Chapter 40

11.3K 233 18
                                        

Pinakalma ko muna ang aking sarili bago 'ko muling nagbalik sa aking condo. 

Nakakapanibago ang katahimikan sa loob, kaya't nagdiretso ako sa kwarto ni Faith ngunit agad na nangunot ang aking noo nang hindi ko siya nakita. 

'Sir, pinagluto ko na po kayo ng hapunan. Maaga po kasi akong matutulog ngayon, e baka hanapin niyo po ako,' she texted.

She's lying.

"Where did you go?" I whispered out of the blue.

Binalot ako ng pag-aalala kaya't agad kong inilabas ang aking susi at bumalik sa sasakyan. Sinubukan ko siyang hanapin at puntahan sa inuupahan niyang bahay ngunit sarado, madilim at walang tao roon.

Pinuntahan ko na rin si Kenshin sa bahay niya ngunit hindi niya alam kung nasaan ito.

Damn! Where are you?!

Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya sinasagot ang tawag.

Damn! Dammit!

"Fuck!" halos mapatalon sa pagkakaupo si Kenshin. "She blocked me again!"

"W-What? Why?"

"Nagtatanong lang naman ako pero binlock ako ng kaibigan niya sa messenger!" pagmamaktol niya.

"Give me her address," bigla kong sabi sa kaniya.

Nagtataka niya akong tiningnan. "Nino?"

"Your girlfriend, Annie."

"Fuck!" Napatayo siya. "She's not my girlfriend, A! Damn!"

"I don't care!, Just give me her address!"

"Sasama 'ko! Humanda siya sa 'kin dahil binlocked niya na naman ako!"

Sinamahan nga ako ni Kenshin sa bahay ng sinasabi niyang kaibigan ni Faith. Si Annie. Nakahinga ako ng maluwag nang naroon ito at agad niyang sinabi sa 'kin kung saan madalas nagtatrabaho ang kaniyang kaibigan.

Nagtatalo pa ang dalawa kaya't hindi ko na hinintay si Kenshin. Nagmadali akong sumakay ng sasakyan.

"A, hintayin mo 'ko!" biglang habol ni Kenshin pero pinaandar ko na ang sasakyan at naiwan silang magkasama. "Fuck you!" narinig kong sigaw niya sa 'kin. Napapangiti akong umiling.

Nang makarating sa sinasabing restaurant. Hinanap ko agad ang manager saka kinausap ito. I'm willing to pay her double, ilabas niya lang si Otso.

"Kung ayaw mo na sa 'kin. . .sabihin mo lang a-at l-alayuan na kita," at bigla ko na lamang siyang nayakap ng mahigpit. I'm sorry, I'm sorry!

Ayoko ng mawala ka sa 'kin, kung alam mo lang. Natakot lang ako na baka bigla mo na lang akong iwan at layuan. "I'm sorry. . ."

'Then I will take her away from you.'

Napapikit ako ng mas mariin nang muli na namang sumagi sa isip ko ang mga salitang iyon.

'Promise me, please. . .'

'P-Promise. . .'

Huminga ako ng malalim. 'I'm sorry, G.'

"Kakatapos lang naming mag-usap ni Faith," Kenshin said.

Agad akong napabalikwas sa pagkakaupo. Nandito siya sa aking condo.

"D-Did she remember something daw ba?" kinabahan kong tanong sa kaniya. Ngunit agad din akong napahinga nang malalim nang umiling siya.

"She asked me, kung may iba pa daw ba tayong hinahanap na Faith," napatingin ako sa kaniya, "I said yes at possibleng hindi rin siya ang hinahanap natin."

Kissing Tutorial (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon