Chapter 15

14.9K 364 121
                                    

"H-HOY! Bakit ngayon ka lang?" tanong ko kay Ano—Hi.

Ala una na ng madaling araw umuwi. Uwi pa ba 'to ng matinong lalaki?

"Why do you sound like my future wife scolding me?" napapangisi niyang sabi. Mukhang lasing ang lalaking 'to dahil sa alak na naaamoy ko.

"Umayos ka nga! Naistorbo kaya ako sa pagtulog!" pagsisinungaling ko kahit na ang totoo ay hindi rin ako makatulog dahil sa kaiisip ng inoffer ni Abakada sa 'kin kanina. At saka masama bang mag-alala sa kaniya?

Umupo siya sa sofa at natitiyak ko na hilong-hilo siya kaya naman kumuha na 'ko ng tubig upang ipainom sa kaniya para mahimasmasan man lamang siya kahit papaano.

"May problema ba?" tanong ko. Mukha kasing malungkot ang kaniyang mga mata.

"My dad has already cut off my bank account."

Huminga ako nang malalim. "Tapos nagawa mo pang maglaspag ng pera sa alak?"

Tumawa siya sa sinabi ko. "You really look like my future wife. Will you marry me now?"

Umawang ang labi ko. Kung hindi lang 'to lasing baka napektusan ko na 'to sa ulo.

"Marry mo mukha mo!"

"You're really an interesting woman, huh?" ngumisi niyang sabi. Matapos ay muli niyang hinagip ang aking palapulsuhan saka hinila papunta sa kaniya. 

Nanlaki ang aking mga mata nang sa pangalawang pagkakataon ay napaupo ako sa kaniyang hita. "You sure that you're not attracted to my body?" pang-aakit niya. "Hindi ka ba nasarapan sa labi ko? You can have a free taste tonight. Free to explore my mouth and my body."

Bigla akong napalunok at mabilis na umalis sa hita niya. "H-Hoy!" tanging nasabi ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pinagsasasabi niya. "Kahit free taste ka pa. Hinding hindi kita titikman 'no!"

"At saka ayoko ng tambay sa kanto 'no," saad ko nang maalala ang sinabi niya sa 'kin no'ng nakaraan. "May standards din ako. Hindi porket gwapo ay papatulan ko na!"

Ngumiti siya sa huli kong sinabi. "So gwapo pala ko sa paningin mo?" nanunukso ang kaniyang boses.

Natigilan ako sa naging tanong niya at napatitig sa mukha niya. Gwapo naman talaga siya. Kahit sino ay mapapa-oo niya—maliban sa 'kin!

"You don't need to respond. Halata sa mukha mo ang sagot," nangingiti niyang sabi.

"Bakit hindi ka na lang kasi mag-aral? Magsikap ka at patunayan mo sa kanila na kaya mong maging matagumpay kahit hindi engineering o architecture ang profession mo," pag-iiba ko sa usap.

Tumawa siya sa sinabi ko na para bang isang katatawanan lang ang pinayo ko. 

"I'm rich! Bakit kakailanganin ko pang mag-aral? Aksaya lang ng panahon 'yan."

Huminga ako nang malalim. "Masasabi mo bang mayaman ang walang trabaho? Tapos inalisan na ng bank account? Saan ka kukuha ng gastusin ngayon? Kakailanganin mo pa rin ang magsakripisyo sa pagtatrabaho ngayong wala na 'yang sinasabing mong yaman."

"Nakaasa ka pa rin sa magulang mo. Kahit sabihin mong mayaman ka, magulang mo pa rin ang gumagastos ng pangangailangan mo. Sa kanila pa rin nanggagaling ang perang ginagastos mo," pagpapatuloy ko.

Natahimik siya sa sinabi ko. Totoo naman kasi at ayokong kunsintihan siya, gusto kong matuto siyang mangarap para sa sarili niya.

Bahagya siyang tumawa ngunit pilit na lang. "You're right." Tumango-tango siya. "I will tell you a secret. But promise me, you won't tell anyone."

Kissing Tutorial (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon