Hindi kinaya ni Klyde na makita ang nakakawa nitong hitsura. Pinasadahan niya ng kamay ang kanyang buhok. Well, makakapaghintay naman ang trabaho niya. Kawalaan ay aabutin sila ng isa o dalawang oras sa labas bago makabalik ng bahay.
"Sige, lalabas tayo. Pero hindi ko talaga planong gawin ito ngayong gabi, kaya hindi ako naghanda ng anuman. Okay lang ba sa iyo na pumili lang tayo ng random na restaurant na pwede nating kainan?" He felt like a failure and looked sheepish. Ang cute lang ng expression niya at napatulala si Melissa ng makita iyon.
"Ayos lang sa akin." Ayos lang kahit na ano, basta makalabas lang siya ngayong gabi, sa lalong madaling panahon. Hindi na siya makapaghihintay ng mas matagal.
"Alright. Go and get changed. Something casual."
"Got it." Ngumisi siya at lumukso papalapit sa asawa, hinalikan niya ito sa pisngi.
Nagpalit na rin si Klyde ng damit. Kinuha niya ang kaniyang phone para tingnan kung aling mga restaurant ang malapit sa address nila.
Napaawang ang labi ni Klyde nang makita ang kanyang driver na naghahapunan na.
"Aalis ka ba sir? May lakad po ba tayo?"
Napabuntong-hininga siya, "Nasaan ang susi? Ako na ang magda-drive."
"Uh..." Malapit na ba siyang mawalan ng trabaho?
"Ang susi?" Muling udyok ng kanyang amo, nang makita si Mel na papalabas na ng pintuan. Mukhang excited talaga ito.
"Ah, ito po."
Pinagmasdan sila ng mga tauhan habang papaalis. Sinundan sila ng security team hindi kalayuan.
"Saan tayo pupunta?" Inip na tanong ni Melissa.
Ayaw ni Klyde na biguin ito. Pinangalanan niya ang isang high-end na family restaurant at nabuhayan siya ng loob nang makita itong tumango.
"Ay, oo. Maganda nga doon."
"Gusto mo ba dun?"
"Hmm, yeah. Tapos may musicians pa sila na tumutugtog sa gabi. Sana may mag-perform ngayon."
"You want to listen to their music?" Napansin nga niya na mahilig itong makinig ng mga kanta at musika.
"Syempre. Hey, if they play a slow sweet song, would you dance with me?"
He looked exasperated with this request. Naalala niya yung panahon na sinundan niya ito sa isang bar.
"A slow dance?"
"Yeah." She looked expectant pero hindi niya iyon nakita habang nagmamaneho.
"Maybe."
Napa-pout si Mel matapos marinig ang sagot niya. "You're no fun."
Sa wakas ay nakahanap siya ng makakasama, pero hindi man lang niya ito mapapayag na sumayaw.
Nang maramdaman niyang nagsisimula na naman itong magmukhang masungit, dali-dali siyang sumagot, "Kung may sasayaw na iba, sige, isasayaw rin kita."
Pinaningkitan niya ito ng mga ito. Hindi oo ang sinabi nito. Kondisyon ang ibinigay nito para sa sitwasyon nila.
Bumigay rin si Klyde nang nanatiling tahimik ang asawa. "I'll dance with you."
Sana lang ay walang masyadong customer sa restaurant. Nakarating sila doon sa loob ng sampung minuto at inalalayan niya ito sa pagpasok. His wife is wearing a knee-length black dress, with white embroidery on the cuff of sleeves, on the waist and on the hem. It's not exactly white, it has sequins in them, so the effect is silvery.
BINABASA MO ANG
Pag-akit
Romance"Kung inaakala mong hindi kita papatulan, think again." Naramdaman niya ang hininga ng binata sa kanyang mukha habang unti-unti siyang umaatras, hanggang sa lumapat ang kanyang likuran sa isang bookshelf. Ano kayang naisip niya para akalaing magpipi...