Kabanata 35 - Mapaglaro

41 0 0
                                    

Naunang magising si Klyde at natigilan siya nang mapagtantong nakayakap siya sa dalaga. Well, shit. Kahit ilang beses na silang magkasamang natutulog, ni minsan ay hindi sila nagyayakapan. Napatigil siya sa paggalaw at di malaman kung paano hihiwalay sa natutulog pang dalaga. Bahagya pa lamang siyang gumalaw nang kumunot ang noo nito at umungol sa pagtulog. Bumaliktad ito ng pwesto at humarap sa kabilang bahagi ng silid. Sa paggalaw nitong iyon ay natural na naghiwalay ang kanilang mga katawan. Napabuntong hininga siya bago umupo. Madilim ang hitsura niya habang nakatitig rito. Ano ba ang dapat niyang gawin? Nanatili lang siyang nakatitig rito habang nag-iisip.

"Damn it." Medyo napalakas ang pagkakasabi niya nang hindi siya makabuo ng magandang desisyon.

"Shit." Dagdag pa niya, nang muling humarap ito sa kaniya. Nagmulat ito ng mga mata at pinandilatan siya.

"Gising ka na? Kung hindi ka na matutulog, maaari ka nang lumabas. Ang ingay mo. Gusto ko pang matulog." Itinaas nito ang isang paa at sinipa siya sa balakang. Bahagya siyang nasaktan.

"Aalis na 'ko." Mariin niyang sagot at bumaba na ng kama. Umabot sa tainga niya ang iritadong ungol nito habang pinupulot niya ang kaniyang mga damit at isinuot ang mga iyon. Sa isip niya, naisip niya na mas mabuting layuan niya ito kapag hindi niya ito kailangan. Nasa pintuan na siya nang lingunin niya ang pigura ng babae. He pursed his lips. Naglakad siya pabalik at tinakpan ng kumot ang kahubaran ni Melissa. Napapailing siyang napakamot sa batok bago tuluyang umalis na may hindi maipaliwanag na ekspresyon. He's getting more frustrated now.

Sabado ngayon kaya nagpasya si Mel na matulog hanggang tanghali. Kahit kumakalam na ang tiyan niya sa gutom ay hindi pa rin siya bumabangon. Anyway, ang araw na ito ay para sa kaniyang sarili. Gagawin niya kung ano ang gusto niya. Sa kabutihang palad, maagang umalis ang halimaw at hindi siya inistorbo para sa morning sex.

Maghapong nagtatrabaho si Klyde sa kaniyang study. Naging mas kalmado siya nang tila sa wakas ay nakontrol na niya ang takbo ng kaniyang isipan patungkol sa babae. Natapos niya ang kanyang mga gawain nang hindi naaabala. Gayunpaman, kapag siya ay nagpapahinga ng ilang sandali, ang kaniyang isipan ay napupuno ng babaeng iyon. Medyo nakakainis.

Kinahapunan, nanonood ng sine si Mel sa kwarto niya habang nakikipag-chat kay Landon. Hindi sila gaanong nakapag-usap kagabi, kaya ipinagpatuloy nila ang kanilang pag-uusap sa pamamagitan ng kanilang smartphones. It's not looking good. She grimaced. Bakit minsan ay mas mabuting huwag na lamang magsalita ang mga lalaki? On the upside, dahil doon ay mas nauunawaan niya ang pagkatao at paniniwala ng binata, bagay na kabaliktaran ng sa kaniya. Mukhang wala nang second date. Tinabi niya ang kaniyang laptop at humiga sa kama. Ilang lalaki pa ba ang dapat niyang pagdaanan bago mahanap ang the one? Kailangan ba niyang libutin ang buong kumpanya ni Klyde? O baka naman nasa ibang lugar ito?

Sinubukan niyang bisitahin si Klyde pagkatapos ng hapunan. Ang tanging layunin niya ay ang inisin ito, ngunit nagulat siya ng mapag-alaman na naka-lock ang pinto. What kind of sorcery was it? Napataas ang kaniyang kilay na halos umabot na sa kisame. Wow. Just wow. May meeting ba ito? Pero kahit naman noon ay dire-diretso lang ito sa mga ginagawa, may meeting man o wala, kahit nasa loob siya ng silid. Nakatayo siya doon ng halos limang minuto bago dahan-dahang lumayo. Paatras siyang naglakad papunta sa sariling kwarto habang nakatitig sa pintong iyon. Karaniwan ay wala itong pakialam sa presensya niya kapag nagtatrabaho ito. May tinatawagan ito halos oras-oras, kahit naroon man siya. Ano kayang kababalaghan ang nangyayari?

May ibang babae ba sa loob? Well, that's scandalous. Nanlaki ang mga mata niya sa naisip. Pero nasabi naman na noon ni Klyde na paisa-isang babae lang ang ikinakama nito. Sa kasalukuyan ay siya iyon. Napailing siya. Mahalaga pa bang malaman niya? Maaari naman niya itong tanungin kinagabihan.

Pag-akitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon