Kabanata 34 - Pagtanggi

40 0 0
                                    

Klyde has this unsettling feeling inside him. Nasiyahan siya nang malamang tinanggihan ni Melissa ang huling lalaking naka-date nito noong nakaraan. Bumalik ang inis niya nang mawaring may bago na agad itong ka-date.

"Napakatigas ng ulo mo. What's the point? Hindi mo ba pwedeng alamin kung anong uri ng mga tao sila nang hindi nakikipag-date?"

Mel grunted sa walang kwentang tanong nito. Ano pa ba ang aasahan niya mula sa isang lalaking hindi romantiko? Ang alam lang nitong gawin ay kuhain ang gusto niya sa kama sa anumang paraan.

"Hindi lang ito tungkol sa pagkilatis sa isa't isa; tungkol ito sa pagsasaya nang magkasama. The result is secondary in importance. Sa palagay mo ba ay kikilos ng hindi maganda ang mga tao sa opisina? Would they act inappropriately and cop a feel? Hindi nila gagawin iyon ng lantaran. We can only go out for such things."

He's not satisfied with this situation. Squinting at her, he was tempted to lock her in her room. Pinanood ni Klyde ang dalaga habang naglalagay ito ng light layer of make-up. May bahid ng pinkish red na kulay ang mga labi nito. Biyernes na ng gabi at pinapaganda nito ang sarili para sa ibang tao.

"Anong nangyari dun sa huli mong ka-date?"

"Oh, si Kenneth? Hindi siya masyadong... what's the word? Hindi siya kumportable sa pagiging madaldal ko. I mean, I did give him time to speak as well pero hindi siya masyadong nagsasalita. Hindi siya naiinis, pero halatang hindi rin siya nag-e-enjoy. We both realized that it probably won't work between us. We decided to part ways."

"At sino naman iyang bago?"

"Si Landon. Mas bata siya sa akin ng isang taon. Hindi talaga ako sigurado sa kaniya pero susubukan ko pa rin. Malay natin, di ba? He seemed fun."

Muling napabuntong-hininga si Klyde na nanatiling nakasandal sa pintuan ng kaniyang silid.

"Umuwi ka bago mag hatinggabi." Utos nito sa kaniya kaya napaawang ang labi ni Mel.

Well, at least hindi niya sinubukang pigilan siya sa pagkakataong ito. Ni isang pagtatangka ay hindi nito ginawa. Nakangiting tumingin siya rito at kumindat. Ngunit napalunok rin siya nang makita kung gaano kadilim ang ekspresyon nito. Umalis rin ito pagkatapos noon.

Kinampante ni Klyde ang sarili sa katotohanang hindi naging intimate si Melissa sa naka-date nito. Umaasa siyang ganoon din ang mangyayari sa kasalukuyan nitong ka-date. He remained grim while waiting for her.

Nakaupo siya sa kanyang study, nakatingin sa dingding na katapat ng table niya. Malalim ang kaniyang iniisip. It would appear as if he's starting to obsess over that woman. Isipin pa lang niya na may ibang lalaking hahawak dito ay kumukulo na ang dugo niya sa galit. Mas nakakairita pa iyon kaysa sa pang-aasar at panunukso nito sa kanya. Naningkit ang kaniyang mga mata habang nakaawang ang kaniyang mga labi. Ayaw niyang aminin ang bagay na iyon. There's no way he likes that annoying brat. Marahil ay mas makakabuti kung lalayo muna siya rito.

Huminga siya ng malalim bago binuksan ang laptop at sinubukang ipagpatuloy ang trabaho. Time seemed to trickle slowly. Makalipas ang kalahating oras, napagtanto niyang wala siyang nagawang matino. Paulit-ulit niyang binabasa ang isang pahina ng isang kontrata nang hindi naiintindihan ang anumang pangungusap na naroon.

Damn it. Shit. Mas kailangan niyang kontrolin ang sarili.

Maaga niyang natutunan na dapat kontrolin nang mabuti ng isang tao ang kaniyang emosyon kung ayaw nitong kontrolin ng mga emosyong iyon ang sariling mga kilos. Hindi niya hinahayaan ang kaniyang damdamin na maging hadlang sa pagkamit ng kaniyang mga layunin at naisin. Dapat mong bantayan ang iyong mga emosyon kung gusto mong maging makatwiran sa iyong proseso ng paggawa ng desisyon. Oo nga't minsan ay kailangan mo ring isaalang-alang ang ilang mga emosyon at mga posibleng reaksyon ng mga tao, ngunit ang mga iyon ay maaaring may kaakibat na pagkatalo at ilang mga sakripisyo. He sees it as nothing ideal, kundi kung ano ang kailangang gawin depende sa sitwasyon.

Pag-akitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon