Kabanata 41 - Kamalayan

31 0 0
                                    

"Ha? Anong klaseng tanong yan?" Parang biglaan.

"Anong konek sa pinag-uusapan natin?" She continued with a chuckle, na ikinairita ni Klyde. Nang makita ang pamilyar na ekspresyon sa kanyang mukha, napanatag ang dalaga.

"Curious lang ako kung ano ang nagugustuhan ng isang tulad mo." Sagot niya na may pagwawalang bahala, though he's fuming inside.

"Hindi mo pa ba kayang hulaan? Sigurado ako na nabanggit ko ang karamihan sa mga iyon."

"Tell me, then." He demanded, making her snort.

"Isang napakagwapong lalaki." Nagsimula siya sa panunukso, gamit ang pinakamababaw na dahilan.

It's his turn to roll his eyes at her. Binigyan siya nito ng tingin na nagsasabing "go on".

"Iyong hindi pera ang habol sa 'kin. O yung hindi mukhang pera. Yung marunong humawak ng pera. Hindi gastador. Marunong magtipid at mag-ipon." Sinimulan niyang bilangin ang mga iyon sa kanyang mga daliri.

"Iyong marunong makisama. Iyong maiintindihan ako. Iyong hindi ako aawayin o laging kokontrahin. Iyong pagbibigyan ako at lalambingin. Hindi creepy. Hindi nakakatakot. Hindi sobrang yabang." Medyo naging madilim ang kanyang ekspresyon, naalala niya ang hindi kasiya-siyang karanasan kamakailan. Ganoon din si Klyde.

"Iyong kayang suportahan ang kanyang sarili, hindi aasa sa akin para sa pera. Iyong hindi maiintimidate kung sakaling mas mapera ako kaysa sa kaniya." She sounded comical this time, mabuti naman. Tumango rin si Klyde.

"Someone sweet. Iyong mag-aalaga sa akin at madalas akong ide-date. Gusto kong makatanggap ng mga bulaklak at regalo. Iyong susurpresahin ka na lang kahit walang okasyon. Iyong dadalhin ako sa relaxing places para makapag-unwind man lang, maybe on a beach or something."

Napaawang ang labi ni Klyde habang nakatitig dito. Wala siyang problema sa karamihan ng nabanggit niya, pero itong pahuli... medyo mahirap para sa kanya ang bahaging iyon. Hindi siya ganoong klase ng tao. Hindi ba pwedeng bigyan niya na lang ito ng pera para lumabas at magbakasyon? Nah, mapera na ang babaeng ito.

Mag-aalaga sa kaniya? Lalambingin?

"Kanina lang ay ayaw mong sagutin, ngayon naman ay ang dami mong sinabi." Nagkomento siya, hindi sigurado kung gusto niyang magpatuloy sa pakikinig.

Mas lumawak ang ngisi ni Mel nang makita siyang naiinis.

"Ikaw ang humiling nito." Pinaalalahanan niya ang binata, ngunit wala naman na siyang maisip na idagdag, sa totoo lang.

Huminga ito ng malalim bago nagpasyang pakinggan ang iba pa. He doesn't want to go through this again. They might as well settle it tonight.

"Sige lang. Ano pa?"

"Hmm..." Nag-isip sandali si Mel. Meron pa ba? Ang ilan ay medyo...

"Well, this part is based from my experience with my father. I mean, the guy must love me, but not to the point that he'll neglect our kids when I die. Hindi ko kasi yun gets. Hindi ko kailanman maiintindihan. I mean, I kind of see where he's coming from, but still... it's unacceptable for me. Iyong lalaki, kailangan niyang maging mabuting asawa pero kailangan niya ring mahalin iyong mga magiging anak namin. Kapag namatay ako, kailangan alagaan pa rin niya ng maayos iyong mga bata. Hindi iyong pababayaan lang niya. Wag na siyang gumaya kay dad na biglang naging absentee father. Ayun lang naman."

His lip twitched at how animated she became. Isang bagay ang napagtanto niya sa mga sagot nito, kailangan pa niyang magsikap. Kailangan niyang maglaan ng oras para rito.

"Mukhang handa ka nang bumuo ng pamilya. Are you sure you don't want to focus on your career for now? Bata ka pa." Mabilis niyang tinikom ang bibig niya. Ugh. She'd been mentioning how he's getting older and here he is, reminding her that she's still young.

Nagkibit balikat lang ang dalaga.

"May iba pa ba?"

Hinawakan ni Mel ang kanyang baba at sinubukang mag-isip ng malalim. "Nabanggit ko na ba ang compatibility? Ayokong laging nakikipagtalo. Mas mabuti kung maaari naming ikompromiso ang mga pagkakaiba namin. Mas mabuti kung ia-accommodate niya ang aking mga ideya, o ang aking mga hangarin. Kung galit man siya, hindi niya ako dapat saktan o sigawan. Kung makakapag-focus kami sa aming mga pagkakatulad, malamang na maganda iyon, di ba?"

