MABILIS akong dinaluhan ni manang sa sahig. "Anong nangyayari sa 'yo?" pag-aalala niya.
No'ng una—akala ko'y siya lang ang papasok ngunit bahagya akong nagulat nang makita ko rin si Em-Em na biglang pumasok sa loob. Nakasuot siya ng fitted na jumper saka flat shoes.
Mukhang kararating niya lamang—akala niya siguro ay nandito pa ang kaniyang kuya.
Bakas rin ang pag-aalala sa kaniyang mukha habang pinapanood ako.
Napapalunok kong ipinakita kay manang ang litrato ko no'ng highschool. Taka niya naman akong tiningnan. "Anong mayroon d'yan?"
Mayamaya lang ay naramdaman ko na rin ang paglapit ni Em-Em sa amin na para bang nakiki-usyoso.
"'D-Di ba po s-sabi niyo sa akin no'ng una na pamilyar a-ako sa inyo?" mautal-utal kong tanong. Aaminin ko na may bahagi sa akin na medyo umaasa na. . .ako 'yong Faith na hinahanap niya. P-Pero wala akong matandaan na nagkita na kami noon.
Napatitig si manang sa akin. "Oo," marahan niyang sabi. "Pero hindi ko na tanda kung saan kita nakita noon o baka nga kamukha mo lang."
"S-Sigurado po ba kayo, manang?" paninigurado ko. Nakikiusap ang hitsura ng aking mukha. "W-Wala po siyang nababanggit sa inyo noon na babaeng hinahanap niya?" umaasa kong tanong.
Sandaling napaisip si manang saka nag-iwas ng tingin.
"Ang alam ko—may dino-drawing at ipinipinta si kuya dati na mukha ng batang babae," si Em-Em na ang sumagot kaya agad na nag-angat ang aming tingin sa kaniya. "Pero walang nakaka-alam kung sino 'yon," dadag niya at bahagyang napanguso pa.
Mukhang ang bait niya yata ngayon.
"Tahimik lang kasi ang batang 'yan—si Sir A," saad naman ni manang at humarap na sa akin.
"Pero mukhang hinahanap nga ni kuya ang batang 'yon," muling singit ni Em-Em na magka-krus na ang mga braso.
Bigla namang pumasok sa ala-ala ko ang unang araw na nagkita kami ni Def.
'Matagal na 'tong ipinaint ni kuya. Ayaw na ayaw niya sa lahat ng may nakikialam ng painting na 'to. Pinaki-alaman ko 'to dati sa kwarto—'
Tama! S-Sa kwarto niya!
Dali-dali akong tumayo saka nagtatakbo patungo sa kwarto ni Abakada. Nagulat pa sina Em-Em at manang kaya mabilis nila akong hinabol para pigilan.
"H-Hija! Baka makagalitan ka ni Sir A kapag pumasok ka ng kwarto niya!" puno ng pag-aalalang saad ni manang na nakahawak na sa aking braso.
Maluwag naman ang pagkaka-hawak sa akin ni Em-Em—bakas din ang pag-aalala sa kaniyang mukha—bahagya nanlalaki ang kaniyang mga mata at mukhang napapalunok sa kaba.
"A-Ate," tawag niya. Napalunok ako—ngayon ko lang narinig na tinawag niya 'kong ate. "N-No'ng pumasok d'yan si kuya Def. . .isang taon siyang h-hindi pinansin ni kuya A," saad niya.
Tumingin ako kay manang nang siya naman ang magsalita. "Ayaw ni sir ng may pumapasok sa kwarto niya o may nakiki-alam ng mga gamit niya nang walang pahintulot," aniya at nakangusong tumango-tango si Em-Em.
Nabalot ng pagtataka ang aking hitsura. Ito ba 'yong sinasabi ni Def na kwarto ni Abakada?
"P-Pero bakit no'ng nahuli ako ni S-Sir A na pumasok sa kaniyang kwarto ay hindi naman siya nagalit." Cold lang—pero at least bago 'yon mangyari ay cold na siya sadya.
Nanlaki ang mga mata ni Em-Em. "N-Napasok mo na ang kwarto ni kuya?" nagugulat niyang tanong. Tumango ako. "T-Tapos hindi siya nagalit?"
Hindi ko sinagot ang huli niyang tanong. Nang maramdaman kong maluwag ang kapit nila sa akin ay biglaan akong kumalas at mabilis na lumapit sa pinto saka pinihit ang door knob ng kwarto ni Abakada.
BINABASA MO ANG
Kissing Tutorial (COMPLETED)
RomanceFaith Cabutihan is a graduating student, but two years ago she was removed as a scholar because of her failing grades. So she needs to work hard and find a job to pay her tuition fee. But all of her income is not enough for her daily needs, and she...
