Kabanata 69 - Ang Wakas

87 1 1
                                    

Tuwang-tuwa at medyo nagyayabang si Klyde. Tinuturuan na nila si Klay kung paano magsalita at ang unang salitang nasabi niya ng maayos ay "dada". Maraming oras ang ginugol niya para sanayin ito.

Hindi naman nakikipagkumpitensya sa kanya si Melissa. "Ngayon, turuan mo siya kung paano sabihin ang mama."

Pakiwari niya ay lalaki ang batang iyon na daddy's boy. Nasisiyahan naman siya sa pagiging hands-on ni Klyde sa pagpapalaki ng kanilang anak. Sino ang mag-aakala na kaya nitong pahabain ang kaniyang pasensya? Si Mel man ay mas maikli ang pasensya kaysa sa asawa.

Sa ngayon, unti-unti nang tinuturuan ng lalaki ang anak kung paano maglakad. Si Klay ay gumagapang na at napaka-aktibo, ngunit hindi pa siya makalakad sa sarili niyang mga paa. Kailangan pang hawakan ni Klyde ang kanyang katawan o di kaya'y ang kanyang mga braso para makatayo at humakbang.

Dahil wala pa silang karanasan, noong una ay takot pa si Klyde na hawakan ang bata. Napakaselan kasi ng sanggol at natatakot siyang masaktan ito. Baka kasi mapahigpit ang hawak niya, o mali ang paghawak niya ay mabali ang maliit nitong katawan. Kailangan niyang maging napaka-ingat sa bata.

"Heto, pakainin mo si Klay. Siguradong gutom na siya ngayon." Iniabot ni Mel ang isang bote ng gatas. Binibigyan lang nila ang bata ng aktwal na pagkain kapag meal times. Medyo chubby na siya.

Ibinigay ni Klyde sa anak ang bote pero mahilig maglaro ang bata. Paminsan-minsan ay pupunasan niya ang mukha nito habang si Klay ay magdadaldal pagkatapos ng bawat pagsuso mula sa bote.

"Ito ang para sayo, kumain ka ng sandwich." Binigyan niya ng isa si Klyde at naupo sa kabilang side ng bata. Hiwang prutas at isang cupcake naman ang meryenda niya.

Makalipas ang ilang araw, isa na namang sorpresa ang nangyari. Kakauwi lang ni Klyde mula sa opisina at gumapang agad ang bata papunta sa kanya ng makita nito ang kanyang dada. Yuyuko na sana siya para buhatin ito kapag nakalapit na pero nagawa nitong tumayo ng mag-isa. Napabulalas siya sa gulat at tinawag si Mel para makita iyon.

Nginitian lang siya nito at hindi kasing saya niya ang naging reaksyon ng asawa.

"No way! Kailan pa niya nagawang tumayo mag-isa?" Naiinis siya dahil hindi niya nakita ang unang paghakbang ng anak.

"Kaninang hapon. Kumakain ako at tinawag ko siya para lumapit pero tumayo siya at naglakad. Tumayo siya gamit ang coffee table, at naglakad habang nakahawak sa gilid noon. Nilakad niya ang distansya sa pagitan ng mesa at ng sopa. Masyado akong natuwa at nabigla ng makita ko iyon. Pinagmasdan ko siyang maglakad hanggang sa makalapit na siya sa akin."

Dahan-dahang pumunta si Klyde sa couch at sumunod naman si Klay na marahang naglalakad. Ngunit nang lumaki na ang distansya, umupo na ito upang gumapang na lamang. May sinasabi ito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw ang mga salita niya.

"Siguraduhin mong malapit ka sa kanya." Paalala niya sa asawa at pinanood sila habang pinapalakad nito ang kanilang anak sa palibot ng sala.

"Bakit hindi ka muna magpalit ng damit? Kakain na tayo ng hapunan." Saad niya makalipas ang ilang minuto, ngunit nakatutok ang atensyon ng lalaki kay Klay. She helplessly sighed. She adores the two of them.

Nang medyo lumaki na si Klay, muling dumalas ang paglabas nilang mag-asawa. Klyde takes her out on dates often. Minsan, dinala siya nito sa isang club. Nang tanungin niya kung bakit doon sila pumunta, ipinaliwanag nito na dahil hindi na siya buntis. Medyo magulo ang mga tao sa dance floor at maaari siyang mabangga ng di sinasadya. Isa pa, ayaw ni Klyde na matukso siyang uminom ng alak. Bawal din iyon sa kaniya noon.

Ngayon, pinapayagan na siya nitong uminom ng isang baso. Hindi siya mahilig uminom kaya nag-iingat din siya. Pasimple niyang ini-enjoy ang mga gabing magkasama sila sa labas.

Pag-akitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon