Kabanata 20 - Paghingi ng gantimpala

55 0 0
                                    

Nang magkita sila ni Lily, napakunot ang noo nito matapos magkwento ni Melissa.

"Anong pangalan?"

"Cedric. I was told he's also wooing women from other departments, including you. Totoo ba?" Sa totoo lang, hindi naman interesado si Mel sa lalaking iyon. Nag-aalala lang siya kung nakikipaglokohan lang din ito sa kaibigan niya.

Napaawang ang labi ni Lily. "Sigurado ka ba? Para kasing ibang Cedrik ang kakilala ko. Pakiramdam ko ay magkaibang tao ang pinag-uusapan natin. Yung Cedrik na kilala ko ay medyo mahiyain at hindi mayabang. He's a bit awkward, actually."

Saglit siyang tinitigan ni Melissa. "Talaga?"

"Wait, bakit parang may gusto ka diyan sa lalaking dinedescribe mo? May picture ka ba diyan para magkaalaman tayo? Ayaw ko lang na maloko ka niyan." Dagdag pa niya, gusto niyang maayos agad ang usaping ito.

"Well, medyo. Cute naman siya, gwapo at mabait. Hindi ko pa siya nakikitang naging mahangin o mayabang. He's awkward around people, to be honest." Pagpapaliwanag ni Lily habang nagbubuklat sa social media. Noong una nitong napukaw ang kaniyang pansin ay hinanap niya ang social media accounts nito.

Oh, well. Maaaring magkaibang tao nga ang pinag-uusapan nila. That would be a good thing. Matiyaga niyang hinintay si Lily na magbrowse online bago ito nakahanap ng picture.

"Oh, eto. Tingnan mo. Ito si Cedrik." Pagpapakilala ni Lily.

Kapansin-pansing huminga ng malalim si Melissa bago tumingin sa larawan. Tinitigan niya iyon bago dahan-dahang bumuntong-hininga.

Alam ni Lily ang ekspresyong iyon sa mukha ng kaibigan at bahagya siyang nasaktan. Damn, gusto pa naman niya ang lalaking iyon. Sayang, pero at least, hindi siya napaglaruan.

"Same guy?" Gusto niya pa ring kumpirmahin.

Natahimik saglit si Melissa, medyo naaawa sa hitsura ni Lily. "Well, may kakambal ba siya o ano? Sa paraan ng paglalarawan mo sa kaniya, I also thought he would be a different person."

"Well, sino ang nakakaalam kung mapagpanggap lang siya?" Nalungkot si Lily sa isiping iyon. Naging mabait sa kaniya ang lalaki at maalalahanin rin ito. At oo, inakala rin niya na may gusto ang lalaki sa kaniya kaya ganoon na lamang ang turing nito sa kaniya.

"Hey, cheer up. Lalaki lang 'yan. Isang walang kwentang lalaki pa. He's not worth your tears. Binabalaan kita, huwag kang iiyak. Tara, gusto mong uminom?" Ang maaari lang gawin ni Mel ay subukang pasayahin ang kaibigan and take her mind off the bastard.

The man's arrogance was over the roof, a glaring red flag Mel can't ignore. At bilang isang mabuting kaibigan, hindi niya hahayaan si Lily na magpatuloy makisama sa ganoong uri ng lalaki.

"I mean, hindi ko talaga aakalain... he was really sweet, you know? Hindi ko alam na may iba pa pala siyang hinahabol na mga babae." Lily lamented over a bottle of beer.

"Well, nagkataon na nagtatrabaho tayo sa iba't ibang palapag, kaya ganyan ang nangyari..."

"Sino-sino? Anong mga pangalan nila?"

"Ah, si Venice at Helena. Ang sabi nila baka may iba pa. Pero curious din ako. Paano niya nagawang makihalubilo sa napakaraming babae during working hours? Talaga naman... hindi ba siya pwedeng isumbong sa HR?"

"Nasa IT siya. Kailangan sila ng bawat departamento."

Dahil dito, kumunot ang noo ni Mel. "Akala ko ba nasa regular marketing department siya?"

Nagkibit-balikat si Lily habang nakanguso. Sayang talaga at labis siyang nalulungkot. Tipo niya ang binata, or at least, ang ipinakita nitong katauhan sa kaniya.

Pag-akitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon