Chapter 30

12.3K 347 46
                                    

SOBRANG bilis ng tibok sa aking dibdib nang magising ako mula sa napakalalim na panaginip. Kumikirot ang aking dibdib at may luhang pumapatak mula sa aking mga mata.

Bahagya akong naupo at sandali pang natulala kung saan. Ngayon lamang ulit ako dinalaw ng panaginip na iyon—it feels so real. Ngunit malabo na ulit sa aking isipan ang hitsura ng lalaki mula sa aking panaginip.

Tanda ko pa nang madulas ako no'ng kinder. Tanda ko pa rin na may bumuhat sa 'kin papuntang clinic—subalit hindi ko na rin talaga maalala ang mukha noong lalaking bumuhat sa 'kin.

Minsan niya na rin akong inasar o tinawag na Eight o Otso pero hanggang doon na lamang ang naaalala ko at tila panaginip na ang lahat.

Subukan ko mang alalahanin ang childhood ko ay sumasakit lamang ang aking ulo—hanggang sa nadatnan ko na lamang ang aking sarili na umiiyak sa hindi ko malamang dahilan. Napahikbi ako nang napahikbi—nalalasahan ko na rin ang maalat na lasa ng aking mga luha.

Basta kumikirot ang dibdib ko.

"Faith!" malakas na tawag ni aling Celi. Mabilis akong naalimpungatan sa aking narinig at agad na bumaba ng kama.

Mabilis kong pinunasan ng kamay ang aking mga luha. "Faith!" muli niyang tawag.

"Sandali lang po!" sigaw ko saka nagmamadaling itinali pataas ang aking buhok dahil mukha pa akong bruha.

Tiningnan ko ang wall clock na nakasabit sa may sala. Mag a-alas singko na pala ng hapon. Masiyadong napahaba ang aking tulog dahil umaga na ako natapos sa trabaho.

Isang Linggo na rin ang nakakalipas simula nang umalis ako sa condo ni Abakada ng hindi nagpapaalam sa kaniya—ngunit ang sakit pa lang mag-expect na hahanapin ka niya kahit hindi.

Hindi nga siguro ako ang Faith na hinahanap niya. Kailangan ko na ring tanggapin sa sarili ko na malabong magkaroon ng kami at isang kasinungalingan lang 'yong sinabi niyang mahal niya 'ko.

Dishwasher pa rin sa gabi ang trabaho ko ngunit hindi na sa kaparehas na restaurant. Alam kong hindi na 'ko tatanggapin doon dahil sa pinagsasabi ni Abakada.

Isang Linggo na ring wala rito si Hi—hindi ko pa kasi nasasabi sa kaniya na bumalik na 'ko—mukhang busy na siya sa trabaho dahil hindi na siya nakakauwi rito. At saka. . . 'di ba ibinalik na ng parents niya ang bank account niya?

Siguro ay umuuwi na rin siya sa bahay nila—pero nandito pa naman sa nirerentahan naming bahay ang ilan sa mga gamit niya.

Agad na akong lumapit sa pinto saka pinihit ang door knob upang labasin si aling Celi ngunit bigla akong natigilan kasabay ng sunod-sunod na paglunok nang hindi si aling Celi ang sumalubong sa akin—kundi si Abakada.

Biglang naghuramentado sa bilis ang puso ko.

Nanlaki ang aking mga mata. "A-Anong ginagawa mo rito?" halos mautal kong sabi.

Napaka-pungay ng kaniyang mga mata na para bang isang Linggo siyang walang tulog. 

Biglaan kong nahigit ang aking hininga no'ng agad niya 'kong yakapin ng mahigpit sa baywang at ipinahinga ang noo sa aking kaliwang balikat.

Pilit ko mang pakalmahin ang nagwawala kong dibdib ay lalo lamang itong kumakalabog sa lakas at bilis.

"I miss you. . ." halos mamaos niyang bulong.

Wari ko ay maghahabol ako ng hininga sa narinig. Mariin kong nakagat ang aking ibabang labi at hindi alam ang gagawin.

Parang kanina lang ay siya ang iniisip ko tapos nakayakap na sa 'kin ngayon.

Kissing Tutorial (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon