"BUMALIK na raw si Sir A," sunod-sunod ang mga bulungan na narinig ko habang papasok ng firm.
Nagpalinga-linga ang mga tingin ko—umaasa rin na makikita siya ngunit hindi—hindi ko siya nakita. Nakaramdam ako ng pagkadismaya nang pagpasok ko sa aming opisina ay walang nakaupo sa swivel chair ni Abakada.
Bakit ko ba kasi siya hinihintay na bumalik? Hindi ko rin naman gusto ang Kissing Tutorial na trabaho ko ah?
Masiyadong napa-aga ang pasok ko kaya naman nagtimpla na muna ako ng kape. Mayroon kasi sila rito sa firm na isang room kung saan pwedeng magtimpla ng kape lahat ng empleyado at sinabihan na nila ako noon na pwede ko ring gamitin 'yon anytime.
"Ate!"
Bahagya akong nagulat nang marinig ko ang biglaang tawag ni Def. Mabuti na lamang ay hindi natapon ang laman ng tasa na hawak ko.
"Def!"
"Good morning," nakangiting bati niya saka isinarado ang pinto.
"Good morning," bati ko rin at sandaling ibinaba ang hawak kong tasa. Kumuha ako ng ibang tasa at nagkusa na akong ipagtimpla siya ng kape kahit hindi niya sinasabi.
"Kanina ka pa rito?" tanong niya.
"Kani-kanina lang," sagot ko.
"Naka-uwi na si kuya ah, nagkita na kayo?" tanong niya.
Parang biglang nanginig ang mga kamay ko habang hawak ang kutsara na ipinanghahalo ko sa kape. Nakaramdam ako ng bahagyang kaba sa dibdib.
Umiling ako. "H-Hindi pa," nautal kong sagot. "O, magkape ka muna," sambit ko bago ko kinuha ang sarili kong kape saka muling sumimsim.
Kinuha niya naman ang tinimpla kong kape at humigop na rin. "Kumusta pala ang kuya mo?" pag-uusisa ko. "Makakapasok ba siya ngayon dito?" kaswal kong tanong sa kaniya.
"Ayos naman siya, mukhang hindi naman siya nasaktan, hindi ko lang alam kung makakapasok siya ngayon," sagot niya. "What if puntahan mo siya mamaya? Tiyak matutuwa 'yon," ngumiti niyang sabi.
Hindi ko na nagawang sagutin si Def nang biglang magbukas muli ang pinto kaya parehas na nalipat roon ang tingin namin.
"Nandito pala kayo," napangiting sambit ni Engr. Cuevas. Mukhang magtitimpla rin ng kape. Malamang 'yon naman ang purpose ng silid na 'to e. Para sa mga gustong magkape at magmeryenda.
Katulad ng ginawa ko kay Def ay nagkusa na rin akong ipagtimpla siya ng kape at nang matapos kaming tatlo sa pagkakape ay sabay-sabay na kaming bumalik sa opisina.
Sa pwesto pa rin ni Balitaan palaging umuupo si Def. Paano kung bumalik na si Abakada?
Ngunit saglit akong natigilan at itinungo ang ulo nang may pumasok sa isip ko.
Baka rito sadya ang table ni Def? Tukoy ko sa pwesto ko. Pero bakit no'ng una ko siyang nakita, hindi na siya nag-abalang tingnan 'tong pwesto ko at nagdire-diretso siya sa table ni Abakada?
NATAPOS ang buong maghapon ng hindi ko nakikita si Mr. Abakada. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot. Malapit ng matapos ang OJT ko, paano kung hindi pa rin siya pumasok?
Tuloy pa ba ang Kissing Tutorial? Hindi pa rin kasi siya nag-te-text sa akin.
"Nandito ka na pala," saad ni ano—'ni Hi, 'yong kasama ko sa bahay. Ano na lang ang itatawag ko sa kaniya. Nawiwirduhan kasi ako sa pangalan niya.
Nakasandal ang ulo ko sa arm nitong hinihigaan kong sofa. Nakapikit ako at narinig ko lang ang boses niya kaya natukoy ko agad kung sino ang nagsalita. At saka kami lang naman dalawa ang nakatira rito.
BINABASA MO ANG
Kissing Tutorial (COMPLETED)
RomanceFaith Cabutihan is a graduating student, but two years ago she was removed as a scholar because of her failing grades. So she needs to work hard and find a job to pay her tuition fee. But all of her income is not enough for her daily needs, and she...
