"Did you see something in my room?"
"W-Wala," halos manginig kong sabi sa kaniya.
Hindi niya inalis ang kaniyang mga matang nanunuri sa akin. Nagsunod-sunod ang aking paglunok at pakiramdam ko ay matutuyuan na ako ng lalamunan sa takot.
"W-Wala talaga! P-Promise!" pangungumbinsi ko pa.
Bahagya siyang tumango bago 'ko talikuran.
Medyo nakahinga ako ng maluwag no'ng umalis na siya sa aking harapan. Napaupo na lamang din ako sa malapit na upuan ng dahil sa panghihina.
"Hija, 'wag mo sanang masamain, ha?" pang-aagaw atensyon ni manang kaya bigla akong napatingin sa kaniya. Tumabi siya sa upuang inuupuan ko. "Nag-away ba kayo ni Sir A?" tanong niya.
Medyo nakakahalata na rin pala si manang.
Muli na naman akong napalunok. Hindi ko naman kasi alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Wala akong maalala na pinag-awayan namin ni Abakada—basta bigla na lamang siyang umiwas at hindi namansin.
Tumungo ako at bahagyang umiling. "H-Hindi po. P-Pagod lang po siguro siya sa trabaho," pagdadahilan ko na lamang.
—
MEDYO kinakabahan ako sa aming reporting. After kasi ng reporting ngayong umaga sa technopreneurship—may thesis defense naman kami pagsapit ng 10 am.
Mabuti na lang talaga—noon pa lang ay inayos ko na ang powerpoint namin para sa defense. Na-check na rin ito ng aming professor at wala pa rin talaga kaming ideya kung sino ang mga magiging panelist.
Lahat kaming magba-blockmates ay nakasuot ng formal attire—maliban lamang doon sa ilang hindi pa ngayon ang defense.
Nakasuot ako ng itim na paldang maiksi. Medyo fitted ito—katuwang ng kulay pula kong sleeveless na naka-tuck in sa aking palda—tinernohan ko rin ito ng kulay itim na suit para mas pormal tingnan.
Ayos na ring kami ang mauna sa defense para matapos na. Sana mairaos namin ito para graduation na lang!
Konting tiis pa Faith!
Nang magsimula ang reporting sa technopreneurship ay biglang nahagip ng aking mga mata si Abakada na dumaan sa aming corridor kasama ng ilan kong mga naging professor. Naka long sleeve itong pula ngunit wala siyang suot na necktie.
Agad na nagtama ang aming mga mata ngunit bigla niya ring iniiwas at dire-diretsong nilampasan ang aming classroom.
Mabilis akong binalot ng kaba—kaya medyo nanginig ang aking mga labi habang nagsasalita sa unahan. Mabuti na lang talaga ay hindi ako mental block—ayoko pa namang umulit.
Nang mairaos ang reporting ay saka ko lang naisip na parehas pala kaming nakapulang pantaas ng Alphabet na 'yon—p-pero. . .a-anong ginagawa niya rito sa school?
—
SUMAPIT ang alas-diyes ng umaga. Lahat ay kinakabahan para sa defense. Kanina pa ring nanlalamig ang aking mga palad.
"Faith, 'yong flashdrive?" tanong ni Erica.
"Wait!" saad ko at hinanap sa ito aking bag.
Pupunta kami ng AVR—doon kasi gaganapin ang defense saka mayroong sariling kompyuter doon na sasalpakan ng flashdrive at may projector na rin.
Medyo binalot ako ng kaba nang hindi ko makapa ang flashdrive kaya halos ibubo ko na lahat ng laman nitong aking bag.
Sobra kong nakahinga nang maluwag nang makita ko rin ito sa wakas saka ko mabilis na inabot kay Erica.
BINABASA MO ANG
Kissing Tutorial (COMPLETED)
Storie d'amoreFaith Cabutihan is a graduating student, but two years ago she was removed as a scholar because of her failing grades. So she needs to work hard and find a job to pay her tuition fee. But all of her income is not enough for her daily needs, and she...
