Chapter 11

14.9K 412 69
                                    

Reminder: Ito ay kathang isip lamang.

PANIBAGONG apat na Linggo ang nagdaan ngunit hindi ko pa rin nakikitang bumalik si Balitaan.

'Akala ko ba isang Linggo lang siyang mawawala?' Nag buntonghininga na lamang ako. 

'Matagal akong mawawala.' 

Sa bagay, wala naman siyang sinabi na isang Linggo lamang siya mawawala.

T-Teka! Ba't ko nga ba siya hinahanap?

"Ate!" panggugulat ni Def.

Sanay na rin ako sa pagtawag tawag niya sa akin ng ate.

"Iniisip mo ba si kuya?" may panunukso ang kaniyang tono. "Kanina ka pang tulala sa table niya."

"H-Hindi ah!" tanggi ko agad at inirapan siya. Muli akong bumalik sa aking ginagawa.

"What if nabaril pala si kuya?" biglaan niyang tanong kaya mabilis akong napatunghay sa kaniya.

"Def, 'wag ka ngang magsalita ng ganiyan!" Bahagya ko siyang hinampas sa braso.

"Napanood mo na ba ang balita?" tanong niya.

Anong balita?

Umiling ako. "Hindi ako nanonood ng balita e."

"Napa—"

"Sir Def, may naghahanap po sa inyo." Naputol ang sasabihin ni Def nang may tumawag sa kaniya mula sa labas ng pinto.

Mabilis naman siyang nilingon ni Def. "The who?" tanong niya. Agad na nagtawanan ang mga kasamahan namin dahil sa narinig nilang sinagot ni Def. Pero hindi ko na nagawang matawa papara kong nilalamon ng kaba.

Bumibilis ang tibok sa dibdib ko at binabalot ako ng pag-aalala.

Hindi ko na pinansin ang pagbibiruan nila at panggagaya sa sinabing, 'the who' ni Def.

Palihim kong binuksan ang google sa computer kong gamit saka nag-search ng mga latest na balita tungkol sa mga armed forces na nasa Mindanao, saka ko marahan na isinuot ang headphone.

"Matitinding sugat sa ulo at katawan ang natamo ng limang sundalong nasawi sa engkwentro, sa pagitan ng Philippine Armed forces at mga NPA," ani ng reporter habang pinapakita ang mga blurred na mukha ng mga nakahilatang sundalo. 

Bakit kasi kailangan pang mag sundalo ni Balitaan? E malaki na naman yata ang sweldo nitong Civil Engineering, lalo na kung maraming projects na hahawakan.

Napapikit ako kasabay ng mabigat na paghinga ko ng malalim. Ang sama-sama ko! Bakit ko ba tinatanong pa ang mga bagay na 'to? Malamang para ipagtanggol ang bansa.

Kung wala sila, sino na lang ang magtatanggol sa atin? Napaka-maka-sarili ko yata sa part na 'to.

"Nag-aalala ka ba kay Sir A?"

Bigla akong napabalikwas sa aking inuupuan nang marinig ko ang malambing na boses ni Engr. Cuevas. Mukhang kanina pa siyang nakatingin sa akin habang pinapanood akong manood ng iba't ibang latest na balita tungkol sa kaguluhan doon sa Mindanao.

"M-Medyo," nautal kong sagot. "I-se-send ko na po sa gmail ni Engr. Agdan 'yong mga na-drawing ko po sa autocad. Tatapusin ko na rin po 'tong kino-compile kong mga documents," pag-iiba ko sa usapan saka mabilis na inekis ang youtube tab na nakabukas sa google.

"No pressure," nakangiti niyang sabi—na parang pinapagaan ang kalooban ko.

NANG makauwi sa bahay ay agad akong napahiga sa aking higaan. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Hindi lang pagod kundi para kong lutang na naman.

Kissing Tutorial (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon