Kabanata 13 - Panunukso

67 0 0
                                    

Pagkauwi ni Melissa ay diretso itong natulog. Nakakapagod ang maglibot at mamili sa labas.

Pagbalik ni Klyde, nagtungo ito sa kaniyang study dahil may ilang bagay pa siyang dapat tapusin. Nang tawagin siya para sa hapunan ay wala si Melissa sa hapagkainan.

"Nasaan ang babaeng iyon?" Nakakunot ang noo niyang tanong. Medyo nakaramdam ng takot ang katulong sa tono at ekspresyon nito.

"Kumatok na ako sa kwarto niya, sir. Ipinaalam ko na po sa kaniya na handa na ang hapunan."

"Sumagot ba?"

"Hindi po." Mahinang tugon ng maid.

"Tawagin mo ulit."

"Opo, sir." Nagmamadali itong umalis para sumunod sa amo.

Sa totoo lang, walang pakialam si Klyde. Nagsimula siyang kumain kahit wala pa ang dalaga. Malapit na siyang matapos kumain nang dumating si Melissa. Medyo magulo ang itsura nito at parang inaantok pa ang mga mata. Malamang ay natutulog ito nang tawagin kanina.

"Nagsimula ka na bang maghanap ng trabaho? May nakuha ka na ba?" Diretsahang tanong nito kahit unang araw pa lang.

She could only roll her eyes at him and groan. "Agad-agad? Nagmamadali ba tayo? Hindi ko pa alam kung ano ang gusto kong gawin. Gusto kong pumili nang maayos. Nagtingin-tingin ako kanina pero wala pa akong napipili. Anyway, di ba may kontrata naman tayo for six months? Bakit mo 'ko minamadali? Maliban na lang kung balak mo akong bigyan ng extra kapag nakakuha agad ako ng trabaho? Hmm?"

Tinaasan niya ito ng kilay habang sinisimulan ang pagpili ng pagkain at paglagay ng mga iyon sa kaniyang plato.

Klyde inwardly sighed. Bakit pa siya nagpasimulang makipag-usap dito? Ang daming sinasabi. But he considered her words. Mukha namang alam na nito ang sitwasyon niya ngayon. Naiintindihan niya na hindi na ito apuradong kumita ng pera ngayon. Mukhang kailangan niyang bigyan ng incentive para magpursige itong humanap ng trabaho. Bahagyang napailing si Klyde. Bakit nga ba hindi niya pa iyon isinama sa kontrata?

"Paano kung bigyan kita ng isang milyon kapag nagawa mong magtagal sa isang trabaho sa loob ng dalawang buwan o higit pa?"

Pinakinggan ni Melissa ang proposal niya at bahagyang tumawa. Masyado yatang mataas ang expectations nito sa kaniya. Seryoso ba siya? Akala ba nito ay kayang-kaya niya iyong gawin?

"Is this how you usually do business? No wonder you could earn so much. Pero hindi ba masyadong mababa ang isang milyon? Tapos dalawang buwan pa? Hindi makatotohanan. What makes you think I can do that? May mga kaklase ako na umalis sa trabaho sa unang araw nila mismo."

Nanliit ang mga mata ng binata habang tinitingnan siya. Pinandilatan siya nito. "Dalawang milyon at dalawang buwan. Iyan ang pinakamalaking makukuha mo sa akin. Take it or leave it."

"Teka, talaga ba? Mula sa 'yo? Sigurado ka ba diyan? Hindi mo ba kukunin mula sa mana ko?"

Napangisi siya sa mapanuksong ekspresyon ng babae. "You don't look like a complete idiot. Mukhang may pag-asa ka pa na pamahalaan ang kumpanya ng iyong ama balang araw."

Napangiwi si Melissa. "Alam mo ba? Wala talaga akong balak na imanage ang kumpanyang iyon. Kung gusto mong pamahalaan iyon, sige lang. Ibigay mo lang sakin ang kaparte ko sa kita. Kung ayaw mo naman, baka pwede mo akong tulungan na maghanap ng taong may gusto?"

He stared at her as he adjusted his plans. Di niya akalaing aayaw ito. Anong pwede niyang gawin ngayon? He's only the legal trustee until she's thirty.

"Sigurado ka na ba diyan? You won't want it? Ever?"

"Yes. Ikaw na rin ang nagsabi, di ba? Alam natin pareho. I wouldn't be able to do that. Una, hindi ako interesado. Ikalawa, hindi ako ganoon kagaling na tao. I'm not a complete idiot, but I'm not that brilliant either."

Pag-akitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon