Mabilis siyang naabutan ni Klyde paglabas niya ng pinto. Hinila siya nito sa gilid, ngunit nagpumiglas siya. In that moment, he knew he's in so much trouble again.
"Mel, please. Huwag kang magalit. Hayaan mo akong magpaliwanag."
Sinamaan niya ito ng tingin at binawi ang kamay ngunit muli nito iyong hinawakan. Buti na lang at nasa labas ang driver niya at nakatingin sa entrance. Klyde saw him and nodded. Nagmamadali nitong kinuha ang sasakyan ng lalaki.
"Melissa, don't make a scene. Umuwi tayo at doon mag-usap." Hinawakan niya ang magkabilang kamay nito at hinila palapit. May ilang taong curious na tumingin sa direksyon nila and he glared at them. Mind your own damn business.
Muling tumakbo ang imahinasyon ni Mel at habang nanahimik siya ay lalong lumalala ang senaryo sa kanyang isipan. Her eyes constricted as she became angrier with every minute.
Itinulak siya ni Klyde papasok ng sasakyan at agad itong sumunod. Nang mabitawan ng asawa ang kamay niya, sinimulan niya itong hampasin. This bastard...
Hinawakan muli ni Klyde ang kanyang mga kamay, pero hindi iyon naging madali. Nagpumiglas pa rin si Melissa pero mas malakas pa rin sa kanya ang lalaki. When she couldn't shake him off, she simply looked down and remained silent for a while. Mabilis na pinaandar ng driver ang sasakyan at umalis na sila sa venue.
"Melissa..." Panimula niya ngunit agad iyong naputol.
"Gusto mo ba siya? Siya ba ang ka-date mo?"
"Ano?"
"Are you dating her? Siya ba ang type mo?"
Napatulala siya sa mga tanong nito.
"Sabihin mo lang sa akin kapag kailangan mo na akong pumirma sa divorce papers."
Nang marinig niya ang salitang iyon ay napilitan siyang magsalita.
"Anong divorce? Mel, pwede bang hayaan mo muna akong magsalita?"
Magsasalita pa sana ang babae pero inunahan na niya, "Huwag ka munang magsalita. Makinig ka muna, puwede ba?"
She closed her mouth and tightened her jaw as she glared at him, her nostrils flaring.
Huminga ng malalim si Klyde, alam niyang kailangan niyang diretsuhin ang pagpapaliwanag, "She's just a potential business partner. Maganda ang proposal ng kanilang kumpanya, but I was concerned about compliance with certain laws. Pumunta kami doon to consult an expert. We were there for business and we were discussing other matters of the proposal. At para sagutin ko ang mga tanong mo... Hindi. Hindi ko siya gusto. Hindi kami nagde-date. Hindi siya ang tipo ko."
Tumigil siya saglit bago nagpatuloy. "At hindi tayo kailanman maghihiwalay. Naririnig mo ba ako? There will be no divorce, Mel."
Napalunok ng mariin si Mel, kitang-kita niya ang galit nito at malinaw rin niyang narinig ang mga pahayag ng asawa.
""Will you stop putting words in my mouth?" He pleaded.
"Kasal ka na. May asawa ka na. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao kapag nakita ka nila na may kasamang iba? Ano yun? Magpapanggap ka na walang asawa? Bakit? Hindi mo ba nakita kung paano ka tingnan ng babaeng iyon? Hindi ako bulag, Klyde. Nilalandi ka niya. Hinayaan mo lang siyang nakapulupot sa 'yo? Iyon ba ang gusto mo?" Namumula na naman ang mukha niya dahil sa galit.
"Do you want to bet? Pupusta akong bukas na bukas din ay may mga articles na lalabas tungkol sa 'yo at sa babaeng iyon. Naisip mo ba ang anak natin? Paano na lang kapag nabasa niya ang mga iyon paglaki niya?"
"What articles? It's just a social event. We weren't alone. Hindi mo ba napansin ang mga assistant ko na nakasunod sa amin? Hindi mo ba nakita kung gaano karaming tao ang naroon? People are there to talk about business and make connections. Have you seen the married men? Akala mo ba ay asawa nila ang mga kausap nila? What's the point of attending a function kung ikaw lang din ang kakausapin ko?"
BINABASA MO ANG
Pag-akit
Romance"Kung inaakala mong hindi kita papatulan, think again." Naramdaman niya ang hininga ng binata sa kanyang mukha habang unti-unti siyang umaatras, hanggang sa lumapat ang kanyang likuran sa isang bookshelf. Ano kayang naisip niya para akalaing magpipi...