Kabanata 33 - Pagpipilit

40 0 0
                                    

Sa pagkakataong ito, maingat na pinag-isipan ni Mel ang bagay na iyon. Hindi iyon biro. Halos maghapon na iyon lang ang iniisip niya. She rolled her eyes at how silly she seemed. Iba talaga ang nagagawa ng pera. Dalawang bilyon. Pero mapera ka na, Melissa. Hindi mo na kailangan iyon. She talked herself out of it.

Hindi niya kailangan ng pera. Nakakatukso man ang dalawang bilyon, saan niya naman iyon gagamitin? Anong gagawin niya doon? Halos hindi na nga siya gumagastos sa ngayon. Sapat na ang mayroon siya para mamuhay ng simple for the rest of her life. Huwag lang siyang babalik sa pagiging waldasera. Kailangan niyang limitahan ang pagpunta sa shopping malls at ang paglabas para mamili ng kung anu-ano. She doesn't need a complication in life just for money.

Masaya na siya sa kung anong meron siya sa ngayon, sa sitwasyon na kinalalagyan niya. Thank you very much. Umaasa siya na iyon na ang kaniyang final decision. Klyde isn't easy to deal with. Marahil sa maikling panahon ay kaya niya itong pakisamahan, but she's not sure in the long-term. Isa pa, ni minsan ay hindi naman niya talaga naisip na pakasalan ang lalaki. She doesn't love him. She might like him, but not exactly like a crush.

Bagama't hindi pa niya natatagpuan ang kaniyang ideal man, she wants to keep options open for when she meets him. Hindi niya iyon magagawa kung itatali niya ang sarili kay Klyde. And given that man's personality, hindi iyon papayag na may kahati habang may kasunduan pa sila. He doesn't even allow her to date anyone at the moment. Sadyang matigas lang ang ulo niya.

From what she experienced with her father, gusto niya sana ng lalaking hihigit pa sa kaniyang ama. Minahal nga nito ang kaniyang ina, pero pinabayaan naman siya nang mamatay ito. He's a loving husband, but a negligent father. Ayaw ni Melissa na maranasan din iyon ng magiging anak niya. The guy has to be a loving husband and a great father. Pero mukhang mahirap nang makahanap ng ganoon sa panahon ngayon.

Hindi niya kailangan ng lalaking mamahalin siya ng sobra. Sapat lang ay okay na. Hindi niya kailangan ng isang duwag. Hindi niya rin kailangan ng isang gold digger. At lalong hindi niya kailangan ng lalaking katawan niya lang ang habol at puro pakikipagtalik ang laman ng utak. Mas malala pa roon ay iyong maghahanap pa ng ibang babaeng matitikman. Nakakaloka ang mga lalaki ngayon. Kukunti na lang ang matino.

Mas gugustuhin pa niyang manatiling single na lang kung hindi siya makakahanap ng maayos na lalaki. Hindi niya ibababa ang kaniyang standards. She's got big dreams. Pero aaminin niya, minsan ay binabalewala niya rin ang sariling pamantayan.

Kapag natapos na ang kasunduan nila ni Klyde, balak niyang umalis na sa poder nito. Siguro ay dapat na siyang magsimulang maghanap ng maayos na matitirahan. Bibili kaya siya ng bahay o magre-rent na lang? Her lip twitched. Isang katotohanan na sa pagtira niya sa bahay ni Klyde ay wala siyang masyadong gastos. Libreng bahay. Libreng pagkain. Kukunti lang ang nagagastos niya sa bihira niyang paglabas-labas.

Hmm... magrerenta na lang siguro siya. Kapag naisipan niyang lumipat ay hindi masyadong hassle. Na-iimagine niya ang sarili na nagtatravel sa iba't ibang lugar. Oh, look. Mukhang may ideya na siya kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay. Or a direction for it.

Sa mga sumunod na araw, muli siyang tumutok sa trabaho. Hindi naman iyon masyadong nakakapagod, at minsan lang may mga problemang sumusulpot. Para sa kaniya, okay lang naman makinig sa tsismisan sa loob ng kanilang opisina, maliban na lang kung ikaw mismo ay direktang kasangkot doon. She doesn't exactly enjoy it. Nakokonsensya siya sa hindi malamang dahilan kapag may pinag-uusapan ang kaniyang mga katrabaho na iba pa nilang katrabaho din without them knowing or behind their backs. Pakiramdam niya ay ginagawa nila iyon kaninuman. Marahil ay kapag siya naman ang nakatalikod o wala sa harap ng mga ito ay pinag-uusapan rin siya.

Anyway, nagsimula na naman siyang maging carefree. Sinubukan niyang i-enjoy ang mga araw niya sa opisina. Mayroong ilang mga cute na lalaki sa paligid. Ang kumpanya ni Klyde ay maraming empleyado at imposibleng makasalamuha niya lahat. Gayunpaman, may pailan-ilan siyang nakikilala tuwing breaks nila. Maganda naman si Melissa, mahubog ang katawan, kaya hindi rin nagtagal ay nakaakit siya ng atensyon. After a while, may mga naglakas-loob rin na makipag-usap sa kanya. One eventually asked her out at pumayag rin naman siya makalipas ang isang linggo. Mas matanda ang lalaki ng dalawang taon at halos limang taon na ito sa kumpanya. Isang engineer, kindi niya sigurado kung anong klaseng engineer.

Pag-akitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon