Chapter 3

17.1K 490 91
                                    

ANG BILIS mag-compute, ah? Gan'yan ba talaga siya ka-strict sa oras? May pa round it off pa. 

"Pasensya na po," napatungo ko na lamang na usal sa harap niya.

"Then say thank you," walang emosyon niyang sabino! utos pala.

Tumikhim ako. "T-Thank you."

"Did the dentist already check and clean your teeth?"

H-Ha?

Agad din akong nag-angat ng tingin sa kaniya.

"As far as I remember, I gave you an eighty thousand advance payment, so I'm expecting that you already have teeth cleaning with the dentist."

Ano ba 'tong pinagsasasabi niya?

Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Naguguluhan sa mga pinag sasasabi niya. Bakit kailangan kong magpalinis ng ngipin sa dentist?

"Hey!" pang-aagaw niya sa 'king atensyon nang hindi ako umimik.

Muli akong tumungo. "P-Pinangbayad ko po sa tuition ko 'yong pera na ini-advance payment niyo," kinakabahan kong sabi. Ramdam ko ang panlalamig ng aking mga palad.

Kaya naman kasi talaga k'o bumali ay para sa tuition ko, hindi para magpalinis ng ngipin.

Mabilis na nagsalubong ang mga kilay niya. "What?" may bahid ng pagkairita ang kaniyang boses.

"Hindi ko po alam na kailangan palang magpalinis ng ngipin bago magturo." Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi sa sinabi. Hindi ko magawang tingnan siya ng diretso.

"Of course! Do you have bad breath?"

ANO?!

Napalunok ako. "Wala po," sagot ko. Pinilit kong itago ang pagka-inis ko sa naging tanong niya. Kailangan ba talagang itanong 'yon? "Malinis po ako sa sarili ko." 

Parang gusto ko tuloy amuyin ang hininga ko.

Palagi kaya akong nagto-toothbrush kaya alam kong wala siyang mairereklamo sa 'kin. Sandali ko siyang sinilip ngunit agad ko ring iniba ang direksyon ng aking mga mata nang  pasadahan niya 'ko ng tingin mula ulo hanggang paa.

"What time does your class end tomorrow?"

Ano nga bang oras ang tapos ng klase ko bukas? Sandali kong inalala ang magiging schedule ko at saka ko napagtanto na half day lang pala kami bukas.

"Half day lang po kami bukas, sir," sagot ko.

"Alright. Bumalik ka rito bago mag-one pm."

"P-Po?"

"Bukas mo simulan ang trabaho mo. Don't be late," aniya at nakapamulsang tinalikuran na agad ako.

Huh?

Ano bang connect ng ngipin sa pagtuturo? Wala rin namang mag-iiba kung bukas ako babalik dahil ganito pa rin ang ngipin ko. Wala naman akong pera pampalinis ng ngipin sa dentist.

Napahinga ako ng malalim bago tumalikod at lumabas ng kaniyang condo. Matapos ay napatigil ako saglit nang masarado ko ang pintuan at lihim na inamoy ang aking hininga.

HIndi naman ako bad breath!

Bahala na nga! Ang mahalaga bayad na 'ko sa tuition ko. At saka ang bango bango ko kaya!

WALA naman akong gagawin ngayong gabi kasi nagawa ko na lahat ng assignment ko kanina sa school kaya i-tinext ko na lang si Annie at niyaya siyang magkape sa coffee shop na pinag tatrabahuan niya.

Kissing Tutorial (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon