FLASHBACK
KATATAPOS lamang ng recess. Naglalakad ako sa may corridor patungo sa aming classroom nang bigla na lamang akong nadulas at tumama ang likod ng aking ulo sa sill ng bintana.
Nagulat ang lahat ng aking mga kaklaseng nasa loob nang marinig at makita nila ang nangyari.
"'Y-Yong bata!" rinig kong sigaw ng ilang mga estudyante mula sa higher grade.
"May nadulas!" sunod-sunod ding sigaw ng ilang mga batang kagaya ko at lahat ay nakapanood sa akin.
Nasilayan ko naman ang isang lalaking halos takbuhin ang layo sa pagitan namin nang dahil sa pag-aalala. Ang nasa likuran niya ay ang aking guro na puno rin ng pag-aalala ang hitsura at nagmamadali patungo sa akin.
"Nako! Jusko po!" pag-aalala ng aking guro habang nakatakip ang mga palad sa bibig.
Mabilis akong binuhat ng lalaking mabango saka itinakbo papuntang clinic.
Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko man lamang nagawang umiyak sa kabila ng sakit. Hinawakan ko ang bahagi ng aking ulo na tumama sa sill—basa ito—at nang tingnan ko ang aking kamay ay puro dugo na.
Nang makarating sa clinic ay agad akong ini-upo ng lalaki. Matapos ay inasikaso na 'ko ng ibang guro dahil walang nurse rito.
Pansamantala nilang ginamot ang aking sugat.
"I called our family doctor. She's on the way ma'am," saad ng lalaking nagbuhat sa akin.
Hindi niya 'ko iniwan at nanatiling nakabantay sa aking tabi hanggang sa may dumating na doktor. Nalaman kong doktor iyon dahil sa puting-puti nitong suot.
Nilapitan ng aking guro at ng ibang mga guro ang doktor saka kinausap samantalang hindi pa rin talaga ako nagawang iwanan ng lalaki. Hinintay niyang makalapit sa amin ang doktor bago niya ito kinausap.
English ang kanilang mga pag-uusap kaya hindi ko rin maintindihan. Hindi nagtagal ay may pinaglalabas nang kung ano-ano ang babaeng doktor saka ginamot ang aking sugat.
"Are you feeling dizzy?" pag-aalala ng lalaki—bahagya siyang tumuwad upang magpantay kami.
Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Hindi ko naman kasi naiintindihan kung anong sinasabi niya.
"I m-mean. . . n-nahihilo ka ba?" pag-uulit niya sa tagalog.
Umiling ako.
Bahagya 'kong inilayo ang aking ulo mula sa doktor nang may kaunti akong maramdaman na hapdi—mukhang napansin iyon ng lalaki kaya agad siyang nagreklamo sa doktor.
"Be careful," rinig kong sabi ng lalaki.
"Natawagan niyo na po ba ang guardian ng bata?" malambing na tanong ng doktora.
"Yes po Dok," sagot ng aking guro. "Papunta na po ang nanay ng bata."
Nag-usap-usap pa sila. Pagkatapos ay bahagya ring tumuwad ang aking guro upang magpantay kami. "May masakit pa ba sayo? Kumusta ang pakiramdam mo?" sunod-sunod niyang tanong.
Bahagya akong umiling. "Ayos lang po ako," mahina kong sabi.
Nang matapos sa paggagamot ay napansin kong naghila ang lalaki ng upuan papunta sa akin saka naupo sa harap ko.
Panay ang ngiti niya sa 'kin samantalang seryoso lang ang tingin ko sa kaniya. "What's your name?" malambing niyang tanong.
Alam ko ang ibig sabihin noon dahil itinuro iyon sa akin ni nanay.
"Eight," seryoso kong sagot.
"A-Again?" tila nabingi niyang sabi.
"I'm Eight," pag-uulit ko sa lalaking bumuhat at nagbabantay sa akin. Ang bango-bango niya. Sobrang tangkad niya rin kaysa sa akin.
BINABASA MO ANG
Kissing Tutorial (COMPLETED)
RomansaFaith Cabutihan is a graduating student, but two years ago she was removed as a scholar because of her failing grades. So she needs to work hard and find a job to pay her tuition fee. But all of her income is not enough for her daily needs, and she...
