Hindi nangyari ang inaasahan ni Mel at mas naging sigurado siya sa sariling nararamdaman. At marahil ay ganoon din sa nararamdaman ni Klyde sa kanya. Inaasahan niyang magiging malayo ito sa kaniya pagkatapos niyang manganak, ngunit hindi. Inaasahan niyang mas pagtutuunan nito ng pansin ang kanilang anak, ngunit mas marami pa rin ang ginugugol nitong oras kasama siya. Karaniwan nitong nakakasama si Klay kapag nasa nursery siya. She's beginning to doubt kung pinupuntahan ba nito ang kanilang anak kapag wala siya roon.
Madalas bumisita si Pops sa mga sumunod na linggo pagkapanganak niya. Doon lang siya uupo sa nursery at pinapanood ang batang lalaki kapag natutulog ito. Kapag gising ang sanggol, kakausapin siya ng matanda kahit hindi pa marunong ang sanggol. Simpleng kasiyahan na niya iyon. Bihira ring umiyak si Klay sa presensya niya. Tatawa-tawa lang ito habang iginagalaw ang mga binti at braso. Nakakataba ng puso ang kanilang interaksyon.
Si Lily naman, she visited on the baby's first weekend at home. Nagdala siya ng ilang damit ng sanggol at ilang magagandang bagay bilang regalo. Nilabhan na rin niya agad ang mga iyon para masubukan nila ito kaagad.
"Bakit pakiramdam ko ay kakaiba ang kinikilos ng asawa mo?" Bulong ni Lily pagkatapos silang dalhan ni Klyde ng meryenda.
Mel's lips twitched. Medyo malakas talaga ang instincts ng kaibigan niya pagdating sa mga tao.
"Paano mo naman nasabi?" Nagkunwari siyang walang alam, pero napansin niya rin naman iyon.
"Hindi ko alam. Pakiramdam ko lang. Anyway, paano ka niya tinatrato ngayon? Ganun pa rin ba? Tingin ko ay parang wala namang nagbago. Inaasikaso ka pa rin niya." Sinilip ni Lily ang pinto kung saan ito lumabas.
Sinabi sa kanya ni Mel noon ang mga ikinakatakot nitong mangyari kaya nag-aalala rin siya para rito.
"Ayos naman. Ganun pa rin siya." Napangiti si Mel sa isiping iyon.
"Mabuti naman. Ano na ang plano mo ngayon? Kailan mo sisimulan ang café mo?"
Sa nakalipas na dalawang buwan, pagkatapos niyang pumili ng lokasyon, inihanda kaagad ni Klyde ang lugar. Nagpunta rin siya roon para pangasiwaan ang ilang bagay, kagaya ng pagpili ng mga kulay at mga kasangkapan. Lahat ng kailangan sa loob ng café. Ang layout para sa mga mesa at upuan. Lahat ay naisaayos na nila. They took a break noong malapit na ang petsa ng kaniyang panganganak. At ngayong maayos na ang pakiramdam niya, malamang ay malapit na niyang simulan ang operations nito.
Tuwing umaga ay nag-eexercise sila ni Klyde. Tinupad nito ang pangako niya na sasamahan siya araw-araw. Ikinatuwa niya iyon. Bukod sa pag-eehersisyo ay binabantayan niya rin ang kaniyang pagkain. Sinisigurado nilang masustansiya ang mga kinakain nila. Makalipas ang ilang linggo ay halos bumalik na sa dati ang kaniyang pigura.
"Malapit na. Pupunta ako roon sa susunod na linggo at susubukan kong magluto doon. Ayaw ni Klyde na solohin ko ang mga gawain. Inihahanap niya ako ng magiging staff doon na siyang magtatrabaho talaga."
"Aba, dapat lang. May baby ka. Dapat sa kaniya mo muna ibigay ang atensyon mo. Kailangan mo siyang alagaan. Matrabaho talaga ang pagpapatakbo ng isang café, lalo na kung pati pagba-bake ng pagkain ay doon din. Mas madali kung bibilhin niyo lang din sa iba, pero hindi naman ganun ang gusto mo. Huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo. Mapera ka naman na ngayon. Libangan mo na lang iyan."
"Hmm, oo na. Sige na. Ganun na nga ang gagawin ko. Huwag kang mag-alala. Hindi ako magpapakapagod. Makakapunta ka ba sa opening?"
"Weekend ba?" Nagpakita ng guilty expression si Lily.
Natawa si Mel, "Oo naman. Sabado iyon."
"Oh, sige ba. Isasama ko si Cedrik. May kakaibang hilig siya sa pastries."
BINABASA MO ANG
Pag-akit
Romance"Kung inaakala mong hindi kita papatulan, think again." Naramdaman niya ang hininga ng binata sa kanyang mukha habang unti-unti siyang umaatras, hanggang sa lumapat ang kanyang likuran sa isang bookshelf. Ano kayang naisip niya para akalaing magpipi...