NANG makapaglinis at matapos kami sa ginagawa ay muli siyang naupo sa kaniyang swivel chair—agad namang sinakop ng kaniyang kanang braso ang aking buong baywang at hinila ako paupo sa kaniyang hita.
Hubad pa rin ang itaas niyang katawan samantalang ako ay wala pa ring kadamit-damit.
"Can you sing me a song?" marahan kong paghingi ng pabor.
Bahagya naman siyang ngumiti at mabilis akong hinalikan sa noo bago inilapit ang inuupuan sa piano.
Nakaupo pa rin ako sa hita niya habang nag-uumpisa siyang tumipa sa piano—muli niyang tinugtog ang Dandelions by Ruth B.
Hindi ko inalis ang aking mga titig sa kaniyang mukha. Kahit buong gabi ko yata siya titigan ay hinding hindi ako magsasawa.
May pagkakataon na tumitingin siya sa akin habang umaawit at may pagkakataon naman na pumipikit siya.
Nang matapos siya sa pagtugtog ay muli siyang tumingin sa akin. Niyakap ko naman ang kaniyang leeg at mapungay siyang tinitigan.
Napalunok ako. "I like you," mahinang usal ko.
Sa wakas ay nasabi ko rin ang matagal ko ng itinatago. Napako ang kaniyang mga paningin sa akin at hindi agad naka-imik. Parang tinatantya niya ako.
Napatikhim ako sa pananahimik niya at bahagyang nakaramdam ng kirot sa dibdib. Okay lang ginusto ko naman ang nangyari sa 'min e.
"H-Hindi mo ka—"
"I love you," agad niyang putol sa sasabihin ko. Halos mamaos ang kaniyang boses nang sabihin iyon.
Tila bigla kong nahigit ang aking hininga dahil sa narinig at natutula na lamang sa kaniya. Mayamaya lang ay naramdaman ko na ang muling paglapat ng kaniyang labi sa aking noo.
"Get dressed already," bulong niya sa aking noo. Pagkatapos ay maingat niyang hinawakan ang aking balikat at tuhod bago tumayo ng buhat-buhat ako—na parang bride saka lumabas ng music room—dumiretso siya patungo sa aking kwarto.
Pinihit ko naman ang door knob ng aking kwarto bago niya 'ko ipinasok sa loob at iniupo sa kama. "Stay here," utos niya.
Napatango na lamang ako kahit hindi ko alam kung anong gagawin niya. Lumapit siya sa aking damitan at mukhang kukuha ng susuotin ko.
Akma naman akong tatayo. "Ako na—"
"No," matigas niyang putol. "Stay there."
Tumango na lamang ako at nanatiling nakaupo. Inabot ko ang aking kumot at bahagyang ibinalot sa aking hubad na katawan.
Nang makakuha siya ng damit ay muli siyang lumapit sa akin at lumuhod sa harap ko.
Ipinatong niya ang damit kong susuotin sa higaan at kinuha ang aking panty. "A-Anong gagawin mo?"
"Ako ang naghubad sayo kaya ako rin ang dapat na magbihis sayo," seryoso niyang sabi.
Napalunok ako—pakiramdam ko ay nag-iinit ang aking pisngi sa kahihiyan. "H-Hindi naman kailang—"
"Hush!" putol niya sa sasabihin ko.
Matapos ay ipinasok niya na ang aking panty sa mga paa ko at marahang itinaas ito. Tumayo na lamang ako para hindi na siya mahirapan.
Ang sunod niya namang kinuha ay ang aking pajama saka muling isinuot sa akin—para tuloy akong bata na binibihisan.
Nangunot ang noo ko nang mapansin na wala siyang kinuha na bra at akmang susuotan na agad ako ng t-shirt.
"'Y-Yong b-bra ko!" halos mahiya ko pang sabi.
"Better not to wear that thing. So you can breathe well while sleeping," saad niya at sinuotan na ako ng damit. Wala na rin naman akong nagawa dahil alam kong hindi ako mananalo sa kaniya.

BINABASA MO ANG
Kissing Tutorial (COMPLETED)
RomanceFaith Cabutihan is a graduating student, but two years ago she was removed as a scholar because of her failing grades. So she needs to work hard and find a job to pay her tuition fee. But all of her income is not enough for her daily needs, and she...