Kinaumagahan, hindi alam ni Melissa kung dapat ba siyang magalit sa sarili niya o sa binata. Hinayaan niya itong magpatuloy kagabi, so that's on her. Pero kahit na, masyado na siyang pagod para pigilan ito at makipagtalo. She glared at him and began to hit his arm and exposed chest. Masyado siyang mahina kumpara sa lalaki kaya sigurado siyang hindi naman ito masyadong masasaktan. She hit him wherever.
"What the...?" Ikinagulat ni Klyde ang paggising sa ganoong paraan and he rolled off the bed to avoid getting hit.
"Anong problema mo?" He snapped and returned her glare.
"What happened to stopping at three? Dahil lang sa hindi kita pinigilan, kailangan mo ba talagang ituloy? Ikaw! Hindi mo pwedeng gawin palagi 'yun. Titigil tayo sa tatlo, kahit anong mangyari."
"Oh, come on. Nagrereklamo ka ngayon? Nag-enjoy ka rin naman." Hindi ito basta basta sumang-ayon sa kanya.
"May mga gabing inaakit mo 'ko para magpatuloy. Bakit kapag ako ang gumawa, kasalanan ko at hindi pwede?" Dagdag niya agad.
Ah, yes. Ngayon lang niya narealize that he could also be this irritating. Sa inis niya ay pinulot niya ang mga unan at ibinato sa lalaki. Pointless, she knew. It doesn't hurt the man.
Napaiwas ng tingin si Klyde nang tumayo siya. Pareho silang hubo't hubad at kung gusto niyang angkinin muli ang babae, kailangan niyang maghintay sa pagsapit ng gabi. Umiling siya at mabilis na tinungo ang banyo para maligo. Mel grimaced as she picked up the blanket. Hindi na siya nag-abalang magsuot ng kanyang damit at naglakad na papunta sa sarili niyang kwarto. Hopefully, may maid na magliligpit noon at ibabalik sa kaniya pagkatapos labhan.
Pumasok siya sa trabaho na parang walang nangyari.
Pagdating ni Lily sa opisina ay hindi niya agad pinansin ang lalaking inakala niyang matino.
"Magandang umaga." Hindi man pinansin, magalang pa rin ang pagbati sa kaniya ng lalaki.
Pero hindi na siya magpapaloko dito. Umakto si Lily na parang walang nakikita, na ipinagtaka naman ng binata.
Hindi siya komportable dahil doon. He thought they were on good terms and amicable to each other. Hindi pa ba sila maituturing na magkaibigan? He may not have asked her out directly, but he thought he already hinted it a few times before. Hindi pa ba siya obvious? Maraming beses na nilang nakakasalamuha ang isa't isa at masasabi niyang mukhang interesado din naman sa kaniya ang babae. Kung kailan may lakas na siya ng loob para yayain itong mag-date ay saka naman naging ganito ang pakikitungo nito sa kaniya. May nagawa ba siyang mali? Galit ba ito sa kaniya? Bakit hindi siya nito pinapansin?
"May problema ba?" Lumapit siya kay Lily at nagtanong sa mahinang boses. Karaniwan siyang nahihiya sa ibang tao, ngunit dahil sa pagtatrabaho niya dito ng ilang buwan ay naging komportable na din siyang makipag-usap sa mga ito. He fidgeted, which she noticed. Tinitigan siya nito ngunit nanatiling tikom ang bibig.
"Lily?" Nakatayo lang siya doon habang sinisimulan na ng babae ang kaniyang trabaho. Tumingin siya sa paligid at may ilan na curious na nakatingin sa direksyon nila.
"May nagawa ba akong mali? Galit ka ba?" It's the vibes he's getting from her. Hindi naman siya manhid.
"I think mas maganda kung hindi mo na 'ko lalapitan. Magtrabaho na lang tayo. Kausapin mo lang ako if it's about work. Kung hindi, huwag na lang nating pansinin ang isa't isa." Lily still had to tell him this. Otherwise, baka isipin nito na unprofessional siya. They're co-workers. Malamang ay may oras talaga na hindi maiiwasang magtulungan sila sa trabaho.
Kumunot ang noo nito. He adjusted non-existent eyeglasses on the bridge of his nose. Nakasanayan niya lang gawin iyon, kahit na naka-contacts na siya ngayon.
BINABASA MO ANG
Pag-akit
Romance"Kung inaakala mong hindi kita papatulan, think again." Naramdaman niya ang hininga ng binata sa kanyang mukha habang unti-unti siyang umaatras, hanggang sa lumapat ang kanyang likuran sa isang bookshelf. Ano kayang naisip niya para akalaing magpipi...