"A-ANO!" tawag ko kay Hi nang may makita ako sa feed na information tungkol sa mga gustong mag-retake at take ng board exam.
Napapayag ko kasi siyang seryosohin ang engineering.
"May pangalan ako, miss, misis ko" sagot ni Ano habang nagluluto ng pagkain namin ngayong gabi. Samantalang ako ay nakaupo sa sofa at nagce-cellphone. Sandali pa siyang sumulyap sa akin para makita ang reaksyon ko.
"Tigilan mo 'ko sa pagtawag tawag mo ng misis mo, mister!" Inirapan ko siya bago ko iniharap sa kaniya ang phone ko. "Tingnan mo 'to bili! Para sa mga gustong mag-retake at mag-take ng board exam, saka full package na rin para sa mga gustong mag-review. Tarang sabay mag-review at mag-exam, Ano!" pag-aaya ko.
"Stop calling me 'Ano' "
Muli akong napatingin sa kaniya saka malakas na tumawa. "Nawiwirduhan kasi talaga ako sa Hi," natatawa kong sabi.
"Call me love then," napapangiting wika niya. Nilingon niya pa ako at mabilis na kinindatan kaya muli akong napairap. "Darling, sweetie, honey, baby, babe, hal, mine, sweetheart, yam, what do you prefer?"
"Ikaw, ang dami mong alam! Pakinggan mo muna kasi 'tong sinasabi ko."
"I'm listening."
"Tarang mag-exam next year! Sabay na rin tayong mag-review, kaso twenty thousand ang review fee." Medyo may bahid ng lungkot ang aking boses. Sobrang laki ng magagastos ko—kailangan ko talagang galingan ng pag-tutor kay Abakada.
"O bakit parang hindi ka masaya?" tanong niya.
"Mahal ng review fee," sagot ko.
"Ako na lang mag-tutor sayo. Alam ko na mga questions d'yan since maraming beses na kong nag-retake," aniya ng hindi humaharap sa akin. Nakaharap siya sa kaniyang nilulutong adobo.
"Baka ibang tutor 'yan ha!" bulong ko nang maalala ang klaseng tutorial na mayroon kami ni Abakada. Medyo trauma na 'ko sa salitang tutor pero 'di ko naman pinagsisisihan na nakilala ko si ABC.
"Ha?" aniya.
"Ah wala-wala! Sige, sabi mo 'yan ha! Aasahan ko 'yan!"
—
KASALUKUYAN akong nakahiga sa aking kama at matutulog na sana dahil maaga pa ang pasok ko bukas sa school nang mag-vibrate ang aking cellphone at mabasa ang text ni Abakada.
FROM: ABAKADA
'Having fun with your new guy, huh?'
Walang nakakatawa sa text niya pero kusang gumuhit ang ngiti sa aking mga labi.
'Have you decided already to move to my condo?' text niyang muli.
Mariin kong nakagat ang aking ibabang labi habang tinititigan ang mga text niya.
—
"Don't tell me you're wearing Calvin Klein underwear briefs?" aniya at tumingin sa bubong.
Tila bigla akong namutla no'ng pagtingin ko sa bubong ay may nakahanger na dalawang brief at may tatak pa na Calvin Klein.
Bumubuka ang aking bibig pero wala akong masabi. B-Bakit ba naman kasi rito pa sa sala isinampay ni Ano 'yong brief niya!
Binabalot ako ng kahihiyan at hindi ko alam ang aking sasabihin.
"Explain," utos niya.
Bakit pakiramdam ko, kailangan ko ngang mag-explain?
BINABASA MO ANG
Kissing Tutorial (COMPLETED)
RomanceFaith Cabutihan is a graduating student, but two years ago she was removed as a scholar because of her failing grades. So she needs to work hard and find a job to pay her tuition fee. But all of her income is not enough for her daily needs, and she...