"Are you actually coming up with these on the spot? Parang hindi." Halos hindi makapaniwala si Klyde.

Muli siyang ngumisi. "Naisip ko na 'to dati. Inaalala ko na lang sila. I've dated enough times to create this profile of my ideal guy, you know."

"Yeah, obvious naman."

Pinagsalikop ni Mel ang kanyang mga kamay, narito na ang kapana-panabik na bahagi. "At ikaw? Ano naman ang iyong ideal woman?"

Klyde pursed his lips. He should have expected this. Wala namang kaso sa kaniya iyon. Kaya niyang sagutin ito.

Tuwang-tuwa itong naghihintay, samantalang siya ay mukhang walang magawa. Ano ba ang pwede niyang sabihin?

"Wala naman akong masyadong demands. Someone who's financially independent. Not a gold digger."

Napangisi si Mel sa panimula niya. Bagay na hindi niya pinansin.

"Magandang babae. Kaakit-akit. Iyong tipo ng kagandahan na hindi nakakasawang tingnan." Tinatapatan lang niya ang mga sagot kanina ng dalaga. Wala siyang ibang intensyon. Ngunit nawala ang ngiti nito dahil sa sinabi niya. Ano kaya ang iniisip nito?

"Mapagmalasakit. Mapagmahal. Iyong medyo katulad ko. Gaya ng sabi mo, dapat compatible kami. May mga pagkakatulad para naman maging interesado kami sa isa't isa." Habang sumasagot siya ay tinitigan niya ito. Sa isang banda, he's making sure he's simply describing her or that his words fit her. Well, hindi niya matiyak ang ilan sa mga iyon.

"Hindi ako iyong tipong mahilig lumabas, kaya kailangan niyang makuntento sa isang date lang sa isang linggo." Kitang-kita niya kung paano nito iniikot ang mga mata sa kaniya. Natigilan siya dahil kumikibot ang labi niya. Ano bang gusto nito? Dalawang beses?

He cleared his throat, "Bakasyon? Maybe once a month. Susubukan ko, pero hindi ko maipapangako. Hindi biro magpatakbo ng isang malaking negosyo, lalo na't binubuo iyon ng maraming kumpanya. Hindi ko maiiwasan na maging busy sa trabaho."

Kumunot ang noo ni Mel. Sinasagot pa ba ng binata ang tanong o ang mga isinagot niya kanina? It felt a little weird to her for some reason.

Napagtanto rin iyon ni Klyde kaya't iniba niya ang direksyon ng kaniyang sagot. "I can't really say the whole of it. It depends on how much I can compromise with her. Wala akong pakialam kung marunong siyang magluto o hindi, kung kaya niyang pamahalaan ang sambahayan o hindi, kung makakausap niya ako ng negosyo o hindi..." Maaari niyang ipagpatuloy ang ganoong mga halimbawa.

"Got it." Saad nito para pigilan siyang magpatuloy. Gets na niya ang ideya ng lalaki.

Ilang sandali silang natahimik. Nanatili ang tingin ni Klyde rito, samantalang nakatitig naman ito sa dingding.

"Do you think mine's too much?" Tanong ni Mel matapos siyang mag-isip. Mas marami siyang nabanggit kumpara sa lalaki.

Her worried look made him concerned.

"Hindi naman. Tama lang iyon. It's good that you know what you're looking for in a man." Sa isip niya, ayaw niyang ibaba nito ang standards na ginawa. Ayos rin iyon para mahirapan ang sinumang magtatangkang manligaw rito. They can't have it easy. Siya man ay may mga kailangan pa ring gawin para pumasa sa gusto ng dalaga.

Nang hindi na siya nagsalita pa si Mel, sinimulan na niya ang kanyang trabaho at umalis na rin ito pagkaraan ng ilang sandali. Dumiretso ang babae sa kwarto ni Klyde para magpahinga habang hinihintay ito.

Noong gabing iyon, she finally noticed how gentle he'd been these last few days. Ang kanyang mga halik ay mapusok at pumukaw ng pagnanasa sa loob niya. Pakiramdam niya minsan ay nalulunod siya sa mga halik nito. Isa pa ay ang pagyakap nito sa kaniya tuwing gabi, sa kanilang pagtulog. Her awareness was slow, but she finally noted it. Ayaw niyang mag-isip ng kung ano. Ayaw niyang mag-assume. Maaaring wala lang iyon para sa binata. Hindi naman niya pwedeng bigyan iyon ng kahit anong kahulugan, hindi ba?

/wattpad/ 

Pag-akitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon