Kabanata 36 - Selos

53 0 0
                                    

It was fun. Labis na nasiyahan si Mel sa kanilang paglalaro noong umagang iyon.

Pagdating sa trabaho, binigyan niya ang sarili ng bagong misyon. Hindi lang makakuha ng excellent performance rating, kundi makahanap din ng matinong lalaki sa dami ng mga nakakasalamuha niya roon. Mayroong ilang maituturing na cute, at mayroon ding mga gwapo talaga, lalaking-lalaki ang dating.

Muntik na niyang i-entertain ang isang may asawa na. Buti na lamang at may nagsabi sa kanya. Buti na lang, may nagmamalasakit pa rin. Nakakaloka. Lantaran niyang kinainisan ang isang iyon. How dare he try to make her a mistress? Sa puntong iyon, napag-alaman ng karamihan ang kaniyang sassy personality. Ilang kalalakihan ang naging interesado sa kaniya dahil doon. It was a kind of spice in a woman. A bit of fire and fierceness is never boring. Pero alam ni Mel na may limitasyon iyon. Ayaw rin nila sa sobrang palaban.

Sinikap niyang maging mas mapili sa pagkakataong ito. Lumipas ang dalawang linggo bago siya nagpasya na makipag-date. Harold ang pangalan ng lalaki at mas matanda ito sa kaniya ng limang taon. From their chat, masasabi niyang matured naman ito. Ang background ng binata ay medyo ordinaryo. Naghihintay ito na ma-promote bilang isang manager; baka daw ngayong taon. Gusto niya ang pagiging ambisyoso nito. Siya na ang wala pang pangarap, medyo nakakahiya. Napaawang ang labi niya nang magsimula silang mag-usap tungkol sa kani-kanilang financial perspective. May kaunting utang pa ang lalaki. Mayroon itong bahay, pero naka-mortgage iyon. It's not exactly a bad situation. Mukhang bihasa naman ito sa pananalapi.

"Naku, wala akong bahay, pero wala rin naman akong utang. Aaminin kong nag-aaksaya ako ng pera noon pero natuto na akong mag-ipon. I have enough and this job is providing well for me." Oo, hindi siya mangangahas na banggitin kung magkano ang kanyang kasalukuyang ari-arian. It seems like a sad thing, though, keeping it a secret. Magbabago kaya ang pakikitungo sa kaniya ng lalaking ito kapag nalaman nito kung gaano siya kayaman? It could go two ways, maybe three. Dalawa doon ay masama. Isa pa, kailan nga ba ang tamang panahon para ibunyag niya ang ganoon kahalagang bagay? Gah. Sa maling lugar nga ba siya naghahanap? Siguro ay dapat talaga siyang maghanap ng isang taong kapantay niya ng katayuan, o kasing-yaman man lang. The downside, baka maging business deal lamang ang kalabasan noon.

She clucked her tongue. Kung hindi pa rin siya magtatagumpay sa isang ito, maaaring kailanganin niyang maghanap sa ibang lugar.

She tried not informing Klyde about her date, but for some reason, alam pa rin niya ang tungkol dito. Binigyan pa siya nito ng damit na isusuot. Ano ba naman?

"Ano ito?"

"Hindi ba lalabas ka ngayong gabi? Iyan ang isuot mo."

Inilabas niya ang laman ng shopping bag at nakita roon ang isang damit. May kahabaan ito, abot hanggang tuhod. May manggas pa ito at mahinhin ang neckline. The flowery design is her style, though. Nagustuhan niya ang dress. Sa ilalim ng bag ay may isang pares ng flat shoes.

"Seryoso? I need some additional height, you know?"

"Mas ayos iyan. Paano kung kailanganin mo na namang tumakas? Mas madali kang makakatakbo suot 'yan."

Napataas ang kilay niya. He's got a point. "Oo na, may punto ka."

Umalis ang lalaki, ayaw na siyang makita pa. His annoyance shot to the roof as soon as he turned around. Pinigilan lang niya ang sarili kanina, ayaw niyang may mapansin itong kakaiba. Maraming beses siyang huminga ng malalim, sinusubukang kontrolin ang inis na nararamdaman. He won't stoop so low as to follow her out. That would be his limit. Pakialam ba niya kung ano man ang mangyari habang nakikipag-date ito? Gayunpaman, nagpadala siya ng tao upang magmatyag at magreport pabalik sa kanya.

Nag-enjoy si Melissa. Pagkatapos kumain, pumunta sila sa isang bar. Sa kasamaang palad, hindi niya ito makumbinsi na sumayaw. Uminom sila nang kaunti habang nagkukwentuhan. Nang mapalapit sila sa isa't isa, hinintay niya ito na halikan siya. Hindi naman siya nabigo. Medyo madilim ang paligid kaya panigurado niyang walang makakakilala sa kanila sa lugar na iyon. Oh, he could kiss! Hindi ito minadali at banayad lamang. Mapaglaro niyang kinagat ang labi nito, sinusubukang suyuin siya. Pinalalim nito ang paghalik at natuwa siya roon. It was sweet, with a hint of alcohol. Lumapit pa ito sa kanya at nilagay ang isang kamay sa kaniyang baywang. Napahagikgik siya nang simulan nilang idamay ang kanilang mga dila. Alam niya kung kailan siya aatras at kinindatan niya ang lalaki. May pag-uusapan sila tapos ay maghahalikan. There were also a few touches here and there.

Pag-akitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon