Ngumiti lang si Melissa sa kaniya at nagkibit-balikat. It was a silly thing. Most likely, only a naïve person like her would wish for it.
Nasiyahan sila sa mga pagkaing nakahanda, gayundin sa cake. Nang matapos sila, dali-dali siyang pumili ng ilang lobo at tinusok ang mga iyon gamit ang karayom. Oh, boy. Bakas sa mukha ni Klyde ang pagkairita. Ang kanilang pagsabog ay nagdulot ng napakalakas na ingay. Given how he's used to a quiet working environment, she's really testing his patience. Binalaan niya ito gamit ang masamang tingin, bago umalis na umiiling.
Gayunpaman, ngumisi pa rin si Melissa. Sapat na ang reaksyon ng lalaki. Iyon talaga ang gusto niyang mangyari. Kumuha pa siya ng ilang lobo para dalhin sa study nito.
Nang mapansin siya nito at nakita kung ano ang mga dala niya, nagbabala siya, "Sinasabi ko sa 'yo, hindi mo gugustuhing paputukin ang mga iyan dito. Subukan mo at hindi ko ibibigay ang regalo mo."
Nakangiti siya sa binabalak na kalokohan at hindi niya agad naproseso ang sinabi nito. Nanlaki ang mga mata niya, "Oh, may regalo ka sa akin?"
Bigla siyang natuwa at binitawan ang mga lobo. "Nasaan na? Asan? Ibigay mo na sa 'kin."
His lip twitched sa inasal nito. Animo'y batang excited na makatanggap ng regalo. Well, umaasa siyang nasa bag nga niya ang kahon. Bahagya siyang tumikhim bago inabot ang bag. Inwardly, he was relieved to find it there.
"Oh, heto. Happy birthday ulit." He presented it to her on his hand.
Lalong lumawak ang ngiti ng dalaga at masayang kinuha iyon.
"Ano 'to?" Nang makita niya ang maliit na kahon, nahulaan na niyang baka alahas ang laman niyon. Kwintas ba? Bracelet? Earrings?
"Bakit hindi mo buksan nang malaman mo?" Umupo na siya at binuksan ulit ang laptop. May kailangan talaga siyang i-review na mga file. Sa pakiwari niya ay may pagkamahal ang biniling regalo ng kaniyang assistant.
Napasigaw si Mel nang makita ang nasa loob noon. Damn, mayaman talaga ang lalaking ito. Isa itong silver na kuwintas, ngunit ang pendant nito ay lubos na kapansin-pansin. Ang disenyo niyon ay isang bulaklak. Isang malaking brilyante ang nasa gitna at maliliit naman ang nasa paligid nito.
Napangiwi si Klyde nang marinig ang bulalas nito. Napakatinis ng boses na tumagos sa kaniyang eardrums. Binigyan niya ito ng isang side-eye.
"Please tell me these are real diamonds." She quickly zoomed towards him.
"They are, aren't they? Hindi ka naman siguro bibili ng peke." She began a monologue in front of him.
"Tingnan mo, sobrang ganda. Maraming salamat." Isang sigaw pa ang pinakawalan nito bago siya niyakap sa leeg.
He was gritting his teeth in tolerance. Just for today. He'll only suffer for today.
"Ang bait mo. Salamat. Salamat. Salamat." Matapos halikan sa pisngi ay tinapunan niya pa ito ng flying kiss habang naglalakad paatras.
Umupo siya sa sopa at hinangaan ang alahas, lalo na ang mga diyamanteng naroon. Napakaganda nito. Binilang niya ang maliliit na brilyante. Hindi niya maiwasang mag-isip kung magkano ang halaga nito. Bukod pa roon, hindi niya talaga inaasahan na bibigyan siya ni Klyde ng regalo. Nilingon niya ito, ngunit nakatutok na ito sa kaniyang trabaho. Hmm, hindi nito sinagot ang mga tanong niya. Giggling, naisip niya na malamang ay iniutos lang nito ang pagbili sa assistant niya. Okay na yun. Ang mahalaga ay naalala nito ang birthday niya at naghanda ito ng regalo.
She contentedly waited for him. Inilabas niya ang kaniyang phone para manood ng mga videos habang naghihintay.
Pagkaraan ng ilang sandali, naisip ni Klyde na baka gusto nitong mag-rain check ngayong gabi. Tinanong niya ito pero umiling ang babae.
BINABASA MO ANG
Pag-akit
Storie d'amore"Kung inaakala mong hindi kita papatulan, think again." Naramdaman niya ang hininga ng binata sa kanyang mukha habang unti-unti siyang umaatras, hanggang sa lumapat ang kanyang likuran sa isang bookshelf. Ano kayang naisip niya para akalaing magpipi...