Chapter 2

18.6K 532 124
                                        

TATLONG araw pa ang lumipas bago ako nakatanggap ng tawag mula kay Sir Kenshin Villamor. 'Yong pinagbigyan ko ng requirements na kakilala ni Annie.

"Punta ka rito sa office ko, may ibibigay ako sayo na cheque para sa hinihiling mong advance payment."

Bigla akong malawak na napangiti dahil sa narinig. Pakiramdam ko ay nanalo ako sa lotto! Halos mapunit ang aking labi sa sobrang saya.

"Sige po!" sagot ko agad. "P-Papunta na po! Maraming maraming salamat po talaga, sir!"

"Walang anuman," aniya bago naputol ang tawag.

Masaya kong naitaas ang aking dalawang kamay at agad na tumalon sa tuwa. "Yes! Makakagraduate na 'ko!" Dali-dali tuloy akong nagbihis para agad na makapunta sa office niya.

PAALIS pa lamang sana ako ng bahay nang muling mag-ring ang aking cellphone. Tumatawag si nanay.

"Nay!" nakangiti kong sagot sa tawag saka kinuha ang bag bago lumabas ng bahay.

"Faith, may ipapadala sayo ang lola mo na pera, pandagdag din sa tuition fee mo."

Nangunot ang noo ko. "Sino pong lola?"

Kasi sa pagkakatanda ko—ayaw nila akong makatapos ng pag-aaral. 

"Ang nanay ng tatay mo. Nasabi ng 'yong ama ang tungkol sa pag-aaral mo kaya nagbenta ng mga gamit ang lola at mga kapatid ng ama mo."

Sina lola Levi pala. Ang nanay ng tatay side ko. Siya 'yong tipong mabait at mapagbigay. Kahit kakainin niya na ay magagawa pang ibigay sa 'yo. Malayo ang probinsya nila sa probinsya na tinitirhan namin ng pamilya ko.

Alam kong gipit din sila at sobrang hirap ng buhay sa kanilang probinsya hindi gaya ng pamilya ng nanay ko na mayroon namang kaya—ayaw lang kaming tulungan.

"Nako, nay! Pasabi po na huwag na. May pambayad na po ako ng buo sa tuition fee ko, pasabi na lang po sa kanila na ipang-grocery na lamang nila, baka po kasi kapos din sila."

"Sigurado ka, Faith?"

"Opo nay," mabilis kong sagot. "Pasabi na lang po sa kanila na babawi ako kapag naka-graduate na 'ko. Huwag po kayong mag-alala may pambayad na po ako."

"Saan nanggaling ang pera mo?"

"Nag-apply po ako ng trabaho, pagt-tutor. E naka-pag advance payment po sila ng eighty thousand para sa tuition ko kaya 'wag na po kayong mag-alala, nay."

"Nako! Salamat sa Diyos!" halos maiyak na sabi ng nanay ko.

Naiiyak na naman tuloy ako!

"Sige po nay, ibababa ko na po ang tawag, mag-ingat po kayo riyan palagi," saad ko bago putulin ang tawag.

Maiiyak na naman ako kapag narinig ko ang iyak ng nanay ko. Miss na miss ko na sila at gagawin ko ang lahat para maitaguyod ang pamilya namin.

Babalikan ko ang mga taong tumulong sa akin hanggang sa makamit ko ang tagumpay at papatunayan ko sa iba na kaya naming makaalis sa kahirapan. Hindi ko bibiguin ang mga magulang ko, lalo na't malaki ang tiwala nila sa akin.

Tinuyo ng isang kamay ko ang bahagyang tubig na nangilid sa aking mga mata at mabilis na nagpara ng tricycle.

"Good morning po sir," bati ko nang makapasok sa loob ng office ni Sir Kenshin.

"Good morning, Faith," balik niyang bati. "Have a seat," aniya at itinuro ang upuang katapat ng lamesa niya.

Umupo ako roon habang may hinahanap siya sa case niya. Mayamaya lang ay may iniabot na siya sa aking isang rectangle na papel.

Kissing Tutorial (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon