Maraming paghahanda ang ginawa ni Melissa. Nag-research siya patungkol sa kumpanya. Gayunpaman, hindi niya masisigurado kung anong klaseng mga empleyado ang makakasalamuha niya kapag natanggap siya roon.
Kung nagawa ni Lily na magtagal doon sa loob ng mahigit isang taon, marahil ay kakayanin din niya.
For some reason, nakaramdam siya ng kaba nang ipasa na niya ang kanyang resume. Sinubukan niyang ibalik ang atensyon sa ibang bagay habang naghihintay ng tawag, ngunit nag-aalala pa rin siya.
"What's gotten into you?" Isang gabi ay tinanong siya ni Klyde. May tinatrabaho siyang dokumento sa kaniyang study nang nagpakita si Melissa roon. Kita niya na parang hindi ito mapakali at mukhang may inaalalang hindi maganda. Sinubukan niyang magbasa na lamang ng libro pero hindi siya makapag-focus. Ilang beses rin siyang bumuntung-hininga, na ikinakunot-noo ni Klyde.
"What do you mean?" Tanong niya pabalik.
"You look out of it. Mukhang nababalisa ka na ewan." Bagama't hindi pa sila masyadong matagal na magkakilala, masasabi niyang kakaiba ang ikinikilos nito sa pagkakataong iyon.
Kinagat ni Mel ang sariling labi, nag-iisip kung sasabihin ba niya kay Klyde o hindi. Well, letting it out helps, right? Mailabas man lang niya ang kaniyang saloobin at alalahanin.
"May in-applyan akong kumpanya na gusto kong pagtrabahunan. Nandoon kasi yung kaibigan ko, so I think it would be good. I'm waiting for their phone call. Ilang araw na din mula noong nagpasa ako ng resume."
Napataas naman ng kilay ang binata. "At bakit ka naman kinakabahan?"
Inirapan niya ito dahil sa tanong na iyon. "Gusto kong makapasok, pero natatakot ako na baka hindi ako matanggap. Marami na akong napuntahang interviews nitong mga nakaraang linggo pero ni isa ay walang nag-hire sa akin. Nag-aalala ako na baka ganoon din ang mangyari dito."
Ngumisi ang lalaki. Natutuwa siyang marinig ang pag-aalala nito. Unang beses na nangyari iyon. Karaniwan ay may pagka-arogante ito kapag nagsasalita.
"So, ngayon ay alam mo na kung gaano kahirap para sa mga ordinaryong tao ang maghanap ng ikabubuhay?"
Inirapan siya ni Melissa, "Alam ko naman na iyan."
"Dapat maging aware ka sa sarili mong kakayahan. Ilang linggo ka na bang naghahanap ng trabaho? In all that time, hindi mo ba naisip na pagbutihin ang sarili mo? You lack experience, so you should get some. You have two companies at your disposal."
Nagtaas siya ng kilay this time, "Dalawa? Hindi ko alam na dalawang kumpanya ang iniwan ng tatay ko sa pangangalaga mo?"
Kumibot ang labi ni Klyde. This brat. "Kumpanya ko ang tinutukoy ko. Dahil pareho kong pinapatakbo, maaari kang mag-intern kahit alin sa dalawa."
Well, wow.
"Intern talaga? Kailangan ko ng trabaho, hindi internship."
"Pero mababa ang tyansa mo na makakuha ng trabaho kung wala kang masyadong experience. Nag-aaksaya ka ng oras. Kung nag-internship ka agad at nag-ipon ng karanasan, malamang na mas madali kang matatanggap sa trabaho."
Sinamaan siya ng tingin ni Melissa. "Kung hindi ako matatanggap sa kumpanyang ito, makikinig ako sa iyo."
Anyway, tiniyak sa kaniya ni Lily na ang kumpanyang iyon ay nagbibigay ng pagkakataon kahit sa mga fresh graduate na walang karanasan. Nangako si Melissa na pagbubutihin niya sa interview.
"Kapag natanggap ako roon, magkakaroon na din ako ng work experience doon. Makakatulong na yun kapag naghanap ulit ako ng trabaho in the future."
"If you get hired..." Pag-uulit ni Klyde, mukhang wala itong tiwala na matatanggap nga siya.
BINABASA MO ANG
Pag-akit
عاطفية"Kung inaakala mong hindi kita papatulan, think again." Naramdaman niya ang hininga ng binata sa kanyang mukha habang unti-unti siyang umaatras, hanggang sa lumapat ang kanyang likuran sa isang bookshelf. Ano kayang naisip niya para akalaing magpipi...