"It's his birthday. . ."
MABILIS akong napatigil sa paglalakad at agad na napalunok. Nanatili pa rin akong nakatalikod mula sa kaniya—kay Abakada.
"It's Hi's birthday," paglilinaw niya. "I knew that I had already ruined his birthday, so I walked out. He actually doesn't celebrate birthdays, but I know that he'll be happy with you, so I'm expecting that you two have already talked."
Sandali pa siyang tumigil sa pagsasalita—ramdam na ramdam ko na ang pinahalong lungkot at sakit sa kaniyang boses.
"I was being selfish earlier. I wish I hadn't said anything, but it's done. I know he really loves you this time," halos mapiyok niyang sabi.
Rinig na rinig ko ang pagkalabog ng aking dibdib. Kinakabahan sa mga susunod niya pang sasabihin. Mariin kong nakagat ang aking ibabang labi at may bahagyang tubig na pumatak sa aking pisngi.
Unang una ay nako-konsensya ako sa nagawa ko kay Hi kanina. Pangalawa, nasasaktan ako kasi pakiramdam ko ay pinapamigay niya 'ko.
Unti-unti kong hinarap si A. Ang bigat bigat ng aking dibdib. Namumungay na muli ang kaniyang mga mata at bakas sa kaniyang hitsura na nasasaktan siya.
Muli akong lumapit sa kaniya. Tandang tanda ko pa kung paano niya sa 'kin sinabi noon ang salitang, 'I love you.' Tila naririnig ko pa rin iyon hanggang ngayon—ngunit bakit puro kabaliktaran na ang pinaparamdam niya ngayon.
Kahit sobrang gulo niya—naghahanap pa rin ako ng kasiguraduhan mula sa kaniya.
"M-Mahal mo ba talaga 'ko?" nasasaktan kong tanong. Kahit papaano ay umasa ako noon na may nararamdaman din siya sa akin.
Nasulyapan ko ang pagbaba't taas ng kaniyang lalagukan. Hindi agad siya umimik. Parang milyon milyong karayom ang tumutusok sa aking dibdib.
Sobrang nanghahapdi ang aking mga mata at hindi ko na napigilan pa ang sunod sunod na pagpatak ng aking mga luha.
"Kasi ako? No'ng time na sinabi ko sayong gusto kita—totoo 'yon. Gusto kita. P-Pero bakit parang ang dali dali lang sayo na sabihing mahal mo 'ko? Mahal mo lang ba 'ko dahil nakuha mo na ang gusto mo?" nahihikbi kong sambit. "Sa totoo lang gulong gulo na 'ko sayo! Gusto ko ng kasiguraduhan pero puro kabaliktaran ang pinapakita mo."
Hindi ko inalis ang aking mga tingin sa kaniya. Patuloy lamang ang pag-agos ng aking mga luha.
"He needs you," usal niya.
"Bakit ako? Hindi mo kailangan?" balik kong tanong sa kaniya. "Ipaglaban mo naman ako," humihikbi kong sabi—para kong nagmamakaawa sa kaniya.
Sandali siyang natahimik. "Im sorry," usal niya na mukhang nagpipigil na umiyak saka pinisil ang kaniyang ilong.
Lalo akong napahikbi. Hindi salitang sorry ang inaasahan ko mula sa kaniya.
Kahit hindi ko alam kung para saan 'yong sorry na 'yon ay napatango na lamang ako.
Huminga ako nang malalim saka napasinghot dahil sa labis ko ng pagkasipon—kakaiyak. Kumikirot ang dibdib ko.
Lumunok ako ng laway. "Sige alis na 'ko," tinapangan kong sabi sa kaniya kahit na gusto kong pigilan niya 'ko.
Tinitigan ko pa siya saglit pero mukhang wala talaga siyang balak na pigilan ako kaya tinalikuran ko na siya at lumakad na ngunit laking gulat ko nang mayamaya lang ay bigla niyang hagipin ang aking braso at ibalik ako paharap sa kaniya.
Napalunok ako nang agad niya 'kong yakapin at isubsob sa malapad at mabango niyang dibdib. Naramdaman ko muli bigla ang pagkalabog sa aking dibdib.
"I-I'm sorry, Eight," nautal at mamaos niyang usal—sinisipon na rin. "I love you, but he needs you. Heaven knows how I really wanted to be with you, to hug you like this, but I've already caused a lot of pain to my brother. I don't want you to leave. . . like this. Gusto kitang ipagdamot. . . I want you to be mine only, but I know I'm being too selfish for that," aniya at mas humigpit pa ang kaniyang mga yakap.
![](https://img.wattpad.com/cover/311965576-288-k776708.jpg)
BINABASA MO ANG
Kissing Tutorial (COMPLETED)
RomanceFaith Cabutihan is a graduating student, but two years ago she was removed as a scholar because of her failing grades. So she needs to work hard and find a job to pay her tuition fee. But all of her income is not enough for her daily needs, and she...