Nagpakita ng amused expression si Mel. Gagawin niya? Magkasama pa rin kaya sila hanggang sa kanilang pagtanda at kulay abo na ang mga buhok nila? Iyon ay isang bagay na hindi naranasan ng kanyang mga magulang, ngunit habang minamasdan niya ang matandang mag-asawa... nakakatuwang makita na mukhang mahal na mahal pa rin nila ang isa't isa.
Ibinaling niya ang tingin sa lalaking nasa harapan niya. Bahagya siyang nagulat sa seryosong pagtitig nito, na para bang diretsong nakatingin sa kaluluwa niya. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso at nakaramdam siya ng kaba. Umiwas siya ng tingin at pinanood na lang ang mga musikero. May isang pianista at tatlong biyolinista.
Damn, bakit ba napaka-charming ng lalaking ito ngayong gabi? Nasanay na siya sa pabango nito at nagpapaalala iyon sa mga gabing pinagsaluhan nila. Napasinghap siya ng mariin nang yakapin siya nito, halos magdikit na ang kanilang mga katawan habang umiindayog sila sa musika.
Malapit nang matapos ang kasalukuyang piyesa ngunit ayaw niyang tumigil ang sayaw. Isinandal niya ang kanyang ulo sa dibdib nito. Hindi siya gumalaw mula sa posisyong iyon hanggang sa magsimula ang bagong himig. And well, it has to be Canon in D. Nagulat siya roon at kumunot ang noo. Bakit iyon ang napili nilang piyesa para sa isang restaurant? Is this supposed to be a romantic time? A few more couples joined them on the floor. Nakakatuwa rin naman ang naging reaksyon ng mga tao. Nang marinig niya ang susunod na piyesa, ayaw pa rin niyang umalis. She enjoyed the music along with his comforting presence. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya rito habang si Klyde naman ay gusto lang makasigurado na masaya siya. Sulit na ang makita ang kanyang masayang ngiti.
Nang gabing iyon, nakatulog agad si Melissa pagkatapos ng kanilang date. Kahit pa gustuhin niyang sumiping dito, may trabaho pang kailangang tapusin si Klyde. Nang matapos, tumabi siya ng pagkakahiga sa asawa at kinumutan ang kanilang mga katawan. Mabuti na lamang at hindi ito nagising para itaboy siya. Nagawa niyang magkaroon ng mapayapang tulog sa pagkakataong iyon.
It took him a while to discover the trick.
Sa mga sumunod na araw, ilang beses niya itong inilabas para maghapunan. Malamang, ang mga buntis ay madaling mapagod at sila ay madalas matulog. Nakakatulog agad si Melissa, wala pang isang oras pagkauwi nila. Ang tanging gantimpala niya ay ang pagkakataong matabihan ito sa pagtulog sa sarili nitong kama. Sa sarili nitong kwarto. Maganda ang mood niya sa tuwing lumalabas sila. Ganoon pala.
Makalipas ang ilang beses nilang paglabas, sinubukan niyang suyuin ito. He wants to be intimate with her. Ang huling beses na sila'y nagtalik ay noong honeymoon pa nila. His lust has been building up since then.
Bahagya niyang hinaplos ang asawa, kung saan wala naman siyang masamang reaksyon. Ngunit nang hawakan niya ang dibdib nito, sinamaan siya nito ng tingin. Tinulak siya ni Mel at sinabihang bumalik na siya sa sariling niyang silid.
"Mel, please. Hindi ba pwede kahit ngayon lang?" Damn, malapit na siyang magmakaawa. O hindi pa ba?
"No! Umalis ka nga. Huwag mo akong istorbohin."
"Mel, I'm really at my limit here."
Pinaningkitan siya nito ng mga mata. "Oh, you're at your limit? Eh di maghanap ka ng ibang babae. Kayang-kaya mo naman iyon, hindi ba? You can fuck any woman you want. Alis na. Gusto ko nang matulog."
Hindi niya talaga iniisip ang bagay na iyon at basta na lamang lumabas sa bibig niya. Agad siyang tumalikod at bumalik sa pagkakahiga sa kama. Ngunit habang nakapikit siya, sumama ang kaniyang pakiramdam sa isiping iyon. Ano ang gagawin niya kung talagang humanap ito ng ibang babae? Kumirot ang puso niya sa naisip at medyo naiyak siya. Kinagat niya ang kanyang labi at sinubukang huwag nang isipin pa iyon.
Nakatayo lang roon si Klyde, natulala saglit. "Paano ko magagawa iyon? Ikaw ang asawa ko."
Nakapikit pa rin ang mga mata ni Mel at hindi nag-abala pang tumingin sa lalaki. Sumagot siya sa nakakatakot na tono, "Kasal lang tayo sa papel. Isang kasunduan lang naman iyon. Nothing else. Maaari mong gawin ang anumang gusto mo. Huwag mo akong guluhin kapag nangangati ka. Hindi ko iyan kakamutin."
BINABASA MO ANG
Pag-akit
Romance"Kung inaakala mong hindi kita papatulan, think again." Naramdaman niya ang hininga ng binata sa kanyang mukha habang unti-unti siyang umaatras, hanggang sa lumapat ang kanyang likuran sa isang bookshelf. Ano kayang naisip niya para akalaing magpipi...