Chapter 1

23K 604 144
                                        

"ANNIEEE!" mahaba at humihikbi kong tawag sa pangalan ng aking bestfriend. Matapos ay payakap ko siyang sinalubong sa loob ng coffee shop na pinagtatrabahuan niya.

"Alam ko na ang problema mo," panghuhula niya. 

Kilalang kilala niya na 'ko. Madalas kasi ay sa kaniya ako lumalapit kapag hindi ko na talaga magawan ng paraan ang problema ko.

Nakanguso akong tumango. "Hindi ako makapag-OJT kasi hindi pa kumpleto ang bayad ko sa tuition fee. Need daw na ma-complete muna."

Naupo siya sa katabing upuan at ganoon din ang ginawa ko. Magkatapat kami sa pagitan ng lamesa. 

"Kakaunti pa lang kasi ang ipon ko rito sa shop." Bakas ang lungkot sa kaniyang mukha. "Wala ring bakanteng trabaho." Huminga siya nang malalim. Trabahador lang din siya rito sa shop. "Ganito na lang, mangungutang ako sa bangko."

Nasapo ko ang aking noo. "Wala akong maihuhulog linggo-Linggo riyan."

Mabigat ang pinakawalan niyang hininga at muling nag-isip ng paraan habang nakahalumbaba at lampas ang mga tingin sa glass wall. Halatang problemado rin sa t'wing may problema ako, 'yon nga lang ay parehas kaming kapos sa pera.

"Ah! Ganito na lang," aniya na parang may naisip nang paraan kaya mabilis na nalipat ang tingin ko sa kaniya. "Lalapit ako ro'n sa kakilala ko. Ang alam ko ay marami siyang alam na mapapasukang trabaho."

Agad na kumislap ang ngiti sa aking mga mata ng dahil sa narinig. "Talaga?!" tila binuhay nito ang buo kong sistema. Natanggal kasi ako ro'n sa mga nauna kong trabaho, madalas daw ay nahuhuli nila akong tulala. Patanga-tanga rin daw ako sa trabaho. Ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko.

Sino ba naman kasing hindi matutulala sa dami ng iniisip mong gastusin, tapos hindi pa sapat ang kinikita mo para mabayaran ang mga 'yon!  Kaya ganito ako ka-desperado na makahanap ng ibang trabaho. Kahit ano pa 'yan ay papasukin ko na.

Nakangiti siyang tumango at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Oo para makapag-OJT ka na!" May kaunting panggigigil sa tuwa ang kaniyang tono.

Mabilis akong tumayo saka lumapit sa kaniya—mahigpit ko siyang niyakap. "Thank you Annie!" nanggigigil sa tuwa kong sabi. "I love you too na talaga!"

Tumawa siya sa huli kong sinabi. "Anong I love you too 'yan! Hindi kaya kita love," pang-aasar niya.

"Alam ko namang mahal mo 'ko Annie. Nahihiya ka lang sabihin!" pang-aasar ko habang natatawa ng malakas.

Nakangiti niyang kinalas ang mga yakap ko. "Ang kapal mo!" natatawa niyang sabi.

Si Annie. Siya 'yong bestfriend ko na hindi malambing pero mararamdaman mo ang pagmamahal niya sa kaibigan sa pamamagitan nang mga kilos niya.

ABALA ako sa pangs-sales talk online nang biglang tumunog ang cellphone ko. Hudyat na mayroong tumatawag. Narito ako ngayon sa inuupahan kong bahay.

Sumali ako sa isang networking para dagdag kita rin sa pang-araw-araw kong gastusin. Kaya madalas ako mag-post at mag-alok ng mga produktong pabango at sabon online. 

Nagr-recruit din ako minsan ng mga tao kung sakaling mayro'ng gustong sumali sa networking na kinabibilangan ko. Bonus kita rin.

Maliit lamang itong nirerentahan kong bahay. Para lang 'tong isang square na kwarto—tapos narito na ang lahat—maging kitchen, bedroom, bathroom at living room. Dalawa ang kwarto nito—parehas na maliit lang kaya sa kabilang kwarto ko nilagay ang aking ibang mga damit at gamit sa pag-aaral, para hindi siksikan dito sa kabila.

"Annie. . ." sagot ko sa tawag.

"Faith, may alam na 'yong kakilala ko na mapapasukang trabaho," masaya niyang balita. "Malaki ang sahod!" Napaawang ang bibig ko. Ang bilis naman! "Saktong sakto nga raw ang paglapit ko dahil naghahanap din siya ng tao para sa kaibigan niya."

Kissing Tutorial (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon