Kabanata 52 - Mood Swings

35 0 0
                                    

"It's only for today. Enjoy it." Napangiti siya sa sagot nito. Inaasahan na niya iyon.

Ang dalampasigan ay nasa likod ng mansyon at doon sila lumabas. Sinalubong sila ng ilang matataas na puno at luntiang mga halaman na nakahanay sa daanan.

"Hindi ba ako mabigat?"

"Sa tingin ko ay kaya kong buhatin kayong dalawa."

"Huh, pero dalawa na kaming buhat mo." She winked at him and it took him a moment to process her words. Ah, oo nga pala. Napangiti siya nang makarating sa pool bed malapit sa dalampasigan. Ano nga ba ang tawag sa kanila? Sun lounger? Ibinaba niya ito at naupo sa isa pa.

Mabilis na itinapak ni Mel ang kanyang mga paa sa buhangin at bahagya pang inilubog ang mga ito.

"Pwede ba akong pumunta sa tubig?"

"Sige lang. Hindi pa naman malamig sa ngayon."

Kinuha niya ang kamay nito at sinamahan siya.

"Oh, medyo mainit pa nga." Tumuloy sila hanggang sa umabot ang tubig sa itaas ng kanyang mga tuhod.

"Maaari ba akong lumangoy?" Akma niyang tatanggalin na ang suot na coat.

"Are you dumb? Wala kang suot na underwear."

"Ano naman? Tubig lang ang meron dito. Inaasahan mo bang may mga isda na lalapit sa akin?"

"May mas malala pa roon, mga jellyfish. Iyong makati kapag napadikit sa iyo."

Napakunot ang noo niya sa narinig. Yeah, she wouldn't like that.

"Hindi ba pwedeng magbabad lang ako dito sandali? Gaano ba karaming jellyfish mayroon sa lugar na ito?"

Hindi naman gaanong marami.

"Sige na. Akin na iyang coat mo."

Mabilis na nagbago ulit ang hitsura niya. Masaya na naman siya. Lumayo pa siya ng konti hanggang sa umabot na sa bewang niya ang tubig, saka siya umupo. Nasa bandang baba niya ang tubig. Tumaas nga ang damit niya at ramdam na ramdam niya ang pagbabad ng tubig sa kaniyang buong katawan. Well, maliban sa ulo. Isang beses siyang yumuko at inilubog ang ulo sa tubig. Hindi siya lubos na nasisiyahan sa maalat na tubig, ngunit ang antas ng init ay nakakarelaks. Nakabantay lang si Klyde sa may likuran niya. Sabay nilang pinanood ang paglubog ng araw. Naglakas-loob siyang tumitig sa araw na gumagalaw pababa sa horizon. Ang kulay nito sa kalangitan at ang mga ulap ay kahanga-hanga. This is first class painting in her head.

Mel grinned when he didn't burst her bubble. Ilang minuto na rin siguro ang nakakalipas, sigurado siya. Masaya niyang pinagmamasdan ang eksenang nasa harapan. Pero sa isang banda, nakaramdam rin siya ng kalungkutan. Hindi niya maalala kung kailan siya nagkaroon ng ganitong karanasan. Ang simpleng pagpapahalaga sa kagandahang iniaalok ng kalikasan at hindi nag-aalala tungkol sa kanyang pang-araw-araw na gawain. See? Ito ang dahilan kung bakit gusto niyang magtravel. Mahilig siya sa mga scenery.

Nanatiling nakatuon ang mga mata ni Klyde sa kanya at hindi siya natuwa nang makitang malungkot ang mukha nito. Mas gusto niya itong makitang nakangiti.

"Gusto mo na bang bumalik?" Medyo dumidilim na ang langit at lumalamig na rin ang tubig.

Huminga ng malalim si Mel bago tumayo. Hinawakan niya ang braso nito at dahan-dahan silang naglakad pabalik. Nang makita niya na nilalamig ito, ipinasuot niyang muli ang coat at niyakap ang asawa.

"Ang sweet mo naman. Medyo loyal ka sa honeymoon na ito, no?"

"Ikaw ba, hindi?" Nagtaas siya ng kilay.

Ngumisi si Mel bago tumalon sa kanya. Damn it. Bahagya siyang napamura dahil sa pagkagulat. Halos manlambot ang kanyang mga tuhod. Nasiyahan ang babae nang makita ang kaniyang pagkainis. Bago pa siya makapagsalita ay hinalikan na siya nito. Kakaibang diskarte lang. Na-enjoy niya ang halik na iyon bago siya binuhat pabalik ng bahay. Ang master bedroom ang kanilang destinasyon sa pagkakataong ito.

Pag-akitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon