Napansin din naman ni Klyde ang mga pagtitig niya. Minsan ay biniro niya ito.
"Ano? In love ka na ba sa 'kin?" Kinindatan pa niya ito para alam nitong nagbibiro lamang siya. Ayaw niyang seryosohin dahil baka hindi niya magustuhan ang isasagot nito, at tama naman ang desisyon niya.
"Hoy, ang kapal ha. Pasalamat ka lang kasi gwapo ka. Dahil lalaki itong magiging anak natin, gusto ko sana kasing gwapo mo." Inirapan siya nito at medyo nainis siya roon.
Sabi ko nga dapat hindi na lang ako nagtanong. Sinubukan niyang huwag na lang itong pansinin at muling tumutok sa trabaho. Napakaseryoso ng hitsura na.
Alam niyang naging defensive siya. Mel felt uncomfortable. Nagbibiruan sila, di ba? Bakit biglang nagseryoso yun? Bahagya rin siyang nalungkot at nakaramdam ng kirot sa kaniyang puso. Masakit rin pala kapag tinatanggi mo ang iyong nararamdaman. Kailan kaya niya masasabi rito ang totoo? Ayaw lang naman niya na pagtawanan siya nito at maliitin. Mayaman nga siya, may alam rin naman, pero kung ikukumpara sa lalaki... may pagka-walang kwenta ang buhay niya.
Bukod sa pagse-set up ng kanyang café, nang magsimulang magpakita ang kanyang baby bump, kasama na rin sa mga date nila ang pagpunta sa mall upang mamili ng mga damit at laruan ng sanggol. Sinimulan na ni Klyde ang pagse-set up ng isang kwarto bilang nursery. Bumili na sila ng kuna, lahat ng mga muwebles na ilalagay nila sa loob noon, at iba pang mga pang-dekorasyon.
Kapag bored si Mel sa bahay, pumupunta siya sa kwartong iyon at maglalaro ng mga laruan. Naiimagine na niya ang isang bata na nagdadaldal sa kanya. Maganda ang imagination niya. Kaya niyang libangin ang sarili ng ilang oras na ganoon ang ginagawa.
Minsan ay bumibisita sa kaniya ang kaibigang si Lily. Dahil sa may trabaho ito at siya naman ay nakikipag-date sa asawa tuwing Sabado, hindi madali para sa kanila ang magkita. Pareho nilang kailangang magpahinga tuwing Linggo para makapaghanda muli sa kanilang mga gawain. Gayunpaman, madalas pa rin silang mag-chat. Steady naman ang relasyon ni Lily at ng boyfriend nito. Gumagawa ngayon si Cedrik ng isang personal na proyekto. Sinisigurado muna niya na magiging maayos iyon. Pagkatapos ay saka pa lamang niya balak maghanap ng mga investors upang isakatuparan iyon bilang isang negosyo.
Nakatakda na si Lily na maging ninang ng anak niya. Minsan, noong may business trip si Klyde on a weekend, buong araw niyang kasama ni Lily at ipinakita ni Mel dito ang nursery.
Karaniwan ay sa hapon siya nagba-bake, sakto siyang natatapos pagdating ng kaniyang asawa at papatikimin niya ito. Natatawa siya sa tuwing maaalala ang mga palpak niyang gawa noong nagsimula siyang mag-practice. She did mess with him. Minsan ay hindi na niya tinitikman ang kaniyang luto at diretsong iniaabot iyon sa asawa. May sobrang alat. Minsan naman ay mapait. Mayroon ding sobrang tigas, na mapagkakamalan mong bato. May nasunog din. Ang ilan ay kakaiba ang lasa na hindi maipaliwanag, mga panahong sinubukan niyang haluan ng mga prutas ang mga bine-bake niya.
Nakakatuwa ang mga reaksyon ni Klyde. Minsan ay hindi maipinta ang hitsura nito. Hindi nito sinubukang bolahin siya. He judged them as they are. Kapag hindi maganda ang lasa ay sinasabi talaga niya. Nagbibigay rin naman ito ng suhestiyon kung ano ang maaari niyang gawin. Bawasan mo ng asin. Huwag mong iwan ng matagal sa oven. Hinaan mo ang temperature. Huwag mong damihan ng flour. Minsan ay iniisip niyang mas marunong pa yata ito sa kaniya. Biniro niya ito na igawa siya ng cupcakes at mukhang pinag-iisipan niya iyon. She would love to try his baking.
"Hindi ka ba galit sa akin?"
Nagulat si Klyde sa biglaang tanong nito. "Ha? Hindi. Bakit mo naman natanong?"
"Kasi kung anu-anong pinapakain ko sa 'yo. Tapos hindi pa masarap." Naging dramatic ang ekspresyon niya.
Bahagyang napahalakhak si Klyde at tinabihan siya sa couch.
BINABASA MO ANG
Pag-akit
Romance"Kung inaakala mong hindi kita papatulan, think again." Naramdaman niya ang hininga ng binata sa kanyang mukha habang unti-unti siyang umaatras, hanggang sa lumapat ang kanyang likuran sa isang bookshelf. Ano kayang naisip niya para akalaing magpipi...