Nakakunot ang noo ni Mel habang nakatitig sa kaniya.
"I mean, parang hindi ka heartbroken or something." Paglilinaw pa ni Klyde.
Napangiti siya nang marinig ang salitang iyon mula sa kaniya. "Ano namang alam mo sa pagiging heartbroken? Ahhh... siguradong umibig ka na rin noon, hindi ba? Anong nangyari? Bakit hindi ka pa kasal? Sino yung babae? Ilang babae na ba ang minahal mo?"
Simula nang buksan nito ang paksang iyon, naging interesado siya. Ano nga ba ang nangyari sa isang tulad niya? Pero gaya ng inaasahan niya, mukhang naiinis na naman ito sa kaniya.
"Ano? Ikaw lang ang pwedeng magtanong? Pag binalik na sa 'yo, hindi ka sasagot?" She prompted him to answer.
Nagtaas ito ng kilay, "Hindi ka pa sumasagot."
"Ah..." Ganoon ba? Sorry naman.
His reminder was on point. Medyo na-excite lang siya na malaman ang sagot nito.
"Ibig mong sabihin ay sasagot ka rin pagkatapos ko? Sure."
Umayos ng pagkakaupo si Mel sa couch at humarap sa binata, sabay lagay ng isang kamay sa baba. Tayo'y mag-isip.
"I guess the first time I fell in love and became heartbroken was in high school. First love, alam mo naman. Pero hindi ko siya naging boyfriend. May girlfriend na siya noon. Childhood sweetheart niya or something. Syempre, nag-confess pa rin ako. My friends urged me to. In-expect ko naman na tatanggihan niya ako, kaya lang nakagulo yata ako sa kanila ng girlfriend niya. Kinainisan niya ako dahil doon. He also avoided me. Malay ko bang insecure ang jowa niya? Nalungkot ako noon. I was heartbroken. Sobrang nagustuhan ko talaga siya. Hindi kami magkaibigan but we used to interact a number of times. Sinubukan kong hindi maging masyadong halata bago ako umamin. After nun, iniwasan na niya ako. Ayaw niyang mag-away sila ng girlfriend niya. Hay naku... hindi ko alam. I never felt anything like it before kaya grabe yung first time. I've had boyfriends years after that, pero isa lang ang seryoso."
She paused and all this while he kept reminding himself that it all happened in the past. Bakit siya naiinis? Hinimok niya itong magpatuloy sa pamamagitan ng tingin.
"I mean, tumagal lang kami ng ilang buwan. Pero nagustuhan ko talaga siya. We talked about future stuff. Even about getting married and living together and I actually envisioned that for us. Sayang lang kasi niloko niya 'ko. This was during our first year in college. Hindi niya alam kung gaano kayaman ang pamilya ko. Sinubukan niyang magkabalikan kami nang marinig niyang nililibre ko ang mga kaibigan at kaklase ko ng kung ano-ano. I mean, that was kind of a turning point for me. Yun yung time na nagsimula akong magrebelde at sinayang ko lang lahat ng pera na binibigay sa 'kin ni dad. Wala na akong pakialam sa pag-aaral. Ilang taon ko nang hindi nakakausap si dad at wala naman akong natatanggap na anumang abiso mula sa kaniya. Hindi naman niya binawasan ang allowance ako, dire-diretso lang. Ginawa ko kung anong gusto ko. Nagpakasaya ako at ginastos ko yung pera na parang wala ng bukas. Ugh. I could've saved millions."
She felt bad recalling all those things. Mas naging mabuting tao sana siya. Maayos naman siya noon bago siya niloko ng lalaking iyon.
"At ngayon? Yung mga naka-date mo?" Tanong niya, this is his main concern. Kasalukuyang mga karibal, kumbaga.
"There's nothing serious. Gusto ko sila, pero hanggang doon lang iyon. Kaya nga ako nakikipag-date, para mas makilala ko pa sila. Anong ugali nila? Paano sila makisalamuha sa ibang tao? Naniniwala ako na maaaring iba iyong pinapakita nila sa kumpanya kapag nagtatrabaho sila. Malay natin kung may pagka-creepy sila or psychotic? I need to know more about them. Hindi naman ako yung tipo na na-iinlove sa taong hindi ko lubos na kilala, inside and out. Kaya kapag na-realize ko na hindi ko naman talaga bet yung naka-date ko, ayos lang. Hindi iyon kawalan kaya hindi rin nakakalungkot. When you think about it, makakatipid pa 'ko sa oras. I don't need to spend more time to know them because I already found something I don't like about them. Kahit isang bagay lang na hindi ko kayang tiisin o ikompromiso ang makita ko. Bakit ako malulungkot, di ba?"
BINABASA MO ANG
Pag-akit
Romance"Kung inaakala mong hindi kita papatulan, think again." Naramdaman niya ang hininga ng binata sa kanyang mukha habang unti-unti siyang umaatras, hanggang sa lumapat ang kanyang likuran sa isang bookshelf. Ano kayang naisip niya para akalaing magpipi...