Bilang paghahanda para sa kanilang dadaluhan na social event, tiniyak ni Klyde na may bagong damit si Melissa. Nang maisuot niya iyon, hindi maikakaila na napakaganda niyang tingnan. Alam niyang sa kanila mapupunta ang atensyon ng mga tao sa gabing iyon.
Nang pinaalalahanan niya ito na huwag na lamang pansinin ang hindi magagandang komento, tinaasan siya nito ng kilay.
"Mukhang nakalimutan mo yata. I don't really give a damn what other people think of me." Oo nga't may mga pagkakataon din naman na nakakaramdam siya ng pangliliit o di kaya'y wala siyang kwenta, pero panandalian lamang ang mga iyon. Mabilis niyang iwinawaklit ang ganoong alalahanin.
"Right. You're really meant to be my wife." May pagka-proud ang pagkakasabi niya noon.
Ang pahayag na iyon ng asawa ay nakapagpasaya ng kaniyang kalooban. Inilagay ni Klyde ang kamay nito sa kaniyang braso bago sila pumasok ng venue. May ngiti sa mukha ng lalaki, isang bagay na bihirang makita. Bahagyang nagulat at na-curious ang lahat ng nakapansin noon. Agad nilang naunawaan ang koneksyon noon sa babaeng kasama niya. Ang tingin nito ay halos sa kanya nakatuon habang naglalakad sila and that gaze was uncharacteristically gentle. At least, para sa ibang tao na sanay makita ang cold at aloof expression niya. Bihira siyang magpakita ng ngiti sa sinuman.
Lumapit sa kanila ang ilang tao at proud na ipinakilala ni Klyde ang asawa. May naramdamang pressure si Mel sa paraan ng pagpapakilala nito sa kanya.
"Your wife? You've been hiding your beautiful wife all this time?" Marunong ang lalaking ito kung paano gumawa ng magandang impresyon.
"Hindi siya mahilig sa mga ganitong events pero pumayag siyang sumama sa akin ngayong gabi." Ang kanyang pahayag ay nagpaliwanag ng maayos na dahilan.
"Ikinagagalak kong makilala kayo." Bumati rin si Mel sa kanilang lahat.
Nagsimulang dumagsa ang mga tao sa paligid nila at nagtanong ng kung anu-ano.
Napagpasyahan ni Klyde na sagutin ang ilan sa kanila habang nakahawak pa rin sa baywang ng asawa. Mas gusto ni Mel na tingnan ang lalaki kapag nagsasalita ito.
"Halos isang taon na kaming kasal."
"May anak na kami. Halos dalawang buwan na siya ngayon. Pitong linggo."
"Hindi ko siya isinasama sa labas noon dahil sobrang nakakapagod. She gets swollen feet just walking for an hour."
Kinurot ni Mel ang baywang niya nang ibahagi niya ang bagay na iyon. Ang medyo galit niyang ekspresyon ay nagsilbing dahilan upang mas mapangiti si Klyde. Ang mapagmahal na tagpong iyon ay nasaksihan ng mga nakapaligid sa kanila.
"Well, it's late, pero gusto ko pa rin kayong batiin sa inyong kasal. Congratulations."
Bumuhos ang mga pagbati at malugod nilang tinanggap ang mga ito.
"Buong akala ko ay magtatagal ka pa ng ilang taon bago magpamilya." Saad ng isang lalaki na medyo pamilyar kay Klyde.
"Hindi na ako bumabata. At lagi iyong ipinapaalala sa akin ng asawa ko bago kami magpakasal." Bagamat pabiro ang kaniyang tono, alam niyang maiinis pa rin ang babae.
She helplessly sighed next to him. Talagang natutuwa yata itong i-expose ang mga kalokohan niya noon. Pero nasisiyahan siyang makita na masaya ang asawa, lalo na't malinaw na pinapakita nito ang paghanga sa kaniya sa paraan ng pagsasalita nito. Isa pa, gusto rin niyang naririnig ang pagtawag nito sa kaniya ng asawa. Nangingislap ang kanyang mga mata. Nang mapansin iyon ni Klyde, ginawa niya iyon ng mas madalas at ang mga taong nakapalibot sa kanila ay halos magsawa na sa kanilang public display of affection.
Bihira din ang mga tao na sumayaw sa ballroom ngunit nagpasya si Klyde na isayaw si Mel, dahilan upang ang iba ay gumaya sa kanila. He really showed her off.
BINABASA MO ANG
Pag-akit
Romance"Kung inaakala mong hindi kita papatulan, think again." Naramdaman niya ang hininga ng binata sa kanyang mukha habang unti-unti siyang umaatras, hanggang sa lumapat ang kanyang likuran sa isang bookshelf. Ano kayang naisip niya para akalaing magpipi...