Chapter 24

12.8K 352 63
                                    

Warning: Kissing Scene.


MARAHANG inilapat ni Abakada ang kaniyang mga labi sa akin at kusa akong napapikit sa masarap na dala noon.

Naipulupot ko agad ang aking mga braso sa kaniyang leeg at mas inilapit siya sa akin. Ang mga galaw ng kaniyang mga labi ay nagsasabing. . .I am not going to fail your kissing exams.

Halos lahat yata ng napag-aralan namin simula nang umpisa ay isa-isa niyang ginagawa at para 'kong tuluyan ng mawawala sa sarili dulot niyon—parang ayaw ko na lamang matapos ang oras na 'to—ayaw ko siyang huminto sa ginagawa.

Unti-unting bumaba ang kaniyang mga halik patungo sa aking leeg at sa 'di inaasahan ay bigla akong napa-daing sa tapat ng mikropono dala nang kiliting dulot ng kaniyang mga labi. 

Mariin kong nakagat ang aking ibabang labi at agad na napadilat nang marinig ang sarili kong boses—mukhang sinakop ng daing na iyon ang buong condo.

Hindi ko na kasi namalayan na naka-ikot na pala ang swivel chair at nasa tapat ko na ang mikropono.

Bigla ring tumigil sa ginagawa si Abakada nang marinig iyon. Naramdaman ko pa ang malalim n'yang paghinga na tumatama sa aking balat bago inilayo ang mukha sa akin.

Nagtaas at baba ang kaniyang lalagukan. "Sorry, I have something important to do," nanlamig niyang sabi bago tumayo sa upuan kaya agad rin akong napatayo.

Napalunok ako nang sundan ko siya ng tingin habang lumalabas ng music room—hindi man lamang ako nilingon.

Nakaramdam ako ng bahagyang kirot sa aking dibdib. M-May n-nagawa ba 'kong mali? P-Panget ba ang boses ko?

Bakit kasi hindi mo pinigilan Faith 'yang bunganga mo! Masiyado kang nagpadala sa sarap!

Bakit bigla siyang naging cold? Ayaw niya bang malaman kung anong i-ge-grade ko sa kaniya?

Pinatay ko na lamang ang piano at pinagtatanggal lahat ng saksak bago lumabas ng music room. Pinatay ko muna rin ang ilaw saka isinara ang pinto.

Mabilis na nalipat ang tingin ko sa nakasaradong pinto ng kaniyang kwarto. Sinubukan kong lumapit doon at kinapa ang door knob ngunit naka-lock na ito.

Napahinga ako nang malalim saka lumabas at pumasok na ng aking kwarto.

Nawalan na ako ng ganang kumain. Bahala na rin siya kung kakain ba siya o hindi.

TINANGHALI ako ng gising kinabukasan at si manang na lamang ang nadatnan ko sa condo na naglilinis. Kanina pa raw umalis si Abakada.

Napansin ko rin na nabawasan ang mga pagkaing hinanda ko kagabi at lihim akong napangiti sa isiping tinikman iyon ni Abakada.

Hindi ko na rin nahintay pa si manang na makaalis ng condo—nauna na akong umalis dahil baka ma-late na ako sa klase.

"Hey!"

Natigil ako sa pagtakbo rito sa corridor ng mga engineering nang may marinig akong matinis na boses—ang tumatawag sa akin.

Mabilis ko 'yong nilingon at nakita ko si Em-Em na hinahabol ako.

"B-Bakit, Em? Maaga ang klase ko ngayon," pangunguna ko.

Hinihingal siyang lumapit sa akin. "A-Ahmm, do you have money na? Alam kong Friday pa ang usapan but I really need it na kasi."

Napahinga ako ng malalim saka dinukot ang aking wallet para bawasan ang natitira kong budget. Sandali pa akong napatitig sa aking natitirang pera—five hundred sixty-five na lang pala ito. 

Kissing Tutorial (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon