Chapter 37

9.7K 215 2
                                    

Chapter 37 up to epilogue will be ABC POV

"A!" Kenshin whispered in shock when I answered his phone call. "Answered prayer!"

My brows furrowed. "What do you mean?" I asked.

"Matutuwa ka sa ibabalita ko!" masaya pero pabulong niyang sabi.

Napahinga ako ng malalim. "You know, Kenshin? Spill it," naiinip kong saad. "I'm busy at my office. You know that I don't waste my time."

"Okay-okay! You know the Faith I mentioned last night?" pabitin niyang sabi.

Napaayos ako ng upo at bahagyang kinabahan. "What?"

"Siyang siya 'yong hinahanap natin!"

I got even more nervous.

Then I stood up from my seat and looked around. I'm alone in my office here in the military.

Naghintay pa 'ko ng mga sasabihin niya.

"She's inside my office right now," bulong na naman niya. "Hawak ko ang resume niya ngayon, 'yong hinahanap nating babae sa list na hindi natin makita-kita, siya ang nag-a-apply ngayon! Faith Cabutihan," maririin niyang sabi. "Siyang siya 'yong nasa picture ng background investigation natin! Tugmang tugma lahat ng nasa information!"

I gulped. "Tingnan mo nga naman, kusa naman palang lalapit sa 'tin. . ." pagbibiro niya.

"But we still have a lot of Faith that we can't find, right?" pag-iiba ko.

"Yes. Pero iba ang kutob ko sa isang 'to. I don't know why but. . . basta! Iba."

Iba rin ang kutob ko sa kaniya. But I don't want to assume that. . . she's the one I've been seeking for so long.

I remained silent. "What will we do?" he asked.

"Does she know already what kind of tutorial she's been applying for?" I asked him.

"Parang hindi pa. Tutorial lang ang sinabi ko. But there's a hint in the questionnaire about kissing. I don't know if she guessed it already. Hindi ko sinabi exactly what kind of tutorial kasi baka tanggihan, e 'di matatakasan tayo? Bakit naman kasi sa dami-daming uri ng trabaho kissing tutorial pa 'yang naisipan mo?"

Marahan akong huminga ng malalim. "Don't let her get away from us. We need to investigate her. . ."

Muli akong bumalik at naupo sa aking upuan. "Ang ipabasa mo ay ang pekeng kontrata and make sure that she will sign the real contract," I ordered him and leaned back in my swivel chair.

"Now, hired her."

MAGHAPON akong hindi napakali kakaisip sa mga napag-usapan namin ni Kenshin. Kaya naman nang matapos sa ginagawa ay dumaan ako sa kaniyang office upang kumustahin ang mga nangyari.

"What happened?" I asked him and sat in the chair in front of his table.

"She signed it already," he smiled. 

Ibinigay niya sa akin ang mga papel na pinirmahan ni Faith kanina. Nangunot naman ang aking noo nang mapansin kong masiyadong marami yata ang mga papel.

Marami naman talaga ang nakalagay sa kontrata, I'm just wondering why there were more papers.

I raised an eyebrow, then looked at him. 

He sighed deeply—mukhang alam niya na ang ibig kong sabihin. "Hindi niya binasa ang kontrata, basta niya lang pinirmahan kaya pasimple kong isinipit ang mga dapat niyang pirmahan kasama ng pekeng kontrata. Aayusin ko na sana 'yan kaso bigla kang dumating," he explained.

Kissing Tutorial (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon