Kabanata 56 - Pagtanggap

26 0 0
                                    

"Hindi ko alam. I'm planning to let this guy eat the leftovers, pero ibibigay na lang daw niya sa mga kasambahay."

Humalakhak si Priscilla, "Well, you can't let him eat all of it. Napakaraming asukal niyan. Mabuti na mayroon kang asawang matulungin. Napakaswerte mo."

Ngumiti si Mel. Talaga ba? She eyed said husband. Well, ito ang nagplano sa pagkikita nilang ito at napakaganda ng kaniyang karanasan. Oo na, maswerte nga siya. Talagang pinag-isipan yata nito ang mga pangangailangan niya.

But then, may sumagi sa isip niya. Kailangan pa ba niya iyong gawin? He's definitely going beyond what's required of him.

Nang sila ay makaalis na sa café at papunta na sa isang restaurant upang doon mananghalian, naisip ni Mel na maaari niyang papaniwalain ang sarili na nagmamalasakit sa kaniya ang asawa. He's caring and supportive of her. Nang mapansin ni Klyde ang pagtitig niya, hindi siya naging komportable roon.

"What?" Maya-maya'y nagtanong siya, curious kung bakit ganoon ang titig nito sa kanya.

"I think, you're going to be the better parent."

Kumunot ang noo ni Klyde, "Bakit mo naman naisip iyan? Wala ka bang pakialam sa bata? Sa anak natin?"

She pursed her lips, "Sinasabi ko lang, this pregnancy isn't easy. I resent this child a little."

Halata ang pagkagulat ni Klyde sa sinabi niya.

"Well, that makes two of us." Saad niya sa mahinang boses habang nakatingin sa tiyan ng asawa.

Medyo nabigla si Mel. Ngayon ay nakaramdam siya ng sama ng loob para sa kanilang hindi pa isinisilang na anak. Hinawakan niya ang patag niyang tiyan. She's such a bad mother but when he admitted that he feels the same, she can't help feeling protective of this unborn child.

Bigla niyang naisip na ang magiging relasyon nito sa kanyang mga magulang ay maaaring mas malala pa kaysa sa kanya o kay Klyde. Pareho silang hindi nasasabik. Mas excited pa silang matapos na ang kaniyang pagbubuntis.

Seeing how her expression changed and she's now looking at him like he's such a big jerk, he felt a kind of injustice.

"I still want this child and though he's giving us a hard time, he's still mine. Papalakihin ko siya nang maayos. Magiging mabuting ama ako sa kanya. Ibibigay ko ang mga pangangailangan niya. Tuturuan ko rin siya. Higit sa lahat, mamahalin ko siya."

Her gaze softened, pacified by his words. Ang kanyang huling pahayag ay nakakaantig ng puso, kahit na iyon ay para sa sanggol at hindi sa kanya.

"Paano kung babae siya? You keep saying he. Malinaw na gusto mong lalaki ang anak mo, hindi ba?"

Napataas naman ang kilay niya dahil doon. "Hindi ba't ganoon rin naman ang paraan mo ng pagtukoy sa kaniya? Ginaya lang kita."

"Anong sagot mo sa huling tanong ko?" Paalala niya rito.

He pursed his lips bago mahinang sumagot ng oo. Dahil sa lalaki siya, tingin niya ay mas mauunawaan niya ang bata kung lalaki rin ito.

"Gusto mo bang kumpirmahin natin ang kasarian niya? Ipapa-appointment ko sa assistant ko."

"Oh, sige." Her expression became neutral, but she looked a little lost.

"Anong problema?" Kinuha niya ang kamay nito at hinawakan iyon.

Saglit na nablangko ang isip ni Mel. Ano nga ulit ang pinag-uusapan nila?

"Ah, sabi mo mamahalin mo siya? Hindi ko alam na alam mo ang salitang iyon." Nang-aasar ang tono niya and she's smiling, which assured him.

Pag-akitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon