanyang mukha habang unti-unti siyang umaatras, hanggang sa lumapat ang kanyang likuran sa isang bookshelf. Ano kayang naisip niya para akalaing magpipi...