Kabanata 32 - Hindi Inaasahang Pagbisita

49 0 0
                                    

Ganoon din naman ang naisip ni Mel noong una, kaya naiintindihan niya ang reaksyon ng matanda. Who knows if he'll change his mind, though? Medyo nakaramdam siya ng pagka-awkward dahil doon. Lover, huh? Well, yes. Ganoon nga ang role niya ngayon sa buhay ni Klyde. Bed partner ang terminong ginamit nila, pero pareho lang iyon.

Noong gabing iyon, wala siya sa mood na sumiping sa lalaki. Hindi siya pumunta sa kwarto nito at nahiga na lamang sa sarili niyang kama. Ngunit hindi siya makatulog. Hindi naman siya masyadong apektado, pero naging mailap pa rin ang pagtulog sa kaniya.

Nang hindi siya makita ni Klyde sa silid nito, hinayaan na lamang niya iyon. Pagod din naman siya. Nagtrabaho siya mula pa kanina nang makaalis ang kaniyang lolo. Tinapos niya ang karamihan sa kaniyang backlog. May mga natira pa rin para naman bukas.

Nang magkasabay silang mag-almusal, medyo awkward nga ang namagitan sa kanila. Nakahinga ng maluwag si Mel nang hindi nito banggitin ang hindi siya magsulpot sa kwarto nito kagabi.

"So, anong plano?" Tanong niya nang matapos silang kumain.

Nagtaas ito ng kilay bago tumingin sa kanya. "Anong plano?"

"Well, you know..."

"Huwag mo na lang pansinin. Nothing changes." Saad ng binata.

Huminga ng malalim si Mel. Well, wala naman talaga siyang pakialam.

"Okay." Nagkatitigan lang sila saglit.

Maya-maya, nagsalita ulit ang babae.

"Ibig bang sabihin noon hindi na ako inaalok ng lolo mo ng dalawang bilyon?"

He snorted, "We're you even considering that offer?"

Nagkibit-balikat si Mel, "Well, you never know. Siguro kung hindi ka masyadong nakaka-intimidate. At saka hindi gaanong nakakairita."

She emphasized the last word, making him frown.

"Sa ating dalawa, mas nakakainis ka." Ganti niya.

Ngumisi ang dalaga. Mukha na naman itong naiinis. Panalo siya sa round na iyon nang walang problema.

Lumipas ang ilang linggo at nagulat si Mel nang bisitahin siya ng lolo ni Klyde. Sa kumpanya pa ng lalaki, habang oras ng trabaho niya. She received enough curious looks when the old man requested to speak with her. Huh, did he time it? Kasalukuyang wala si Klyde doon, may pinuntahan na namang business trip.

Nakagat niya ang labi habang sinusundan ang isa sa mga assistant ni Klyde. Nasa opisina nito ang matanda. Ugh. Ano na lang ang idadahilan niya sa kanyang supervisor mamaya? Should she say she's a distant relative? Well, no. That's a bad idea. They'll think of nepotism with that information. Family friend na lang siguro. Hindi nalalayo sa katotohanan. Kaibigan naman ni Klyde ang ama niya, di ba? That shouldn't give her any problems, right? Bahala na. Huminga siya ng malalim. Mag-reresign na lang siya kapag hindi naging maayos ang sitwasyon.

Medyo kinabahan siya sa muli nilang pagkikita. He doesn't like her now, does he?

Kumatok ang assistant sa pinto at ipinaalam sa matanda ang kaniyang presensya.

"Hello po." Matipid niyang pagbati habang nakatayo siya sa may pintuan.

Pinaningkitan ni Enrico ang kaniyang pigura bago iminuwestra ang upuan sa tapat niya. "Maupo ka."

Her lip twitched. "Sesermonan niyo po ba ako? Kung oo, babalik na lang ako sa trabaho ko. Marahil ay nagtataka na iyong supervisor ko kung saan ako nagpunta."

The old man huffed, "Maupo ka. Ano bang karapatan kong pagalitan ka?"

Inayos ni Melissa ang sarili bago lumapit dito. "Hindi po ba kayo shareholder ng kumpanyang ito? Isang hamak na empleyado lang naman ako. Pwede niyo naman akong pagalitan."

Pag-akitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon