Chapter 19

13.5K 386 162
                                    

cosmmiic_ 


KANINA pang kinikilig ang dalawa kong kaklase na hindi na humiwalay sa akin. Paulit-ulit na rin nilang tinatanong kung boyfriend ko ba raw si Sir A kaya paulit-ulit din ang ginagawa kong pagtanggi.

Hindi na rin sila lumayo sa akin hanggang sa makarating ng classroom at mas excited pa silang buksan ang bagong 13 inch MacBook Pro na bigay ni Abakada—no—pagtatrabahuan ko pala ito kaya ayokong i-consider as gift ang bagay na 'to.

Halos lahat ng mga kaklase ko ay naki-usyoso sa bagong laptop na hawak ko. At nang magbukas ang laptop ay mabilis na nagtilian ang mga kaklase kong babae, maging ang iba kong kaklaseng lalaki na joker o funny sa classroom namin nang makita nila ang wallpaper nito.

Si Abakada—inaayos niya ang kaniyang necktie habang nakatingin sa pagilid na direksyon.

Nagawa niya pa talagang palitan agad ang wallpaper nito, huh?

"WAHH!! May nanalo na!" tili nang ilan kong mga kaklaseng babae.

"You're lying Faith," napapatangong sabi ni Lily. "It's too obvious that you two are in a relationship."

Napailing kaagad ako. "Wala talaga! Promise!" Itinaas ko ang aking kanang kamay na parang nanunumpang nagsasabi ako ng totoo. "Wala kaming relasyon."

"Hindi rin s'ya nanliligaw?" tanong ni Lily. 

Hindi siya masiyadong tuwid magtagalog dahil laking ibang bansa si Lily. English na ang kinagawian niyang lenggwahe kaya naman minsan ay napapagkamalan siyang maarte dahil sa accent niya na parang conyo 'pag nagtatagalog. Pero mabait naman talaga si Lily hindi lang talaga kami gaanong close kahit na matagal na kaming magkaklase.

Inilingan ko agad si Lily. "Hindi."

"Then why did he give you that?"

Marahan akong umiling. "Hindi ko rin alam."

"He like you," usal niya.

Muli na naman akong napailing ng mabilis. "Never siyang magkakagusto sa 'kin at saka—" May asawa siya.

"At saka what?"

"M-May asawa na siya. . . " mahinang usal ko.

"What?!" nagugulat na tugon ni Lily.

"Hala, totoo?" reaksyon agad ni Erica.

"Ang alam ko ay single pa si Engr. Balitaan," sabi nang ilan kong mga kaklase.

"Oo nga!"

"No'ng nag-speech siya, may nagtanong if single siya 'di ba?" pag-alala ni Erica.

"Yah! And he said, 'his single,' " saad ni Lily.

"But he's secretly married," maiksing sagot ko habang nire-refresh na ang laptop.

Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Lily sa aking balikat. "Do you like him?" naninimbang niyang tanong. 

Bigla akong natahimik at tumigil sa ginagawa. Gusto ko nga ba siya? Bakit nasaktan ako no'ng nalaman kong may asawa na siya?

"You like him," pagbibigay konklusyon ni Lily.

Napatikhim naman ako saka pekeng tumawa. "B-Bakit napunta rito ang usapan?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus ay hinagod niya ang aking likod. "He likes you too."

Umiling kaagad ako at bahagyang ngumiti. "Hindi niya 'ko magu—" 

"Do you know who his wife is?" tanong niya agad at hindi na 'ko pinatapos pa sa aking sasabihin. 

Kissing Tutorial (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon