Kabanata 68 - Gantimpala

44 0 0
                                    

Nang marinig niya iyon, nagsimula siyang magmukhang guilty.

"Ayaw mo ba?" Heto na naman siya sa nagmamaktol na tono.

Napangiwi si Mel nang sumagot, "Parang ganun na nga."

"What do you mean?"

"Actually, I'm already on birth control. Nagpa-insert ako ng bagong contraceptive." Bahagya siyang nangamba na baka pag-awayan nila ito, pero sigurado siyang ayaw pa niyang mabuntis ulit.

Pursing his lips, he asked, "Since when? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Uh, isang buwan pagkatapos kong manganak? Sa ngayon, ayaw ko pang magbuntis ulit. Alam mo naman kung gaano kahirap, di ba?" Bahagyang nagsusumamo ang tonong ginamit niya, umaasa na magiging maunawain ito sa kagustuhan niya.

"Nakalimutan ko lang sabihin sayo." Dagdag pa niya nang hindi ito nagsalita.

Nanatiling tahimik ang lalaki habang seryosong nakatingin sa kaniya.

"Klyde, I'm not ready to go through that again. Not anytime soon."

Sa wakas, nang makita ang kanyang labis na nag-aalalang ekspresyon, nagpaubaya rin ito. Bumuntong-hininga si Klyde at hinila siya para mayakap.

"Pero pwede pa rin naman, di ba? Kapag handa ka na. Interesado ka bang magkaroon tayo ng pangalawang anak?"

Inikot niya ang mga mata sa tanong nito. "Syempre. Basta... hindi sa lalong madaling panahon. Hmm?"

"Kailan? Sa tingin mo?"

Seryosong pinag-isipan iyon ni Melissa. "How about we wait for the insert to expire? Tatlong taon? I'm sure nakapag-adjust na ako nun. I mean, dapat natin iyong paghandaan ng maayos. Ayokong maulit ang nangyari na."

Tinitigan siya ni Klyde. Naiintindihan niya ang kanyang paliwanag at mga alalahanin, lalo na iyong mga naranasan nila nitong mga nakalipas na buwan. Naawa siya sa asawa.

"Sige. Ganun na lang ang gawin natin, kung iyon ang gusto mo."

Nakahinga ng maluwag si Mel dahil sa kaniyang pagpayag. Ginawaran niya ito ng napakatamis na ngiti.

"Pero... tumatanda na talaga ako." He muttered under his breath and she became speechless. Is he or is he not making her feel guilty? Kinurot niya ang tagiliran nito at tiniyak sa kanya na mas bata pa rin siya kumpara sa karamihan.

"Mabuti na madalas mong sinasamahan si Klay. Mahahati lang ang atensyon mo kung gagawa tayo ng isa pang bata. Mag-focus muna tayo sa isa, hmm?"

"Oo na. Naiintindihan ko. Huwag mong laging ipaalala."

"Akala ko ba gusto mo kapag pinaaalalahanan kita? Medyo na-mimiss ko ang pakikipag-asaran sa 'yo. There's not much we disagree on these days."

Napaawang ang labi niya sa narinig. Her nagging has increased recently. "Gusto mo na mag-away tayo?"

"Well, hindi naman... yung katulad lang ng dati. Iyong panahong naiirita ka pa sa akin."

"Melissa..." Tinawag niya ito sa tono na ginagamit niya noon kapag malapit na siyang mawalan ng pasensya sa babae. He clearly understood the assignment.

Ngumisi ang babae, "Mahal kita."

He grunted before replying with the same phrase.

Isang araw, bumisitang muli si Pops sa kanilang tahanan. Dala-dala ni Mel ang kaniyang anak sa hardin, pinapasikatan niya ito ng kaunting araw nang dumating ang matanda.

"Grandpa." Agad bumati si Mel nang makita siya na kasama ni Klyde. Mabilis na kinuha ng kaniyang asawa ang bata mula sa kaniya.

"Akala ko ba ay Pops rin ang tawag mo sa akin?" Tanong ng matanda na medyo nakakunot ang noo.

Pag-akitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon