Nakatulog si Mel pagkatapos noon at pinagmasdan na lamang siya ng asawa. He traced her face bago ito tila nairita at yumakap palapit sa kanya. Napangiti siya sa unconscious reaction nito.
Hindi siya nito sinagot at parang hindi makapaniwala sa sinabi niya. Kapag nagising ang babae, sisiguraduhin niyang maaalala na nito iyon mula ngayon.
Lumipas ang ilang oras, nagising si Mel dahil sa kailangan niyang gumamit ng banyo. Sinubukan niyang huwag magising ang lalaki, pero nakita niyang nakatitig ito sa kanya. She scrambled after that.
Ngumisi si Klyde. Hindi niya muna ito kukulitin sa pagkakataong iyon. Hinayaan niya itong tumakas.
Sa loob ng banyo, tila naalala niya ang mga nangyari bago siya nakatulog. Nag-init ang kaniyang mukha at nang humarap siya sa salamin ay kitang kita niya ang pamumula ng kaniyang mga pisngi. At ang mga mapahamak na hickey sa kanyang leeg! Mabilis siyang naghilamos bago kumuha ng bathrobe. Napahinto siya sa may pintuan. Marahil ay hinihintay siya nito, tama ba?
Paglabas niya ay nakita niya itong tinatapik-tapik ang kama.
"Hindi ka pa natutulog?" Nakakunot ang noo niya habang naglalakad. Nang makalapit ay hinila siya nito sa braso at pinaupo sa kandungan nito na natatakpan lamang ng kumot.
"Hindi ako makatulog dahil sayo." Pag-amin ng lalaki, na ikina-guilty naman niya for some reason.
"Hindi ko nakita ang kaibigan mo kagabi. Si Cedrik lang ang nakita kong kasama mo."
"May sakit si Lily kaya hindi siya nakarating." Nang sumagot siya, naging madilim ang hitsura nito.
"So, pumunta ka sa isang party kasama ang isang lalaki? Na kayo lang dalawa?" Parang delikado ang tono nito, na nagbigay ng goosebumps sa kanya.
She tried to justify it, "It's not like we should cancel it altogether dahil lang hindi makakapunta si Lily. Anyway, it's for Cedrik to know people and he did that last night. Ay, sandali."
"Bakit?"
"Umalis ako kagabi nang hindi nagpapaalam sa kanya. Nasaan ang phone ko?" Tatayo na sana siya pero hinawakan siya nito nang mahigpit.
Lalong nagdilim ang ekspresyon nito. "Pumunta ka sa isang party kasama ang isang lalaki? Pinayagan lang kita dahil akala ko ay naroon din ang kaibigan mo."
Medyo natakot si Mel sa kanyang hitsura, nalilito kung ano ang sasabihin.
""You called me out last night saying I went there with someone other than my wife and what did you do? You went there with someone other than your husband. Are you fucking kidding me?"
She shriveled under his intense gaze. "Wala naman kaming kinalaman ni Cedrik sa isa't isa. Nakita mo kung gaano siya ka-awkward."
"Mukhang hindi naman siya awkward kagabi."
Napakagat labi si Mel habang nakatitig sa kanya. She helplessly asked, "Hindi ka naman nagseselos sa kanya, 'di ba?"
Bumilis ang tibok ng puso niya nang tumahimik ito at tinitigan siya ng masama.
"Ano ba? Hindi ko siya type at boyfriend siya ni Lily. Isa pa, may asawa na ako." Sinubukan pa rin niyang magpaliwanag.
Nanatili lang itong nakatitig sa kanya habang naghihintay kung ano pa ang sasabihin niya.
"So, naalala mo na may asawa ka na?"
She helplessly looked at him, "Fine. Hindi ako nag-iisip kagabi, sinamahan ko lang naman siya para makipagkilala sa ilang tao."
"And you had the gall to accuse me of dating someone behind your back? Bakit mo naisip na may gusto ako sa babaeng iyon?"
Well, wala siyang maisagot roon. At hindi pa yata ito tapos.
BINABASA MO ANG
Pag-akit
Romance"Kung inaakala mong hindi kita papatulan, think again." Naramdaman niya ang hininga ng binata sa kanyang mukha habang unti-unti siyang umaatras, hanggang sa lumapat ang kanyang likuran sa isang bookshelf. Ano kayang naisip niya para akalaing magpipi...