Ayun, inabot si Melissa ng ilang araw para tingnan ang mga kumpanya sa isang lugar. Hindi naman siya iyong tipo na magpapasa na lang ng resume kahit saan. Syempre, pinipili din niya yung medyo gusto niyang pasukan.
Melissa realized it's kind of fun, pero kung wala siyang pera ay marahil labis siyang mag-aalala. Makakakuha kaya siya ng trabaho o hindi? She's not exactly pressured at this point, pero nakikiramay siya sa ibang mga aplikante na nakakasabay niya. Mahirap pala talaga ang ordinaryong buhay.
Makalipas ang ilang araw, sa wakas ay nakatanggap rin siya ng tawag at pinapapunta siya para sa isang interview. Medyo madaling makita na kakaiba siya sa ibang mga aplikante. She has this air of confidence that didn't stem from an actual confidence in her skills or knowledge. Kalmado lang siya dahil hindi naman siya maaapektuhan kahit bumagsak siya sa interview.
Mula sa isang propesyonal na pananaw, she carries herself well. Diretsahan siyang sumagot sa mga tanong. Walang paliguy-ligoy o mabubulaklak na mga salita. Hindi siya nautal dahil sa kaba. In fact, hindi siya kinakabahan. Her replies seem very honest. It was all good pero pagdating sa karanasan niya sa pagtatrabaho, iyon ang kakulangan niya. Wala siyang maibahagi patungkol doon. Ranking-wise, kahanay niya iyong mga bagong graduate. It's a real pity.
Siya mismo ay hindi umaasa nang kung anuman. Ang mga posisyon na in-applyan niya ay mga simple lamang. Napakarami ng kaniyang kakumpetensya. Bagama't wari niya ay sapat na ang kaniyang resume, hindi niya inaasahan na napakaraming tao ang nakikipagsapalaran sa parehong mga posisyon. Iilang posisyon, ngunit napakaraming aplikante. Sa dami nilang iyon, tingin niya ay marami ang mas magaling sa kaniya.
Ugh. She's beginning to understand the frustration, kung bakit napakahirap makakuha ng trabaho. Baka abutin pa siya ng ilang buwan bago makapasok. Tuwing makalawa, nagpapasa siya ng kanyang resume sa iba't ibang lugar. In between those days, uma-attend siya ng interviews.
Sinabihan siya ni Lily na huwag panghinaan ng loob. "Tyagaan lang yan. Makakakuha ka rin ng trabaho. Speaking of job vacancies, nag-post ang company na pinapasukan ko na may hiring dito. Tiningnan ko, may mga posisyon doon na pwedeng bumagay sayo. Gusto mo bang subukan?"
Natuwa si Melissa sa puntong iyon, "Oh, talaga? Okay lang ba sa 'yo na maging katrabaho ako?"
"Oo naman. Malaki yung kumpanya namin. Maraming departments. Maliit ang posibilidad na sa department ka namin mapunta. Isa lang yata ang kulang sa amin. Anyway, pwede tayong sabay kumain tuwing lunch break at magkwentuhan saglit."
"Okay. Sige. Saan ba ako mag-aapply?"
Ibinigay ni Lily ang mga impormasyon patungkol doon at itinuloy nila ang pagkukwentuhan. Sinabi niya sa kaibigan ang ilang mga bagay na dapat nitong malaman tungkol sa kumpanya at kung ano ang kadalasang ginagawa nila sa opisina.
"Makakatulong sa 'yo kung ipapakita mo sa interviewer na may alam ka tungkol sa company namin. Iisipin nila na interesado ka talaga. Silipin mo yung website at pag-aralan mo rin."
Ngumuso si Melissa. Hindi talaga siya mahilig magbasa pero sisikapin niya. Mas gusto niyang manood ng mga videos para mag-aral.
Okay, wait. Plan. She needed to make a plan. Magandang opportunity ito. Siguradong matutulungan pa siya ni Lily kapag nakapasok na siya doon.
Pinaghandaan niya iyon at sinunod ang mga bilin ng kaibigan. Tutal marami naman ang bilang na iha-hire nila, siguro naman ay mas malaki na ang posibilidad na makuha siya.
At kapag nakapasok nga siya, kahiya-hiya pa rin kapag bagsak ang performance niya. Baka kutyain lang siya doon. Kailangan niyang ipakita na may alam siya at kaya niyang magtrabaho nang maayos. Wala naman siyang pakialam kung magugustuhan siya ng ibang tao o hindi, pero syempre mas mabuti na rin kung maayos ang pakikisama niya sa mga makakatrabaho niya, di ba?
BINABASA MO ANG
Pag-akit
Romance"Kung inaakala mong hindi kita papatulan, think again." Naramdaman niya ang hininga ng binata sa kanyang mukha habang unti-unti siyang umaatras, hanggang sa lumapat ang kanyang likuran sa isang bookshelf. Ano kayang naisip niya para akalaing magpipi...