"So, walang pasok sa trabaho ang asawa mo ngayon?" Tanong ni Lily habang nakaupo sila sa sala. Isa ito sa mga bihirang pagkakataon na nakabisita siya. Hindi pinapayagan ni Klyde ang kanyang asawa na lumabas nang mag-isa, saying it's risky dahil buntis siya. Kung iisipin, lagi niyang kasama ang asawa sa tuwing aalis siya ng bahay nitong mga nakaraang buwan.
"Wala siyang trabaho kapag weekend." Saad ni Mel bago uminom ng cucumber juice.
Kanina ay nagkukwentuhan sila ni Klyde tungkol sa kanyang café nang dumating ang kanyang kaibigan. Na-iintimidate pa rin si Lily sa lalaking iyon, ngunit sa pagkakataong ito, nasaksihan niya kung paano nito alagaan ang asawa. Sinigurado nito na lahat ng kailangan nila ay naroon bago iniwan silang dalawa. He kind of... fussed, isang bagay na hindi niya inaasahang makita. Sinigurado rin niyang may mga unan si Mel at may sapat silang snacks and drinks. Hinubad pa niya ang tsinelas ni Mel at itinaas ang mga paa sa isang hiwalay na upuan. Medyo natagalan ito bago umalis patungo sa kaniyang study. Natuwa si Lily.
"Ano yan? Karaniwan bang namamaga ang mga paa mo?" Lumapit si Lily sa kaibigan para suriin iyon. Iginalaw ni Mel ang mga daliri niya sa paa.
"Hindi naman. Naglakad-lakad lang ako sa garden kanina kaya nagkaganiyan yan. Kapag natatagalan ako sa pagtayo, namamaga ng kunti."
"Ah, ganun pala. Naku, lumalaki na ang tiyan mo." Hinawakan niya ang tiyan ng kaibigan sa pagkakataong iyon. Para siyang bata na unang beses makakita ng mga ganitong bagay. Ngumisi si Mel sa mga ikinikilos niya.
"Madalas ba siyang gumalaw? Hindi ba weird sa pakiramdam kapag ganun?" Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman niyang tila may dumampi sa palad niya.
"No way! Did he just kick?" Napangiti si Mel sa excited niyang tono.
"Yeah, he did. Does that feel weird to you?"
"Medyo." Ang tono na ginamit ni Lily ay kumbinasyon ng pagkatakot at pagkamangha, na nakapagpatawa sa kaniya, lalo na nang makita ang hitsura nito.
"Sigurado ka bang pwede akong maging ninang niya? Hindi ba tutol ang asawa mo?"
"Oo naman, ikaw ang gusto kong maging ninang niya. Wala naman akong ibang malapit na kaibigan bukod sa 'yo. Wala namang sinabi si Klyde nung nabanggit ko. Payag 'yun. Anak ko rin naman 'to."
Napangiwi si Lily bago iniba ang usapan. "Hindi ka ba nagtitingin ng group chat? May mga taong nagtatanong tungkol sa iyo pero hindi ka naman sumasagot. Ayaw kong magsalita kasi nandoon ka din naman sa group. Ayaw kitang pangunahan."
"Oh, talaga? Anong tinatanong nila?"
"Well, ang tagal na mula noon huli kang nagpost. Nagtataka sila kung saan ka na napunta at kung ano na ang ginagawa mo. Nabalitaan nila yung tungkol sa pagkamatay ng dad mo. Naalala mo si George? Tingin ko ay gusto niyang magtrabaho sa kumpanya ng dad mo."
"Ganun? Well, nakapag-usap na kami ni Klyde. Napagkasunduan namin na ibenta na lang ang kumpanya. Naghahanap na siya ngayon ng gustong bumili."
"Talaga? Ibebenta mo?" Medyo nagulat si Lily.
"Oo. Kahit na ano namang mangyari, hindi ko mapapangalagaan iyon. Mas mabuti na iyong may interesadong magma-manage noon. Hindi na rin naman kaya ni Klyde. Masyado nang maraming hinahawakan iyong tao."
"Well, desisyon mo iyan. Kung ano ang sa tingin mo ay makakabuti. Anyway, ginulat ako ng nakakatakot mong asawa. Ganyan ba kadalasan ang trato niya sayo? Iyon ang unang pagkakataon na nakita ko siyang maamo. Sabihin mo ulit sa akin. Sinabi niya sayo na gusto ka niya?" Sinundot ni Lily ang tagiliran niya, ngunit hindi nangangahas na kilitiin siya.
Nagtawanan sila pero nahihiya rin si Mel.
Inilagay niya ang isang daliri sa kanyang mga labi, "Hush, huwag kang masyadong maingay. Baka marinig niya tayo." Lumingon pa palaga siya para masiguradong wala si Klyde sa hallway.
BINABASA MO ANG
Pag-akit
Romance"Kung inaakala mong hindi kita papatulan, think again." Naramdaman niya ang hininga ng binata sa kanyang mukha habang unti-unti siyang umaatras, hanggang sa lumapat ang kanyang likuran sa isang bookshelf. Ano kayang naisip niya para akalaing magpipi...