Kabanata 40 - Kakaibang Pagpapatuloy

46 0 0
                                    

Gustuhin man niyang ipagpatuloy agad ang kanilang pag-uusap, na-hijack ng pagnanasa ang kanyang katawan. Nakakalokong ngiti ang iginawad nito sa kaniya habang nilalapitan siya. Pagkatapos, dahan-dahan siya nitong inalalayan patungo sa kama. Ang mga haplos nito ay nagpanginig sa kanya at nagpasakit ng kanyang kaibuturan.

He remained gentle with her and Mel had to actually make requests for him to be rougher. Maya-maya pa ay hinihingal na siya sa tabi nito. It took them a while more to recover at pumayag ang binata na mag-usap sila sa halip na dumiretso sa round two. Medyo ikinagulat niya iyon. Isa pa, medyo awkward na pareho silang nakahubad sa ilalim ng kumot.

The thing is, she realized now how silly the question was.

"Hindi ba medyo madali lang naman na malaman iyon?" Pagsisimula niya.

"Ang alin?"

"Iyong tanong mo kanina. Paano malalaman kung may gusto ka lang sa isang tao o mahal mo na? I doubt na hindi mo alam ang sagot doon." Nag-brainstorm pa siya kanina para lang ma-realize niya ito. Nakakahiya.

"Gusto ko lang malaman kung paano mo iyon ginagawa."

"Ganun ba? Well, palagi akong nagsisimula sa pagkagusto sa isang tao. Sa totoo lang hindi madali para sa akin na magmahal, o magdesisyon ng ganoong bagay. Paano ko ba ipapaliwanag?" Huh, hindi pala madaling sabihin iyon at medyo weird din.

"Kung gayon, wala kang love at first sight?" Tanong ni Klyde habang ang isang kamay nito ay nilalaro ang buhok niya.

"Wala. Kung gusto ko ang isang tao at kinalaunan ay may nakita akong isang bagay na hindi ko gusto at hindi ko matanggap tungkol sa kanila, hindi ko na sila gusto sa puntong iyon."

"At kailan ka naman nagsisimulang magmahal ng isang tao?"

Tahimik na tumawa si Mel sa pagkakataong iyon. Hindi niya mapigilan. "Talaga bang pinag-uusapan natin ang bagay na 'to? Hindi ko talaga inaakala na maririnig ko iyang mga salitang iyan mula sa 'yo."

Napaawang ang labi ni Klyde. Ano pa ba ang masasabi niya?

"Humor me."

"Well..." Nag-isip muna siya tungkol doon. Nakatitig siya sa kanya habang nag-iisip.

"Siguro kapag sinimulan ko nang isipin na gusto ko siyang makasama sa mahabang panahon. Kapag na-iimagine ko na ang sarili ko na magpapakasal ako sa kaniya, magsasama kami sa isang bahay, magkakaroon ng sariling pamilya. O kaya ay kapag nagsimula na akong matakot na mawala siya. Masakit isipin na baka iwanan niya ako, o sumama siya iba. Kapag sinimulan kong hilingin na sana pareho kami ng nararamdaman. Mga ganun."

Huh, she likes her answer very much. Kinda poetic.

"How's this answer? Eh ikaw?"

Mataman siyang tinitigan ni Klyde.

"Ang sagot mo ay hindi naiiba sa sagot ko." His voice was low and it sounded intimate.

Napatingin rin si Mel sa kanya, ngumiti ng malumanay. It's a weird experience between them, but she likes it.

"Pero matanda ka na, hindi ka pa rin ba interesadong mag-asawa? How can you meet a nice woman if you keep having bed partners?" Parang curious lang talaga ang tono niya kaya hindi nainis ang binata.

"Bakit? Hindi ko ba pwedeng pakasalan ang isang taong naikama ko na?" Sa loob-loob niya, napangiwi siya sa sariling sagot. That didn't sound right.

Kinagat niya ang labi niya at nagkibit balikat. "Well, desisyon mo yan. Sino ba naman ako para magsabi ng kahit ano? Hindi ko alam na may pagka-romantiko ka rin naman pala, talking about love and such."

Pag-akitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon