Kabanata 42 - Biglang Panakot

36 0 0
                                    

Lumipas ang ilang araw at sa hindi malamang dahilan, may kakaibang nararamdaman si Mel. Hindi iyong komportable. Hindi niya sigurado kung ano iyon. Para bang mayroon siyang bagay na nalimutan at hindi niya maalala.

Nakatambay lang siya sa kanyang silid, nang magpasya siyang subukang buksan ang luma niyang email. Ilang buwan na rin ang nakakalipas mula noong huli niya iyong buksan. Gumawa siya ng bago noong nagsimula siyang maghanap ng trabaho, iyong mas propesyonal ang dating. Inabandona rin niya ang kaniyang lumang phone number at iba na ang ginagamit. Anyway, mayroon pa ring social media kung saan nananatili siyang nakikipag-ugnayan sa mga dati niyang kaklase. Bihira nga lamang siyang magbukas noon at magbasa ng mga mensahe. Cringe din iyong username niya doon at hindi pa rin niya alam kung paano iyon palitan. Hindi niya iyon ibinigay sa kaniyang mga katrabaho.

Ang karaniwang laman ng kaniyang lumang email ay mga newsletter mula sa iba't ibang website. Noong nasa kolehiyo pa siya, she subscribed to a lot of those. Iyong primary inbox niya mismo ay puno rin noon. Nag-browse siya nang hindi nag-iisip hanggang sa may nahagip ang kaniyang mga mata. An email marked as important. Pamilyar ang pangalan ng nagpadala ngunit hindi niya maalala kung sino iyon. Binuksan niya para basahin ang nilalaman, nagsimulang bumilis ang tibok ng puso niya at nanlaki ang kanyang mga mata. Oh, shit. Anong petsa na?

Labing-walong taong gulang siya noong una siyang gumamit ng contraceptive, arm insert ang napili niya. Pinalitan ito noong twenty-one years old siya, tuwing ika-tatlong taon. At ngayon, twenty-four na siya. Tatlong taon na ang nakalipas at dapat ay napapalitan na niya ito tatlong buwan na ang nakakaraan. Damn. Napatayo siya bigla habang nakatitig pa rin sa screen ng kaniyang laptop. There's a lump in her throat that she couldn't swallow. She began to assess herself. Wala namang naiba, di ba? Tatlong buwan. Tatlong buwan na siyang nakikipagtalik kay Klyde nang walang proteksyon! Bahagyang nanginig ang katawan niya.

Ang pinakahuling email mula sa clinic ay malinaw na nagpaliwang. Idinetalye nito kung paano nila sinubukang makipag-ugnayan sa kanya sa lahat ng posibleng paraan ngunit hindi sila nagtagumpay. Pumunta pa ang isa nilang tauhan sa dati niyang apartment.

Parang gusto na lang ni Mel na iuntog ang ulo niya sa pader. Alam niyang tila may nakalimutan siyang mahalagang bagay nang magpalit siya ng phone number. Ang tanging taong binigyan niya ng bagong numero ay si Lily. Pati na si Klyde at ang abogado ng kaniyang ama. Iyon na rin ang ginamit niya noong naghahanap siya ng trabaho. Napaungol siya nang magsimula siyang makaramdam ng sobrang kaba at pagkabalisa. Ano na lang ang gagawin niya? Aasa na lang ba siyang hindi siya buntis? Ano ang gagawin niya kung sakaling buntis nga siya?

Mabilis siyang gumawa ng reply at tinanong kung gaano kalaki ang tyansang mabuntis siya. Protektado pa rin ba siya kahit nakalipas na ang tatlong buwan? Wala bang extension yun? Saktong tatlong taon talaga? Humingi na din siya ng appointment date. Napatingin siya sa orasan. Gabi na, wala na siguro sila sa trabaho? Kailangan niyang maghintay hanggang bukas. Kinopya niya ang numero ng kanilang telepono na nasa ibabang bahagi ng email. Tatawag siya sa lalong madaling panahon.

Tahimik niyang pinagalitan ang sarili. Dapat ay naalala niya iyon noong kaarawan niya. Well, to be fair, tuwing tatlong taon kasi iyon.... ugh.

Nagsisimula nang sumakit ang kaniyang ulo dahil sa sobrang pag-aalala. She even tried going on the net to maybe get some answers to her questions. Hindi na talaga maganda ang pakiramdam niya. Ang laking pagkakamali nito kapag nagkataon.

Makalipas ang ilang oras, pumunta si Klyde sa kwarto niya. Inaasahan nito na siya ay nasa kwarto ng binata, at nang hindi siya makita roon ay pinuntahan siya rito. Kumunot ang noo ng lalaki nang makita itong nakatalukbong ng kumot at umuungol. It sounded like she's in pain.

"Anong problema mo?" Nag-aalalang tanong nito habang lumalapit sa kanya.

"Masakit ang ulo ko. May lagnat na din yata." Hindi niya iyon pineke. Masama talaga ang pakiramdam niya. Hindi mapakali at parang masusuka. Ugh, ayaw niyang isipin iyon dahil sintomas din iyon ng pagbubuntis, di ba? Sa ngayon, alam naman niyang hindi magpipilit si Klyde ngayong gabi. Kahit papaano ay may konsiderasyon ito.

Pag-akitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon