Chapter 23

13.5K 356 70
                                        

FROM: Abakada

'I will be back at exactly 6 pm.'

HINDI ko agad napansin ang text message ni Abakada sa 'kin kaninang umaga. Pagkatapos mamalengke ko lang ito nabasa.

Hindi na rin ako nakapag-reply pa dahil nang makakain ay gumayak na ako papuntang school.

Isa lang ang subject namin ngayong araw kaya ala-singko pa lamang ay nakabalik na ako ng condo. 

Pagkatapos ay nagpalit ako ng damit at nagsuot ng kumportableng shorts na may tatak na nike o puting check katuwang ng maluwang kong gray loose t-shirt.

Pinaikot kong muli ang aking buhok saka itinali para mas kumportable sa pakiramdam at dumiretso ng kitchen upang magluto ng hapunan.

Nagluto ako ng sinigang na baboy na kakasya sa aming dalawa ni Abakada. Nang maluto ay hindi na muna 'ko kumain at hinintay siyang umuwi para sabay na kaming maghapunan. Ngunit nang sumapit ang ala-sais ay hindi pa rin siya bumabalik. 

Akala ko at 6 pm, nandito na siya?! 

May bago ba siyang ka-blind date?

Napahinga ako nang malalim. Pakiramdam ko ay naiinis ako kahit wala namang nakaka-inis. Humiga na lamang ako sa malambot at mahabang sofa saka inunan ang pinaka-arm rest nito at nag-scroll sa facebook.

Siguro ay busog na siya sa babae niya.

Mayamaya lang ay biglang tumunog ang aking messenger at agad na bumungad ang hindi ko maintindihang pangalan ni Hi sa screen ng aking cellphone. Ngunit alam kong si Hi ito kasi picture niya ang profile.

안녕하세요 뉴스 is calling you. . .

"Hi?" sagot ko sa tawag. "Napatawag ka?" nakangiti kong tanong.

"Hindi mo ba 'ko namimiss?"

Bigla akong natawa sa inasta niya at binalewala ang tanong niya. "Kumusta ka sa trabaho?" pag-iiba ko.

"Ayos lang," aniya at huminga nang malalim. "How about you? Kumusta ka riyan? Hindi ka ba pinapahirapan ng boss mo? Sabihin mo lang sa 'kin para makuha kita riyan."

Muli akong napangiti. "'Wag kang mag-alala, maayos lang naman ako rito," saad ko.

"You sure?" paninigurado niya. Tumango ako sa kaniya. "If anything happens, call me right away, okay?"

"Ano ka ba!" Napahalakhak ako. "Wala namang mangyayari sa 'kin na kung ano rito."

Halata sa kaniyang mukha na hindi siya natutuwang kasama ako ni Abakada sa iisang condo. "Bakit kasi kailangan mo pang magtrabaho riyan sa boss mo? Bumalik ka na lang kaya sa 'tin. I miss you."

Tila biglang nag-init ang aking pisngi sa huli niyang sinabi at agad na nag-iwas ng tingin. Tumikhim ako. "Hi," isineryoso ko ang aking mukha.

"Hmm?" tugon niya at naghintay ng aking sasabihin.

"May gusto ka ba sa 'kin?" diretso kong tanong saka biglang napangiti. Nanunukso lang naman ako, pakiramdam ko kasi ay ang possessive niya kahit alam kong nagbibiro lang naman siya.

Bigla siyang nag-iwas ng tingin hanggang sa may narinig na lamang ako na pumatak kasabay ng paglikot ng kaniyang camera—mukhang nalaglag sa sahig ang cellphone.

"Hoy Ano!" natatawa kong tawag. "Ano ng nangyayari sayo?" Muling lumikot ang camera noong pulutin niya ang cellphone.

"S-Sorry nahulog 'yong puso ko—A-Ah I m-mean 'yong phone kasi!" aniya sabay turn off ng camera. "Ano nga ulit 'yong tanong mo?"

Kissing Tutorial (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon