Or maybe he was. Kinabukasan rin ay muling nagpakita ang dalaga.
Melissa is fuming in anger. Hindi siya nagpadala ng pera! Maghapon siyang naghintay pero walang dumating. Akala niya ay malinaw ang pagkakasabi niya pero bingi yata ang isang 'to. Kailangan niya ng pera. Now na!
"Mamaya pa ang dating ng abogado. Napaaga ka yata ng dating." Saad ni Klyde matapos makinig sa nakaiirita niyang boses as she ranted. It was so irritating he has half a mind to call security and throw her out the building.
Saglit na natigilan si Melissa sa sinabi ng lalaki.
"If you don't behave yourself, I swear I'll have you dragged out of my office. I didn't think you would be scandalous." Dagdag pa nito na halos irapan siya habang may binubuklat na mga papeles.
"Me? Scandalous? We're in private. It's only scandalous when uninvolved people see." Melissa rolled her eyes at him.
"Why don't you wait outside? Nakaaabala ka. Itanong mo sa secretary ko kung anong oras ang dating ng abogado. I can't remember if it's at ten or eleven." Nakakunot noong nagpatuloy lang ito sa ginagawa, ni hindi man lang siya tinapunan muli ng tingin.
"Gaano ba kahirap na padalhan ako ng pera? Simpleng bank transfer lang yun. Bilyonaryo ka, hindi ba? I'm sure kaya mo 'kong bigyan ng ilang libo."
Napapikit ang binata sa tinis ng boses nito. Sinamaan niya ito ng tingin bago nagsalita.
"Di ba twenty-three ka na? Naka-graduate ka na. You have a bachelor's degree. I'm sure you can find a job and earn some money."
Anak ng patola! Sobrang nakakainis na talaga siya. Halos gustuhin na niyang sumigaw. Ang hirap namang kausap ng ulupong na 'to.
Melissa huffed before turning around and exiting his office.
Huminga ng malalim si Klyde. Her presence alone drains his energy. Ilang minuto lang silang nagkausap pero pakiramdam niya ay sobrang napagod siya. Saglit niyang minasahe ang kaniyang sentido bago bumalik sa trabaho.
Si Melissa naman, umupo siya sa isang couch sa labas ng opisina nito at mariing pumikit. Sinubukan niyang kontrolin ang kanyang paghinga. Sa totoo lang, nagsisimula na siyang mag-panic. Ito ang unang pagkakataon na nahuli siya sa pagbabayad ng kanyang mga bayarin. Hindi siya sigurado kung ano ang aasahan.
Kaninang umaga, nakatanggap siya ng abiso para sa kanyang apartment. Ito ay medyo high-end at kahit na mayroon pa siyang dalawang buwang halaga ng paunang bayad, sakto lang yun sa late payments nya. Bukod roon ay may ibabawas din silang halaga for repairs and maintenance. Hindi niya maitatanggi na may mga nasira siya nitong mga nakaraang buwan. Nakakainis lang na hindi siya siningil noon, noong mayroon pa siyang pera. Nabayaran sana niya. Ngayon, sinasabi nila na kung hindi siya makakabayad sa katapusan ng buwan ay kailangan na niyang umalis. Halos isang linggo na lang mula ngayon.
May utang pa talaga siya. At kung paalisin man siya, kailangan niyang humanap ng malilipatan.
Oo na, masyado siyang umasa sa bigay ng ama niya. Malay ba niyang mawawala ito nang maaga? Sa ngayon, hindi niya alam kung anong gagawin. Saan siya kukuha ng pera? Ano'ng gagastusin niya? Saan siya titira? Paano siya kakain? May kotse pa siya, at late na din ang amortization niya doon. Isama mo pa ang pang-gas. Nakakaloka.
Sa kanyang pangamba, pinag-iisipan na rin niya kung ibebenta niya yung iba niyang mga gamit. Madami siyang mga branded bags, clothes and shoes. Jewelries din. Hindi niya akalain na aabot siya sa puntong ito. Her circle of friends wouldn't believe it. Kukutyain lang siya. Nakakahiya. In the end, she didn't want to do that.
Pero kung hindi siya magkakapera in the next seven days, baka gawin din niya. Pero paano? She couldn't let her circle of friends know. Sinubukan niyang magresearch how to sell stuff online, pero nakakalito. Her mind was a mess and she couldn't absorb anything. Sinubukan niyang makaisip ng ibang paraan, pero ang hirap. Wala siyang maisip na matino.
BINABASA MO ANG
Pag-akit
Romance"Kung inaakala mong hindi kita papatulan, think again." Naramdaman niya ang hininga ng binata sa kanyang mukha habang unti-unti siyang umaatras, hanggang sa lumapat ang kanyang likuran sa isang bookshelf. Ano kayang naisip niya para akalaing magpipi...